NEW LIFE

404 14 1
                                    

CHAPTER 9


---

Sa tulong nila Mommy at Kuya Stanley, nakapagpagamot ako at alam ko sa sarili ko na bumubuti na ang pakiramdam ko pati na din ang isip ko. 3 months na simula nung nakilala ko sila at nagpagamot ako

Nung una hirap na hirap ako lalo na yung mga theraphy ko na kailangan balikan ang nakaraan..pero sabi nila dapat kong harapin kung ano man ang mga kinatatakutan ko at kung ano ang mga bagay na kayang mag trigger ng sakit ko.

Ung panahon na nawala ang parents namin..

Yung dumating kami sa point na wala ng makain at hindi na alam ang gagawin pa ra lang mabuhay ko ang mga kapatid ko

Tapos yung panahon na pagod na ako sa mundo.. pagod na akong mabuhay

Yung araw na nakilala ko si Myra.. my savior

At syempre yung pinaka malala ay yung mga pang bbully sakin ng mga tao.. mga mapanghusgang mata at isip at ang masasakit na salita ..

At ang huli ay yung kay Paulo..

Lahat ng yan pinagdaanan kong muli..

Madaming beses kong sinaktan ang sarili ko para lang ma release yung pain na dinadala ko noong nasa stage ako na binalikan ang lahat..

Para bang d ko kayang ihandle ang lahat ng sitwasyon na nangyare sakin.. ganon ako kahina.

Madaming beses kong pinag dudahan ang kakayahan ko kasi feeling ko lumalala lang sya dahil every night I secretly get a knife and just slightly cut my pulse, palm and even my leg para lang maging okay ako.

At nasa katawan ko pa din ang mga ibedensya.

Madami akong gamot na dapat i take on time at dahil gusto ko din naman gumaling sinusunod ko lahat ng payo ng doctor ko.. at syempre salamat sa kanilang lahat at palagi silang nandyan.

3 months na ang lumipas pero yung pagmamahal ko sa kanya nandito pa din.

Sa 3 buwan na yun pinilit ko siyang kalimutan pero wala.. d ko kaya.. mahal ko kasi

Kaya nakapag desisyon ako at kumukuha lang ako ng lakas ng loob para kausapin siya tama sila kailangan ko siyang makausap ng harapan pero gusto ko pag magaling na ako.. kahit gustong gusto ko na siya makita at makausap pinigilan ko ang sarili ko kasi alam ko na hindi pa ako handa.

"Besh.. kamusta?" ngayon lang ulet kami nagkita

"okay lang namiss kita ng sobraaaa"sabi ko at niyakap siya

"bakit ba kasi mas pinili mo na dito mag stay kesa sa bahay"tanong niya sakin

Nag stay na kasi ako sa House of Life, isang lugar kung san ang may mga mental issues na kagaya ko ay tinutulungan nilang magamot

Natakot kasi ako na baka makapanakit na naman ako kung bigla akong sumpungin tulad nung nangyare dati kaya mas ginusto ko na dito na muna

"wala lang gusto ko lang na gumaling agad"sagot ko

"bakit hindi ka ba gagaling pag dun ka sainyo nag stay?"

"Basta feel ko lang dito.. kamusta kana na miss na miss kita"

"eto malapit na mag ka jowa ang ganda ata ng bestfriend mo"biro niya sakin

"talaga ba? gusto kong makita at makilala yan"

"sa tamang panahon.. tara na?"sabi niya at kinuha yung bag ko

"Alam mo ang dami kong chika sayo d ko na nga alam kung san sisimulan bat ba kasi bawal kang tawagan dito? tapos d din pwede palagi dalawin"sabi niya habang naglalakad na papunta sa sasakyan niya

HATDOG IS THE KEY | COMPLETEDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant