SEJUN'S POV
---___---
"Pano kumatok ang tokwa?"biglang nagsalita si Justin
Hayy eto na naman siya
"edi Tofu, tofu, tofu HAHAHAHHA"sabi niya at tinawanan yung corny niyang joke
"hayy Justin.. itulog mo na lang yan"sabi ni Josh habang tinapik tapik yung ulo ni Jah
"Pero ano nga kasing prutas ang nananakot?"pangungulit na tanong niya
huminga ng malalim si Josh at sinagot "ano?"
Tumawa muna ng parang baliw si Jah bago niya sinagot "edi BANA..NA NA HAHAHAHHAHA"tawa niya ulet
"sige na Jah matulog kana isave mo yang jokes mo pag dating natin don"sabi ni Stell
Wala kami pakialam ni Ken basta siya nanunuod ng anime at ako naman ay nakatingin lang sa daan
May convention kasi kaming aattendan sa Cebu kaya nagtravel kami ng maaga para makarating agad
Tumigil muna kami para kumain
"May oras pa tayo kaya pwede pa tayo mag gala gala, wag lang daw magpapakita sa ATIN"paalala ko sa kanila
Lagi din kasi naming rule yun, simula nung medyo sumikat kami may mga tao na nakakakilala samin kaya once na papunta sa crowd at makilala kami hindi na kami makaalis agad agad
"So san kayo?"tanong ni Josh
"Maglalakad lakad muna ako dito sa may beach.."sabi ko
"Hoy Sejun sama!"sabi naman ni Jah
"Hoy ka na naman diyan"sabi ko
"magkita kita na lang tayo mamaya"sabi ko at nagsimula na maglakad
Habang naglalakad kami itong si Jah walang katigil tigil sa pag vvlog
"Jah, baka may makakilala sayo.. ang ingay mo"sita ko sa kanya
"hehe sorry ang ganda kasi ng dagat"sabi niya at tinago yung phone niya
"Aray naman Sejun"sabi ni Jah nung nauntog siya sakin napatigil kasi ako bigla
napalingon ako dun sa babae na sumigaw ng Hotdog...
"sino ba yang tinitingnan mo? kakilala mo ba?"tanong ni jah at sinundan kung sino yung tinitingnan ko
"Jah.. tulak mo ko"
"ha?"takang sabi niya
"bilis na!"sabi ko
"okay"sabi niya at tinulak nga ako
"Hala yung hotdog ko!"sigaw nung babaeng binangga ko
"sorry"sabi ko kaagad
inayos ko yung hoodie ko at iniwas yung muka ko nung tiningnan niya ako ng masama
Tas pa simple ko siyang tiningnan ang cute cuute niya para na siyang maiiyak habang tinitingnan yung hotdog sa buhanginan..
Kaya sumenyas ako kay Kuya na order ako isa
"Miss ito oh sorry talaga"sabi ko at unti unti siyang tumingala at nakita niya ako
well nagpakita talaga ako
"S-SE J-JUN???" malakas pero putol putol na sabi niya kaya ang daming lumingon samin.
Ngumiti ako at inabot sakanya yung hotdog..
"Sorry talaga miss.. bbye"sabi ko at saka hinila si Jah at nagsimula ng tumakbo dahil may nakakilala na sakin
Hinga na hingal kami ni Jah ng makarating sa sasakyan
YOU ARE READING
HATDOG IS THE KEY | COMPLETED
FanfictionHindi ko lubos isipin na ng dahil sa Hotdog dun ko makikilala ang taong bubuo ng buhay ko.. Pero tanong sa aking isipan kung hanggan kailan ako magiging masaya? Pwede bang panghabang buhay na kaming ganito ako at siya...magkasama --- HOY POOOO ❤ Wel...