HIS REASON

378 17 1
                                    

CHAPTER 17

---___---

He left me.. just like that

Parang tulad lang nung dati kung kelan mahal na mahal ko siya saka siya nawala na parang bula

Pinilit kong pigilang tumibok ulet ang puso ko..

halos ilang taon kong tinayo ang bakod para wala ng makaabot at makapanakit pa sakin

Pero gaano kataas at katibay ang pader o bakod na iniharang ko ay saglit lang nagiba nung siya ay bumalik at nagparamdam.

Hayy..

Pero simula nun hindi na siya nag pakita sakin..

Ang balita ko nag pprepare na sila for their comeback.. sabi ko na nga ba aalis lang din siya.

'Mommy kelan ka ba babalik dito?'tanong ko sa kanya habang nakatingin ako kay Sanie na hawak hawak niya

'look how adorable she is.. baka dito na muna ako mag stay Princess I love her accompanny'sabi niya at nilaro si Sanie

'ang laki na niya!.. at naglalakad na'sabi ko ng makita kong binaba ni Mommy si Sanie at nagsimula ng maglakad

'Princess.. you should come home for her 1st birthday'

'ang bilis ng panahon.. parang last time lang nasa tyan siya ni Myra then now mag bbirthday na siyaa'

'yeah.. kaya ang mabuti pa umuwe kana dito and why don't you stay here for good, nandito kaming pamilya mo'

'Mom hindi yun ganon kadali'

'I know.. pero hindi mo ba kayang itry for the sake of this cute baby here? gusto ko na lumaki siya na buo tayo dito.. ikaw kelan mo balak mag asawa?'

"ako talaga tatanongin mo niyan Mom?'

'yes and why not? si RM nga parang balak na niya mag asawa ee.. I talked to him yesterday and he told me that he's planning to propose to his long term girlfriend'

'I know that nakausap ko na din siya from Switzerlad.. wala naman problemma sakin yun Natasha is a fine lady'

'baka naman maunahan ka pa ng bunso nating si Jin sa pag aasawa'biro sakin ni Mommy

'Okay lang yun.. basta masaya sila.. kayo masaya na din ako'

'talaga ba? Pero bakit iba ung nararamdaman mo sa mga sinasabi mo'seryoso niyang sabi sakin

'amm.. Mommy how is h-he?'tanong ko

'he's good.. malapit na ang comeback nila kaya masyado ng busy'

Tulad nga ng sinabi ko noon lahat ng mga issue ko sa buhay si Mom ang nakakaalam.. lahat ng nararamdaman ko pati sa kanya alam niya.

Wala naman siyang tutol sa mga kinukwento ko sa kanya .. palagi pa nga niyang sinasabi sakin na magtiwala lang kay Sejun at may mga rason daw ito

Minsan hindi ko din alam kung san hinuhugot ni Mommy ang mga sinasabi niya..

---

Sinimulan ko na ayusin yung mga draft ko para sa naiisip kong concept para sa susunod kong exhibition.. matagal pa ulet ito pero sobrang tagal din ng preparation.

hindi lang din naman pag papainting ang dapat kong gawin, nakatanggap ako ng iba't ibang interview at hindi tulad noon na pwede kong tanggihan lahat, ngayon kasi alam na nila ang mga basic information ko na pwede nilang ma contact

Kaya mas naging abala ako ngayon.

Tulad ngayong araw kailangan kong pumunta sa office nila Dhebby for a meeting and then may meet and greet pa ako after.. at madami ang iba mga ilang linggo na din akong ganito

HATDOG IS THE KEY | COMPLETEDWhere stories live. Discover now