KASALUNGAT sa FILIPINO

452 1 0
                                    


100 halimbawa ng mga salitang magkasalungat?




Halimbawa ng mga Salitang Magkasalungat

Makapangyarihan ang mga salita. Ito ang nagbibigay ng puwersa upang magkaroon ng komunikasyon ang mga tao. Ang magkasalungat na mga salita ay literal na magkaiba ng kahulugan o ang mismong kabaligtaran nito. Tinutukoy nito ang kahulugan ng isang salita sa magkaiba o magkasalungat na direksyon.

Mga Halimbawa ng Salitang Magkasalungat

Narito ang ilang halimbawa ng mga salitang magkasalungat:

lumiban - pumasok

kumuha - nagbigay

nagdagdag - nagbawas

sulong - urong

lungkot -  saya

sagot - tanong

malapit - malayo

darating – aalis

pinapansin – binabalewala

bawal – puwede

lumaki  - lumiit

buhay – patay

bumili – nagbenta

hawak – bitaw

mali – tama

puti- itim

mahina – malakas

masaya – malungkot

mataas – mababa

maingay – tahimik

mabilis – mabagal

malinaw - malabo

luminis - dumumi

sinasara– binubuksan

magpapatuloy – hihinto

umunlad – humirap

nagtaas – nagbaba

nagsaya – nagluksa

gumaling - nagkasakit

lumaban – sumuko

lumimot – nakaalala

mabilis- magaan

kumita – nalugi

tawa – iyak

gusto – ayaw

minamahal – inaayawan

lumilikha – sinisira

utos – hiling

inaruga – pinabayaan

may sakit – malusog

nakatayo – nakaupo

nakatayo- nakaupo

sobra – kulang

ngiti – simangot

isinusuka – nilulunok

manwal – awtomatik

wala – mayroon

may pasensya – mainipin

nagwagi – natalo

palahaw – bulong

kaibigan – kaaway

masunurin – pasaway

tapat – kurap/ tiwali

tinatanggap – itinatakwil

sinamahan – iniwan

buo – wasak

matulin – makupad

mahirap – madali

mahirap – mayaman

kasaysayan – kinabukasan

duwag – matapang

ginalang – winalang-dangal/ pinahiya

tsismis - balita

peke/ huwad – totoo, hindi tunay

kasabihan – sayantipiko

inosente – may malay

gising – tulog

bulag – nakakakita

pipi  – nakakaimik

inasikaso – sinabotahe

pinuri – pinulaan

kabalintunaan – katunayan

kulot- tuwi

kontemporaryo – konserbatibo

diktadurya – demokrasya

watak-watak – nagkakaisa

nakakulong – malaya

nasasakal – maluwag

masikip – maluwag

kanan – kaliwa

totalitaryan – sosyalista

mapang-abuso – makatarungan

mapagpanggap – totoo

mapagmalabis – may hustisya

baluktot- tuwid

matangkad– payat

sakim – mapagbigay

kasamaan – kabutihan

karangyaan – kasimplehan

bongga – simple

busog- gutom

dayuhan – ninuno/katutubo

imperyalismo – nasyonalismo

kalaban – kakampi

napilitan – nakapapamili

binebenta – inaangkin

pinababayaan – pinoprotektahan

sinasakop – pinapalaya

digmaan – kapayapaan

kolonya - republika

Kahalagahan ng Magkasalungat na mga Salita

Mayroon itong malaking epekto sa pagbuo ng kaisipan at sa mambabasa. Anu-ano ang mga ito? Narito ang ilan:

Puwede kang gumamit maging ng magkasalungat na mga salita upang bigyang kahulugan ang iyong nais sabihin, anupat napatitingkad ang kahulugan nito.

Nagkakaroon ng kasabikan ang mambabasa.

Napapalawak ang bokabularyo.

Naibibigay nito hindi lamang ang kahulugan ng mga salita kundi ang damdamin ng buong pangungusap.

Para magamit ang mga magkasalungat na mga salita, nangangailangan pa din ng iba pang karagdagang salita gaya ng "hindi" upang baliktarin ang kahulugan nito at tumugma sa naunang binibigyang kahulugan

COMPILATION OF RELIABLE REVIEWER FOR LICENSURE  EXAMINATION FOR TEACHERWhere stories live. Discover now