Chapter 2

4.5K 46 19
                                    

C H A E Y O U N G

"Pero Mamachip,"

"Wala nang pero-pero, Rj. Hindi tayo aalis ng Thailand, okay?"

"I'll try to talk to Mama Lisa,"

Manang-mana talaga sa nanay niya, ayaw patalo.

"Okay, pero sigurado akong hindi ka niya papayagan,"

"We'll see, Mama. We'll see." At tinaasan niya ako ng kilay.

Pasalamat talaga 'tong batang 'to at mahal ko ang nanay niya. Kung hindi baka ibinalik ko na 'to sa sinapupunan ni Lisa.

"Go to your Unnie."

"Mama before Unnie."

"Bakit ba gusto mo sa Korea? Once ka lang naman nakapunta ro'n, noong wala ka pang bait."

"I don't know, Mama. Kapag nakikita ko ang Korea sa internet pakiramdam ko para akong hinahatak papunta ro'n."

Hindi ko alam kung saan nakukuha ng batang 'to ang mga pananalita niya. Masyadong matalino para sa tatlong taong gulang.

"Okay, whatever."

"I'll use my charm." Tumalikod na siya at hinanap si Lisa.

Hindi ko alam kung saan humuhugot ng confidence ang batang ito.

Another five years of being with Lisa and our kids.

Isang linggo makalipas ang aksidente, bigla na lang nawala si Jisoo. Walang paalam, walang kahit ano. Hindi nakaligtas sa aksidente si Jennie habang nag-aagaw buhay si Lisa. Ang tagal niyang walang malay at hindi ko alam kung paano ipapaliwanag na wala na si Jennie. Hindi ko alam kung saan pa ako huhugot ng lakas pagkatapos ng lahat-lahat. Jennie's dead, Jisoo's gone. Walang natira sa akin, maliban sa anak namin, at hindi ko siya mapapatawad sa pagtalikod niya sa akin, sa amin, kahit ano pang dahilan niya.

"Earth to Chipmunk!" Sigaw ni Lisa.

Hindi ko namalayang tulala na naman ako. Limang taon, limang taon na pero nananatili pa rin ang sugat na iniwan nila.

"Kinausap ka na ba ang anak mo?" tanong ko.

Naupo siya sa tabi ko.

"Oo, gusto niya raw bumalik ng Korea?"

"And?"

"What do you think? Should we go back?"

Okay ka na ba? Kaya mo na ba?

"Ikaw ang magdesisyon, kung anong gusto mo okay lang sa akin." Nakangiti kong tugon.

Hindi ko alam kung handa na ba siyang bumalik sa umpisa. Handa na ba kami? Kaya na ba namin? Limang taon at parang sariwa pa rin ang lahat.

"Bakasyon siguro? Tsaka miss ko na rin si Jennie, bibisitahin ko sana siya."

Jennie again, paano ba niya makakalimutan si Jennie kung palagi niya itong bukambibig?

Matagal na siyang wala Lisa, matagal na.

Kung wasak ako mas wasak siya. Kung miserable ako mas miserable siya. Sinusubukan kong isalba kaming pareho kahit paulit-ulit akong nabibigo. Walang gabing hindi niya napapanaginipan si Jennie at ganoon din ako kay Jisoo.

"Hindi mo ba namimiss ang Korea?" tanong niya.

"May dapat bang ma-miss sa Korea?"

Kumunot si Lisa.

"Yung buhay natin noon, Chip."

Hindi na 'yon dapat pang inaalala at binabalikan.

Eyes Don't Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now