Chapter 18

877 16 4
                                    

C H A E Y O U N G

Minsan iniisip ko kung hindi ba kami naging mabuting tao para parusahan nang ganito. Kung nanatili lang sana kami sa Korea hindi sana nagkagulo ang lahat. Sinubukan kong magpanggap na gusto ko si Lisa, baka sakaling mapananatili ko siya pero walang epekto. Sinubukan kong ilayo siya kay Jennie pero sabi nga nila "Love will lead you back." Nakakasama lang ng loob na puro sakit ang dulot ng pagmamahalan nila. Mahal ko sila, totoo 'yon pero pagod na ako, pagod na kaming lahat. (Shame on you, Author. Patayin mo na lang kaming lahat.) (Soon...)

I have this one big little secret. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila o kung sasabihin ko pa ba. Lalo na ngayon na sabay-sabay ang pagdating ng problema. I have brain cancer. And--- and i'm dying. Noong pabalik-balik kami sa Korea para magpagamot walang alam si Lisa na kasabay niya ay nagpapagamot din pala ako. Minsan ko nang sinubukang sabihin sa kanya pero pinangunahan ako ng takot. Hindi namin alam kung nasaan si Jisoo, nagluluksa pa siya kay Jennie. Wala akong pagkakataon at mabuti na rin siguro iyon. May mga araw na bigla na lang sumasakit ang ulo ko. Nagkukulong ako sa banyo at habang nakagagat sa naka-roll na towel para hindi nila marinig ang sigaw ko. Ayaw kong umasa sa gamot, sa pampamanhid. Sinubukan na namin ang lahat ng puwedeng gawin para mabawasan ang sakit pero wala. Habang tumatagal, lumalala. Ayos lang naman kung kukuhanin na ako ni Lord pero sana naman kapag nasa maayos na ang lahat. Ayaw kong maiiwan ang mag-ina ko sa ganitong sitwasyon. Baka hindi rin ako matahimik sa langit. For sure naman sa langit ako mapupunta. Church girl, remember? Miss ko na si Lisa.

"Earth to Chaeng, please." Lipad na naman pala ang isip ko.

"Ano nga ulit ang sinasabi mo?"

Kanina pa pala akong kinakausap ni Chu, wala akong naiintindihan. Nandito kami sa Café nina Jennie kasama ang mga bata. Naiwan naming natutulog pa si Jen. Hindi na rin kami nag-abalang gisingin pa siya. Alam naman naming pagod na pagod siya at hindi pa rin siya nakaka-recover sa nangyari. Sa aming lahat si Jennie ang pinakaapektado. Sana lang ay palagi niyang piliin ang magpatuloy kahit ang totoo mas madali naman ang huminto na lamang.

"Ang sabi ko anong gusto mo? Naka-order na ang mga bata. Ikaw na lang ang hindi pa."

"Coffee lang ako."

Nagulat ako sa sunod na ginawa ni Chu. Sinalat niya ang leeg at noo ko.

"KIM JISOO ANO BA?! HINDI AKO NAKIKIPAGBIRUAN SA IYO HA." Napataas na rin ako ng boses na ikinagulat ng mga bata pati na rin ni Chu.

"Sorry." Tipid niyang tugon.

Nagpunta na siya sa counter habang naiwan kami ng mga bata.

"Mama Chip, okay ka lang po ba? Bukod sa coffee lang ang order mo which is hindi ka naman po ganyan dati dahil alam po nating lahat na matakaw---"

Hindi na natapos ni Rj ang sinasabi niya dahil mabilis na tinakpan ni Jiro ang bibig nito. Minsan talaga matabil ang dila ng mga bata. Minsan masarap tanggalan ng dila ang mga bata, kahit pawang katotohanan lang naman ang sinabi niya. Napapansin ko rin na hindi ako masyadong nakakakain nang maayos, nang tama. At higit sa lahat nang marami. Parang tinitikman ko lang ang mga pagkain pagkatapos ay ayaw ko na kaagad. Wala akong gana sa lahat. Hindi ko alam kung epekto ba 'to ng sakit o ng mga nangyayari sa amin.

Almost 8:00 AM pa lang. Tamang-tama ang puwesto namin dito sa loob. Natatapatan kami ng sinag ng araw.

"Mama, pakibaba naman po ng blinds. Ang sakit po kasi sa mata." sabi ni Rj.

Aktong ibababa ko na ang blinds nang mapansin ng mata ko ang isang pamilyar na babae at may kasama siyang lalaki. Anong ginagawa nila rito? Hindi ako maaaring magkamali. Tumayo na silang pareho. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito. Kailangan ko silang sundan.

Nakapila pa rin si Jisoo at hindi sila puwedeng mawala sa paningin ko.

"Jiro, aalis lang ako. Sabihin mo sa mama mo sa bahay na kami magkita, okay?"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Dali-dali akong lumabas ng café. Good thing at nahanap agad sila ng mata ko. Nagpunta sila sa parking at sumakay sa itim na kotse.

Lord Jisoos, naiwan ko ang susi kay Chu.

Bilang may tumigil na pamilyar na sasakyan. Kamukhang-kamukha ng sasakyan namin.

Nagbaba ng bintana ang driver.

"Sakay!"

Aba! Kailan pa 'to natutong sumigaw?

"Ang mga bata? Bakit mo iniwan?"

"Sumakay ka na muna bago pa sila tuluyang mawala sa paningin natin."

Dali-dali akong sumakay kahit na nalilito pa rin ako.

"Paano mo---?

"Yong madaldal na anak ni Lisa. Kanino pa ba?"

Minsan talaga napapakinabangan ang kadaldalan. Thank you, Rj.

"Sorry."

"Tsaka na kita pagagalitan kapag nakauwi na ulit tayo. Seatbelt mo."

Nakaka-guilty naman. Muntik na naman akong magsinungaling.

"Dalawa tayo rito, okay? 'Wag na 'wag mong sasarilin ang lahat. Kahit ano pa 'yan."

Hinalikan niya ako sa noo bago mabilis na nagmaneho.

Jisoos. I'm sorry. Patong-patong na ang pagsisinungaling ko sa 'yo.

(Bumabawi dahil muntik ko nang i-unpublish 'to. Sorry ulit. Salamat sa pag-unawa. ILY. Nakakarami na kayo ng ILY sa akin a. Hahaha.)

Eyes Don't Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now