BASAHIN NIYO NAMAN 'TO. HAHAHAHA!

707 16 18
                                    

Hi! Last chapter na tayo tonight. Nakakalungkot naman. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbasa, maging silent reader man, sa mga nag-add sa reading list nila, sa mga nangangausap sa akin, mga nagme-message, SALAMAT sa suporta. Kung alam niyo lang kung gaano kalaki ang epekto ng bawat reads, votes, comments, messages ninyo. Nakakaiyak sa tuwa. Haha. Korni pero seryoso ako ha.

Hindi ko alam, hindi ko talaga inaasahan na may magbabasa nito. Sinubukan ko lang talagang magsulat, bilang unang hakbang. Haha. Sabi ko kahit maging training ground muna sana. Haha. Not into novel kasi. Haha. Poems, long and short stories lang kalimitan kong sinusulat. At hindi ko naisip na makakatapos ako ng libro dahil nga tamad ako. Sabihin mo salamat Shopee. HAHAHA. Biro lang.

Basta, SALAMAT! Ang dami kong natutunan dito, at umaasa pa ako para sa mas marami pang pagkatuto.

Sarap sa matang makakita ng notifs. HAHA! Susubukan ko pa ring bumalik-balik dito kahit nag-create na ako ng bagong account.

MAHAL KO KAYO, SERYOSO.

Teka, may gusto pala akong i-kuwento, bilang pala-kuwento naman talaga ako. Hahaha.

May isang fb group akong nasalihan. Hindi ko alam kung paano ko nakita ang group na 'yon. Basta nag-appear lang sa TL ko. Haha.

So ito na nga ang totoong kuwento. Nakakatuwa ang mga aspiring writer doon, nakakainggit, nakakatuwa ang paraan nila ng pagsulat. Mapapa-sana all ka talaga.

Meron silang outline. Alam nila ang takbo ng kuwento. Detalyado. May mga notes pa sila, samantalang ako, wala. Haha. Kung ano lang pumasok sa isip ko 'yon ang isinusulat ko. Kung halimbawang biglang nasa jeep ako, naglalakad o di kaya'y kahit anong ginagawa ko, basta na lamang may papasok sa isip ko at 'yon na 'yon. Kaya siguro magugulo ang mga kuwento ko. Hahaha. Pero natututo naman ako. Nasa proseso pa ako ng pagkatuto.

Nakakatuwa sa part na alam nila ang umpisa at katapusan. Tapos ako nag-iiba ang story, ang plot depende sa lagay ng isip. Hahaha. Basta, sulat lang nang sulat.

Kung sinumang makakabasa nito na tinalikuran na o gustong talikuran ang pagsusulat, pakiusap, HUWAG! Tuloy ka lang palagi. Dumarating talaga sa puntong napapagod na tayo, pero 'wag na 'wag ang hihinto. Ang gamot sa pagod ay pahinga hindi ang paghinto. SULAT!

Byeeeeeeee!

Skl 'yung drafts ko na hanggang drafts na lamang. Hahahaha. Good night!

 Good night!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Eyes Don't Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now