Chapter 14

1K 18 32
                                    

S O M E O N E

Tama pa ba 'tong ginagawa ko? Wala namang masamang gumanti 'di ba? Kinuha ka nila sa akin, dapat lang na magbayad sila.

Ilang taon ko pa bang kakausapin ang larawan niya? Pagod na pagod na ako. Gustong-gusto ko nang sumunod sa kanya. Mula nang mamatay siya kasama na ring namatay ang puso ko. Hindi ko alam kung paano magpapatuloy. Hindi ko na ginustong mabuhay pa. Bakit pa 'di ba? Wala na akong dahilan.

Nakarinig ako ng marahang pagkatok.

"Pasok." Sigaw ko.

"Nandito na po sila."

Dudungisan ko na ba ang mga kamay ko? Ang mga kamay na minsang yumakap sa 'yo. Ang mga kamay na nagpahid sa mga luha mo.

"Dalahin mo muna sa kuwarto. Igapos mo nang maayos pero 'wag na 'wag niyo siyang gagalawin. 'Wag na 'wag niyo siyang gagalusan. Tanggalan niyo muna ng takip sa mata. Pakainin ninyo. Hanggang do'n lang."

"Opo." Kaagad din silang lumabas at sinunod ang utos ko.

Hahayaan ko silang mabaliw kaiisip kay Lisa katulad ng pagkabaliw ko sa pagkawala ng taong mahal ko.

***

"Jennie na naman, Baby?"

Alam ko namang magkaibigan sila pero hanggang dito ba naman sa date namin Jennie pa rin?

"Hayaan mo na ha, nahihirapan lang talaga ako. Hindi ko alam kung paano ko sila isasalba nang sabay."

"Doctor ka, Baby. Hindi ka Diyos."

Nagkakilala sila ni Jennie sa New Zealand. Hindi naman niya nababanggit si Jennie noon, ngayon lang na nakabalik na kami sa Korea.

"Baby alam mo bang balak na niyang i-donate ang puso niya kay Lisa. At natatakot ako, wala akong magawa. Kahit anong paliwanag ko na baka makakahanap kami ng donor, hindi siya nakikinig."

Heto na naman po kami.

"Nakausap ko na rin ang lawyer niya, kung may mangyari daw kay Jennie bago ang araw ng operasyon tuloy pa rin daw ang heart transplant."

Napapadalas ang paglabas nila ni Jen. Sa totoo lang ayaw ko rin ng plano ni Jennie. Bakit kailangan niyang ibigay ang puso niya? Hindi na ba talaga makakahintay?

"Kailangang-kailangan na ba talaga, baby?"

Tumingin muna siya sa akin, bago lumamlam ang kanyang mga mata.

"Oo, baby. Medyo lumalala na. Natatakot si Jen na baka isang araw paggising niya hindi na tumitibok ang puso ni Lisa."

Hindi ba't hindi patas sa part ni Lisa? Magigising siya isang araw na wala na si Jennie tapos ang puso na nito ang tumitibok sa dibdib niya? Baka hindi niya kayanin 'yon. Wala siyang kaalam-alam sa plano ni Jennie. Sabihin na nating sobrang mahal ni Jennie si Lisa pero paano ang pagkatapos? Oo, nabuhay siya pero para na rin siyang namatay sa gagawin ni Jennie. Ang selfless niya pero ang selfish din. Hindi niya naiisip ang pagkatapos.

"Baby!"

Nagulat ako. Hindi ko namalayang ang layo na pala ng iniisip ko.

"You are not listening."

Hinawakan ko ang kanang kamay niya.

"Nakikinig ako, baby. Ang unfair lang sa part ni Lisa na hindi man lang niya malalaman na mawawala na pala si Jennie sa kanya. Ano 'yon, magigising na lang siya na wala na si Jen?"

Bakas pa rin ang pag-aalala at pagkalito sa mukha niya.

"Kapag naging successful ang operation, palalabasin na lang na namatay sa aksidente si Jennie at cremated na."

Tangina. Anong klaseng drama ba 'to?

"Sana pinatay niyo na lang nang tuluyan si Lisa."

"Baby naman!" Singhal nito.

"I'm just being honest, baby. Mas masahol pa sa pagpatay ang gagawin ninyo sa kanya. Habang buhay ninyo siyang lolokohin. That's being unfair."

Totoo naman di ba?

"Pero 'yon ang gusto ni Jennie."

"And how about Lisa, paano naman ang gusto niya? Tingin niyo ba papayag siya? Magugustuhan niya ba 'yang gagawin ninyo?"

Inalis niya ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.

"Kaya nga hindi puwedeng malaman ni Lisa."

Hindi na lamang ako nagsalita. Hindi rin naman kami magkakasundo. Hindi ako sang-ayon sa gagawin nila at wala naman akong magagawa.

***
"Ma'am, ano pong gagawin natin sa kanya?"

Bumalik ang mga tauhan ko para sabihing nadala na nila sa kuwarto si Lisa.

"Magpahinga na kayo ako na ang bahala sa kanya."

Kaagad naman silang umalis at nagtungo na rin ako sa luma naming kuwarto.

Nakagapos ang mga kamay ni Lisa habang nananatiling may takip ang kanyang bibig at mga mata.

Hindi nakikinig ang mga gago. Mabuti na rin naman at nang hindi niya agad ako makilala.

Lumapit ako at hinawakan ko ang bandang kaliwa ng mukha niya.

Hindi siya makakasigaw. Kawawang Lisa. Tinanggal ko ang takip sa bibig niya.

"Sino ka?!"

Hinawakan ko ang dibdib niya.

"Wag mo akong hawakan!" Sigaw niya at nagsumiksik siya sa gilid ng kama.

Gusto ko lang namang maramdaman ang tibok ng puso niya.

"Hello, Lisa. Ang tagal nating hindi nagkita."

"Sino ka?!"

Tinanggal ko ang takip sa mata niya at‐--

"Seul?!"

Eyes Don't Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now