Chapter 11

927 25 9
                                    

L I S A

Habang nakatitig sa kanya'y hindi ko maiwasang hindi mag-alala. Ano bang nangyari? Bakit ka nakahiga riyan?

"Shhh. Everything will be okay." Niyakap ako ni Chaeng.

Nakabalik ka kami sa New Zealand. Naging biglaan din ang pagbalik namin dahil sa nangyari kay Rj. Bigla na lang tumawag sina mama na nasa hospital daw si Rj. Last time na tumawag kami okay pa naman siya. Lagi lang daw silang nasa bahay, naglalaro ni Jiro. How come na nangyari 'to? Wala akong sinisisi pero bakit ang anak ko pa?

"Ano nang gagawin ko kapag kinuha siya sa akin. Hindi ko kakayanin, Chaeng. Hindi ko kaya." Tuloy-tuloy na ako sa pag-iyak. Wala siyang tigil sa paghaplos sa likod ko. Umalis naman kami na maayos sila a, bakit biglang na-involve sa aksidente? Saan ba sila nagpunta?

"Mrs. Manoban?"

Bumitaw kami sa pagkakayakap.

"Mrs. Kim po, Doc."

"Sorry, Mrs. Kim, maraming dugo ang nawala sa anak ninyo at kailangan niyang masalinan sa lalong madaling panahon."

"Walang problema, doc. Kahit lahat ng dugo ko ay ibigay ko na."

Ubusin na nila ang dugo ko kahit pati buhay ko kunin niyo na rin. Wala akong hindi kayang ibigay para sa kanya.

"Type O- ang kailangan natin."

O-? May type bang ganoon? Type AB ako.

Hinawakan ni Chaeng ang kamay ko. Alam niya ang blood type ko.

"Baka O- ako, doc?" sabi ni Chaeng.

Siya na lang ang pag-asa ko.

Umalis muna si Chaeng para i-test sa lab. Pumasok ako sa loob para tingnan si Rj. Maraming nakasaksak na aparato sa kanya. Ang bata pa niya para maranasan ang ganito. Kung nabubuhay lang siguro si Jennie hindi siguro nangyari ang ganito. I failed her. Bahagya kong hinaplos ang pisngi ng anak ko.

"Nandito na si Mama. Lumaban ka lang anak ha? We'll get through this. Babalik na tayo sa Thailand kapag magaling ka na."

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising ako sa pagdating ni Chaeng.

Nginitian ko siya.

Bakit pukto ang mga mata niya? Mukhang galing sa pag-iyak.

"I'm sorry, Lisa."

Bigo kami. Saan pa ba ako kukuha ng dugo?

"Sina mama ba kumusta?"

Nawala na sa isip ko sina mama. Natuliro na ako pagkarating namin dito.

"Pupunta raw sila dito mamaya."

"Ano raw bang nangyari, Chaeng? Bakit sila naaksidente? Sinong kasama niya? Si Jiro nasaan?"

"Si Jisoo ang kasama niya at kritikal din ang lagay niya."

Bigla na lamang siyang nabuwag mabuti na lamang at naagapan ko ang pagbagsak niya. Niyakap ko siya.

"Sssshhh. Malalampasan nila itong pareho. Magtiwala lang tayo ha."

Litong-lito ako. Bakit kasama ni Jisoo unnie ang anak ko?

Tuloy lang ako sa paghaplos sa kaniya hanggang sa dumating na sina mama. Ibinilin ko na munang iuwi si Chaeng para makapagpahinga. Alam ko pagod na rin siya, hindi man niya sinasabi. Pagkaalis nila'y hinanap ko ang room ni Unnie.

Katulad ni Rj ay tadtad din ng aparato ang buong katawan niya. May benda sa ulo at may mga galos sa braso. Lumapit ako. Masyado na kaming maraming pinagdaanan. Nabawasan na kami ng isa at ayaw kong may sumunod pa. Hindi ko na hahayaang mangyari iyon.

"Tanda mo ba noong naaksidente tayo? Noong itinakas natin ang sasakyan ni Tito? Mas malala ang tama mo noon pero naka-survive ka pa rin. Di ba nga ang masamang damo raw ay matagal mamatay. At alam kong ikaw ang pinakamasamang damo sa lahat ng mga damo."

Tumawa ako nang mapakla.

"Noong hinabol tayo ng aso, tanda mo pa ba? Ang sabi mo walang iwanan pero pagtahol ng aso bigla ka na lang nawala na parang bula. Tinalo mo pa si flash. At ako? Ayun! Nagpakagat ako sa aso. Well, sobrang suwerte naman ng aso na 'yon. Buhay pa kaya 'yon?"

Hindi ko namamalayang umiiyak na naman pala ako.

"E noong tumakas tayo para mag-bar? Tanda mo ba? Napaaway tayo, actually ako lang pala. Iniwan mo lang ako. Akala ko hahayaan mo na akong mapatay ng mga 'yon pero bigla kang dumating kasama sina Seulgi. Tangina, naghanap ka lang pala ng back-up. Maasahan ka talaga kahit baliw ka. Kaya bumangon ka na riyan ha? Iinom pa tayo. Babawi ka pa kina Chaeng. Babawi ka pa sa akin. Tatlo na lang tayo oh, iiwan mo pa ba naman kami? Sanggang-dikit tayo di ba? Gumising ka na ha, sige ka aagawin ko na si Chaeng sa 'yo, gusto mo ba 'yon? Pero syempre hindi ko magagawa 'yon sa 'yo. At alam mo naman, kay Jennie lang ako. Kay Jennie lang kakalampag."

Hindi ko rin alam kung saan pa ako humugot ng lakas para magbiro. Hindi naman ako kaldero pero kay Jennie lang talaga ako kakalampag.

Bahagyang gumalaw ang daliri niya. Napangiti ako. Sabi na e, kailangan niya lang marinig ang biro ko. Siguro hindi niya nakayanan. Hindi siguro ka-tanggap-tanggap. Hinawakan ko ang kamay niya.

Balikan kita, Unnie. Lalabas lang ako saglit ha.

Tumayo ako, aktong lalabas ako para tumawag ng doctor nang biglang bumukas ang pinto at---

"Unnie!"

"Jennie?!"

Eyes Don't Lie [COMPLETED]Where stories live. Discover now