Prologue

10K 166 12
                                    

Prologue

Sinaya:

1905:

"Lukas.." Impit ang pag-daing ko nang humagod ang mga kamay niya sa loob ng damit kong suot. Nagpipigil pa rin si Lukas na buo akong angkinin—pero nararamdaman ko ngayon ang pagragasa ng matinding emosyon namin para sa isa't isa.

Humihingal na huminto siya at mariing hinalikan ang mga labi ko. "Sinaya.." At mahigpit niya akong niyakap habang siya'y nasa likuran ko't nakatayo.

Hinahalik-halikan niya ako sa buhok at hindi ko mapigilang 'di ngumiti kahit sa simpleng bagay ay katumbas ng ilang libong bituin sa puso ko.

Bumulong ito. "Te adoro.." I adore you. Humigpit ang yakap niya sa bewang ko.

"Te necesito.." I need you. Sabi't halik sa leeg ko. Napapikit uli ako. Dinama ng palad ko ang mukha ng lalakeng siya kong minahal.

"Te amo, Sinaya.. Sobrang mahal na mahal kita." Ang nararamdaman ko'y parang sasabog sa saya't kalungkutan. Hindi ko maitatago na sa isang banda ng puso ko—nalulungkot ako..

Ginanap ko ang pisngi ng mahal ko at humarap sa kaniya.

"O, Lukas.. Yo tambien te amo. Te amo mas que nada en el mundo!" I love you, too. I love you more than anything in the world.

Nakangiti ako ngayon pero pumatak rin ang mga luha kong pinipigilan.

Bakit hindi pwedeng maging kami habang-buhay?

Siya ang tanging pinakamamahal ko!

Si Lukas ang buong buhay ko—pero ba't pinipigilan ng tadhana?

"Magtanan tayo, Sinaya. Aalagaan kita—mamahalin kita na higit pa sa buhay ko.." Kumislap ang mga mata niya sa dilim. Dama ko ang pagnanais nitong matupad ang pangarap naming dal'wa..

"..at patawad mahal—kung hindi ko kayang ibigay ang mga butuin para sa'yo. Tanging puso kong ito ang kaya kong ialay at ang buo kong buhay para sa'yo, Sinaya.. Mi seniorita.." Niyakap ko siya ng mahigpit. Kung ito ang paraan na maisakatuparan abang pangarap—sunod-sunod akong tumango.

"Oo—magtanan tayo, Lukas.. Dalhin mo ako sa dulo ng iyong wagas na pagmamahal." Wala na akong pakialam sa maaaring gawin sa'kin nina mama at papa—wala na!

Kailan man ay hindi pwede matakot ang pusong tunay na nag-iibigan.

Mahal ko si Lukas.

At handa niyang i-bigay sa'kin ang buhay niya sa ngalan ng pag-iibigan naming dal'wa. Wala na akong ibang maisip pa—kundi ang mahalin siya buong buhay ko!

Wala na kahit magalit man ang buong mundo.. At naramdaman ko ang paglalim ng kaniyang mga halik—ang init abang pagmamahalan. O, Lukas!

Lukas:

Kabado na ako dahil isang oras na..at wala pa rin si Sinaya sa tagpuan namin. Dala ko na ang mga gamit ko para sa pagtatanan naming dal'wa pero.. pero—hindi ko maiwasang hindi kabahan.

"Lukas?" Siya na ba!? Napalingon ako 'agad sa mahinang tumawag sa pangalan ko—pero hindi. Na-dismaya lang ako ng tuloyan nang makita ko si Pasita. Isa sa mga kasambahay ni Sinaya sa Mansyon ng mga Argallon.

Nag-aalala itong lumapit sa'kin at hinila ako patago sa malaking puno ng akasya sa tabi ng ilog—kung saan kami magtatagpo ni Sinaya.

Pero ba't si Pasita ang narito?

Ba't alam ni Pasita?

Nagugulohan ako pero sumunod ako rito at handa na sanang itanong lahat nang may kinuha itong sobre at kaagad na ibinigay sa'kin.

Reincarnated Hearts 1: MY 1905 SENIORITAWhere stories live. Discover now