Seniorita 28

1.7K 42 0
                                    

Seniorita 28

Sinaya:

"Sinaya," Alam kong si Lukas ang pabulong na tumatawag sa'kin ngayon. Patapos na ang seremonya ng pari at nasa likuran ako nakaupo ngayon—sinadya ko para hindi mahirapan si Lukas sa paghanap sa'kin sa loob ng simbahan. "mahal, sobrang ganda mo." Pilyong bulong nito sa tenga ko at napangiti. Kinikiliti ng kaniyang mga salita ang buo kong pagkatao ngayon.

Pero hindi ko ito nilingon at hanggang sa matapos ang mesa. Sinabayan niya ako sa paglabas at patungo sa nakaparadang sasakyan.

"Paalam, Lukas." Sabi ko tsaka isang munting papel ang inabot niya sa'kin bago ako pumasok sa loob ng naghihintay na sasakyan. Bantay sarado ang mga gwardya ni papa sa'kin. Nakangiting kumaway si Lukas nang umandar na ang sasakyan.

Seniorita,

Maaari ba kitang imbitahan mamaya sa tabing-ilog, sa may malaking Nara?

Kaarawan ko ngayon at ikaw lang ang tinatangi ng puso kong makasama.

Pero kung hindi ka makakarating, maiintindihan ko, mahal. Ayoko ring mapahamak ka dahil sa pag-ibig ko sa'yo.

Ang alipin ng puso mo,

Lukas

Maingat kong itinago ang sulat niya sa mga palad ko. Damang-dama ko ngayon ang damdamin ng isang tunay na umiibig—ako kay Lukas. At kaarawan niya pala! Pareho pa kami ng buwan, sa buwan ng Mayo din pala ito.

Pupunta ako. Mahal.

Hintayin mo ako.

"Pasita, kailangan kita ulit ngayon." Sabi ko sa kaibigan kong mahigit sampung taon ko ng katiwala sa mansyon—isang matapat na kaibigan. Tumango-tango ito.

"Sige na, seniorita. Alam ko na ang gagawin.. Basta't mag-iingat ka—umuwi ka dito bago mag-hating gabi dahil baka kumatok sa kwarto mo ang papa't mama mo." Niyakap ko siya at pinasalamatan. Palaging nasa likod ko siya kapag sekreto kaming nagkikita ni Lukas. Labis at habang buhay kong pasasalamatan si Pasita.

Saka ko itinalukbong sa ulo ang belo kong gawa sa pinya. Tama lang dahil nasa lungsod sina mama't papa pero 'di ko alam kung anong oras matatapos ang dinaluhan nila. Pinilit nga nila akong isinama pero nagdahilan akong masakit ang ulo ko't kelangan kong magpahinga.

Maingat kong binaybay ang daan dahil mag-gagabi na—alam ko na ang pasikot-sikot sa gubat dahil dito ako palaging tinatagpo si Lukas. May lihim na lagusan dito patungo sa kung saan kami parating nagkikita.

Tanaw ko na ang ilog at ang malaking puno ng Nara. Pero wala ito.

"Lukas?" Tawag ko. "Lukas, nandito na ako." Tinanggal ko ang belo ko at humakbang palapit sa malaking puno at dun ko nakita ang nilatag nitong tela. May maliit na bilao na puno ng hinog na manga at ibang prutas.

"Seniorita," Napasinghap ako nang bigla itong umahon mula sa ilog. Wala itong pang-itaas na damit at basang-basa ang katawan na umahon. Dagli akong tumalikod at alam kong natawa ito.

Nag-init ang pisngi ko. Sobrang tikas ng katawan ni Lukas, morenong-moreno ang kulay. Kaya ito pinagtitinginan kanina ng mga kababaehan dahil sa kagwapohan niya..

"Halika ka, mahal. Kumain na tayo.. Hinintay kita." Wika nito sabay kuha sa isang kamay ko. Nakapagbihis na rin ito pero basa ang suot nitong pantalon. Hindi ba siya giginawin? Naipilig ko ang ulo ko at naupo sa tabi nito.

"Mahal, maligayang kaarawan sa'yo.." Bati ko sa kaniya at inabot ang regalo ko rito.

"Hindi ka na sana nag-abala pa, mahal. Ikaw lang sobrang sapat na sa'kin na makita ka rito.." Hinawi niya ang buhok ko at dumantay ang malamig nitong palad sa mainit kong mukha. Napapikit ako. Sumandal ako sa matipuno nitong dibdib habang niyapos niya ang maliit kong bewang.

Naiwan ang pagkain nitong hinanda dahil bawat Segundo ngayon ay mahalaga—nakatingala kami sa ulap at pinipisil niya ng marahan ang palad ko..

"Mahal, may dapat kang malaman.." Hindi pwedeng hindi niya rin malaman ang ilang gabi ng bumabagabag sa dibdib ko. Humigpit ang yapos niya sa'kin at daing ko ngayon sa Diyos ay sana'y hindi na matapos ang mga sandaling ito. "..gusto akong pakasalan ni Alfredo at ito'y sinang-ayunan nina mama't papa." Lumalim ang hininga ni Lukas. Ngunit wala itong sinabi at hindi man lang ito nagulat.

"Iyon nga ang balita sa lungsod kanina, mahal." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. Tumingin ako rito at napayuko ito.

"A-Alam mo?" Galit ba siya dahil hindi ko kaagad sinabi?

Marahan siyang tumango at ibinalik ang mga mata sa'kin. Pilit nitong tinatakpan ang lungkot sa mga mata niya ngayon.. Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi ko.

"Ang alam ko ay mahal mo rin ako, seniorita.. At ibig ko ring malaman mo—na handa kitang ipaglaban." Seryosong saad niya sabay yuko para abutin ang mga labi ko ngayon.

"Lukas.." Impit ang pag-daing ko nang humagod ang mga kamay niya sa loob ng damit kong suot. Nagpipigil pa rin si Lukas na buo akong angkinin—pero nararamdaman ko ngayon ang pagragasa ng matinding emosyon namin para sa isa't isa.

Humihingal na huminto siya at mariing hinalikan ang mga labi ko. "Sinaya.." At mahigpit niya akong niyakap habang siya'y nasa likuran ko't nakatayo.

Hinahalik-halikan niya ako sa buhok at hindi ko mapigilang 'di ngumiti kahit sa simpleng bagay ay katumbas ng ilang libong bituin sa puso ko.

Bumulong ito. "Te adoro.." I adore you. Humigpit ang yakap niya sa bewang ko.

"Te necesito.." I need you. Sabi't halik sa leeg ko. Napapikit uli ako. Dinama ng palad ko ang mukha ng lalakeng siya kong minahal.

"Te amo, Sinaya.. Sobrang mahal na mahal kita." Ang nararamdaman ko'y parang sasabog sa saya't kalungkutan. Hindi ko maitatago na sa isang banda ng puso ko—nalulungkot ako..

Ginanap ko ang pisngi ng mahal ko at humarap sa kaniya.

"O, Lukas.. Yo tambien te amo. Te amo mas que nada en el mundo!" I love you, too. I love you more than anything in the world.

Nakangiti ako ngayon pero pumatak rin ang mga luha kong pinipigilan.

Bakit hindi pwedeng maging kami habang-buhay?

Siya ang tanging pinakamamahal ko!

Si Lukas ang buong buhay ko—pero ba't pinipigilan ng tadhana?

"Magtanan tayo, Sinaya. Aalagaan kita—mamahalin kita na higit pa sa buhay ko.." Kumislap ang mga mata niya sa dilim. Dama ko ang pagnanais nitong matupad ang pangarap naming dal'wa..

"..at patawad mahal—kung hindi ko kayang ibigay ang mga butuin para sa'yo. Tanging puso kong ito ang kaya kong ialay at ang buo kong buhay para sa'yo, Sinaya.. Mi seniorita.." Niyakap ko siya ng mahigpit. Kung ito ang paraan na maisakatuparan ang pangarap—sunod-sunod akong tumango.

"Oo—magtanan tayo, Lukas.. Dalhin mo ako sa dulo ng iyong wagas na pagmamahal." Wala na akong pakialam sa maaaring gawin sa'kin nina mama at papa—wala na!

Kailan man ay hindi pwede matakot ang pusong tunay na nag-iibigan.

Mahal ko si Lukas.

At handa niyang i-bigay sa'kin ang buhay niya sa ngalan ng pag-iibigan naming dal'wa. Wala na akong ibang maisip pa—kundi ang mahalin siya buong buhay ko!

Wala na kahit magalit man ang buong mundo.. At naramdaman ko ang paglalim ng kaniyang mga halik—ang init aming pagmamahalan. O, Lukas!

Reincarnated Hearts 1: MY 1905 SENIORITAWhere stories live. Discover now