Chapter 9: She's Already Taken . . . Me

8.8K 491 269
                                    

"Bakit hindi mo sinabi agad?" malungkot na tanong ni Vincent.

Hindi siya agad nasagot ni Karen at tinitigan lang siya nito. Mababasa sa mukha nitong hindi kasi siya nakikinig kaya mahirap magsalita nang magsalita.

"GT, I'm really sorry," paumanhin ni Karen at bumuga ng hininga. "Matagal na sila ng boyfriend niya. I hope you're getting the idea."

"Bakit ang bitter niya?" tanong niya sabay kamot ng ulo. "And why is that every time na makikita ko siya, palagi siyang mag-isa? Nasaan ang boyfriend niya?"

Isa na namang pagbuga ng hangin mula kay Karen at saka umiling. "Niz has her issues, okay? Let's say, isa ang boyfriend niya sa reasons kung bakit siya nag-home-based. May priorities siya."

"Pero bakit nga bitter siya?" pagpipilit niya dahil hindi talaga niya matanggap na taken na ang crush niya. "Bakit wala siyang photo sa FB na magkasama sila? Bakit hindi nakalagay sa relationship status niya sa FB na taken pala siya? Bakit wala siyang public post ng mga date nila? Where is the guy if she really is taken?"

Lalong ngumiwi sa kanya si Karen. "You really are stalking her. Ang creepy mo sa part na 'yan, GT. Tigilan mo nga 'yan."

"I really like her, Karen," malungkot na sabi ni Vincent at nadismaya sa nalaman.

Taken na pala ang crush niya. Parang biglang gumuho ang mundo niya sa isang iglap. Tatlong taon din niyang hinintay na magkalapit sila, paano nga bang hindi siya malulungkot?

"Oh, GT . . ." Tumayo na si Karen at niyakap siya sa gilid habang hinahagod nito ang balikat niya. Para siyang batang inaalo dahil hindi siya napagbigyan sa gusto niya.

"Tingin mo . . ." malungkot niyang sinabi. ". . . kailan kaya sila magbe-break?"

Napahinto tuloy si Karen sa paghagod sa balikat niya at bigla na lang siyang hinampas. "Sira ka ba?"

"Wala lang, malay mo." Kumibit pa siya.

"GT, that's a bad idea." Dinuro siya ni Karen sa mukha. "Don't do something stupid, ha?"

Ngumisi siya kay Karen na dahilan kaya saglit na umikot ang mga mata nito. Matigas ang ulo niya—magkasintigas sila ng ulo ni Eunice. Mas mataas lang ang confidence niya.

"Ayusin mo na lang muna ang collab novel mo, hmm?" utos ni Karen. "Saka mo na isipin 'yang love life mo kasi nakakakilabot ka na." Bumalik na ito sa office chair bago ituloy ang sinasabi. "I know you, GT. Pero alam ko ring hindi ka ang tipo ng taong naninira ng relasyon. You should know what it felt like."

Lalo lang tuloy siyang nalungkot dahil tama si Karen. Wala rin naman siyang balak sirain ang relationship ng crush niya sa boyfriend nito—kung sino man ang lalaking iyon—pero gusto pa rin niyang panghawakan ang kaunting pag-asa na baka lang puwede sila.

Kung lang naman.

"Tingin mo, papansinin na ba niya ako kapag naging guwapo ako sa paningin niya?" malungkot na tanong niya kay Karen. Kasi sa mga oras na iyon, kahit pa alam niyang may itsura siya, nararamdaman pa rin niyang parang hindi pa sapat iyon para pansinin siya ng crush niya. Bigla tuloy siyang na-insecure sa boyfriend nitong hindi pa naman niya nakikita.

"Vincent, you're guwapo, okay?"

Pero kahit na sinabi iyon ni Karen, ayaw pa rin niyang maniwala. Lalo lang tuloy siyang nalungkot. Sana si Eunice ang nagsabi para maniwala siya.

"Pero bakit hindi niya ako napapansin?" nakanguso pang tanong niya.

Hindi na tuloy alam ni Karen kung paano pagagaanin ang loob niya. Sa dami ng puwede niyang maramdamang insecurity, itsura pa ang napili niya. Kung tutuusin, iyan nga lang ang habol ng karamihan ng mga babaeng nagnanasa sa kanya. Gusto lang siya kasi guwapo siya.

Gregory TroyeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon