Chapter Six

4.4K 124 3
                                    

"Who's that guy?" Hindi na makatiis na tanong ni Storm.

Tila nahuli siya nito sa ginawang pagkindat-kindat kay Matthew upang magkaiwasan sana sila nito.Pero sympre,hindi siya pahuhuli sa mga kapatid niya?Mahirap na kasing baka pagtawanan siya ng mga ito pagsasabihin niyang boss niya ang lalaki at ang trabaho niya ay maging nanny ng anak nito.

"O-old classmate, yeah! Old classmate?" Pagsisinungaling niya.Saka binalingan si Matthew.
"Oh, hi!" Maarte niyang bati. "Ano'ng ginagawa mo dito? Anak mo?" Kunwaring tanong niya kay Mathew. Saka hinaplos ang noo ni Maki ."Oh! My God!? He's hot!" Malakas niyang bulalas ng maramdaman ng palad niya ang mainit na noo nang bata.

Hindi naman alam ni Matthew kung paano magre-react sa mga sinasabi nang dalaga.Napaka-slow talaga ng pick-up nito.Kaya naman kinurot na lang niya ito sa braso para sabayan siya sa pagsisinungaling.

"Oo, anak ko. Inaapoy nga siya ng lagnat, eh. Saan ba ang clinic dito?" Tanong ni Matthew sa kanila.May pagkabalisa ang tono ng boses.

"I can bring you there?" Pabolontaryong sabi ni Summer.

"Okay. Thank you," nakangiting sagot ni Matthew sa kanya.

Ewan niya pero parang iba ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Gusto niyang matuwa at mainis sa lalaki.Hila ang braso ni Matthew ay inilayo niya ito sa dalawa niyang kapatid na nakamasid lang sa kanila.Mabuti nalang at hindi nagtanong pa ang mga ito ng kung ano-ano kundi ay siguradong baka madulas siya at masabi niya sa mga ito na si Matthew ang kaniyang kinikilalang boss at ang  kanyang tunay na apasukang trabaho ay ang maging nanny ng anak nito.

"Bakit ka lumapit sa akin? Hindi mo ba alam na mga kapatid ko 'yong mga kasama ko?" Sita niya dito.

"Ano namang masama doon?" ani Matthew. "Nag-aalala lang naman ako saiyo nang makita ko 'yang mga sugat mo."

"Please, ipa-check mo na si Maki tapos umuwi na kayo. Huwag mo na akong tawagan o kausapin. At salamat sa concern mo. Maayos lang ako," tuloy-tuloy na sabi Summer sa binata.

"Gusto mo ba akong iwasan? What's wrong with you?" Nakakunot-noong tanong ni Matthew.

"Can you please stop being childish?" Iritableng  sabi niya kay Mathew. "Nasa critical na kondisyon ang kapatid ko ngayon kaya puwede ba 'wag ka nang dumagdag pa sa sitwasyon!?"

"Bakit ka galit? Nagtatanong lang naman ako? Okay! Fine! From now on, I'm not going to disturb you anymore!" Galit ding sagot ni Matthew. "Sorry for all the troubles Miss Summer!" anito.Saka tinalikuran na siya nang mag-ama.Pumasok na ang mga ito sa clinic para masuri ang kalagayan ni Maki.

Kung bakit naman kasi sumabay pa ang pagkakaroon ni Maki ng lagnat gayong hindi din nila inaasahan na maaksidente sila.At ang malala pa sa nangyari ay kung bakit dito pa sa hospital na ito dinala ni Matthew si Maki kung saan doon rin sila dinala ng ambulansya?Napamura na naman ang dalaga sa inis.Ang dami ng mura ang lumabas sa bibig niya ngayong araw na 'to.Simula kaninang umulan nang papunta siya sa kanyang interview.Nang makilala ang mag-ama,nang-maaksidente sila...

Mayamaya pa ay may tumapik sa kanyang balikat.Napalingon siya.
"Yes?" ani Summer.Si Rain lang pala iyon.

"Let's go home. Mauna na tayong umuwi para makapagpahinga ka na," yaya nito sa kanya.

Single Dad meet NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon