Chapter Fifteenth

3.4K 106 6
                                    

Isang sunod-sunod na doorboll ang narinig nila mula sa labas ng bahay.Siguro ay dumating na ang inorder ni Matthew na mattress.Pero iba ang kanilang inaasahan.Ang uninvited nilang bwisita ang dumating,si Savina.Maaga pa sa umaga pero nasa kanila na ang bruha.Parang sinadya nitong puntahan talaga sila nang ganoong kaaga.

Matthew opened the door for her.Itinulak pa ito  ni Savina para maluwagan  ang pagkakabukas ng pintuan.Agad nitong niyakap si Matthew sa leeg at saka hinalikan sa pisngi. "Good morning, Sweetheart!" Bati nito saka basta nalang tuloy-tuloy na pumasok sa loob.Pinapadede naman niya si Maki ng mga sanandaling iyon.Nakamasid lang siya sa dalawa.

"What are you doing here, Savina?" May pagkairitableng tanong ni Matthew dito.Sympre kagabi lang ay nasa kanila si Savina at ngayong umaga ay nasa kanila na naman.

"Masama bang dalawin ko kayo ni Maki?" aniya.

"Hindi naman? Pero, Savina. May Yaya na si Maki," katwiran ni Matthew. "Hindi mo naman na kailangang pumunta pa dito.If I know, hindi ka naman talaga dumadalaw sa amin. Ano bang nakain mo at biglang nagbago ang ihip mg hangin?" Pangungonsensiya ni Matthew dito.

"Don't stop me for coming here, Matthew kahit na may Yaya na si Maki. Ako pa rin ang Mommy niya, remember? At saka hindi kasi katiwa-tiwala ang mukha ng katulong mo!" Pag-aasar ni Savina sabay lingon sa kanya. "Mukhang ahas!"

Sa huling sinabi nitong "mukhang ahas"ay agad na niyang nakuha ang punto ni Savina.Hindi naman siya ganoon ka naive para hindi alam ang ibig sabihin noon.Na hindi siya katiwa-tiwala dahil may balak siyang ahasin si Matthew.Oh my gosh!Nakaka-inis.Aba-aba?Ang bruhang 'to!Ikaw kaya ang mas may hindi kapani-kaniwalang mukha!Umayos kang bruha ka dahil baka mabura ko yang drawing mong kilay!"naisaloob ni Summer ng mga sandaling iyon.
Mukha ba akong nanunuklaw?Nangangalmot puwede?nanggigil niyang naisaloob.

"I'm not stopping you for coming here, Savina pero 'wag mo naman sanang araw-arawin. I trust Summer. Kaya niyang alagaan si Maki kahit nasa trabaho ako, she can handle him," pagtatangol sa kanya ni Matthew.

"So, pinagbabawalan mo akong dalawin ko kayo ni Maki araw-araw? Or baka naman pinagbabawalan mo ako dahil sa babaeng 'yan!" ani Savina sabay turo sa kanya.Napaigtad siya sa banta ng babae sa kanya.Pati siya nadadamay na rin sa init ng ulo nito.Tapos na niyang padedehin si Maki ng mga sandaling iyon at nakakinig na lang siya sa dalawa.

"Hindi naman sa ganoon, Savina. Umalis ka na sa amin ni Maki, sa buhay namin. Pinalaya na kita sa gusto mo. So why your such giving us this trouble?" ani Matthew.Naiirita na.
"Besides, I need her. I need someone who can take care of my son. So I hired her. She look for Maki habang nasa trabaho ako."

"Hindi naman ako nandito para manggulo. Ikaw lang kasi ang nagsasabi nang ganyan,"ani Savina. "'Di'ba nga ang sabi ko naman saiyo, hindi katiwa-tiwala 'yang Yaya ng anak mo! May balak agawan ako ng puwesto sa buhay niyo!"pñ Paratang nito sa kanya.

"So anong gusto mong mangyari ngayon, Savina? Hindi ba't tapos naman na tayo? Are you afraid that she will seduce me? Or she will fall inlove with me? Okay, lang naman sa akin 'yon. Maki need a mother, like her," anito.Matthew walked right beside her.Inakbayan siya nito. "Mas may potential pa nga siyang maging Nanay ni Maki kaysa saiyo!" He sounded seriously.

At tila nagpantig ang tainga niya sa sinabi ni Matthew.Siya may balak akitin si Matthew at may planong mainlove?Oo,she was so damn na merong ganoong tumatakbo sa isipan niya pero 'yung sabihin ito mismo ng lalaki sa harap ni Savina at sa harap niya ay tila nakakapanibugho ng damdamin.Nag-init ang bunbunan niya.Bumilis ang pagdaloy nang puso niya sa buong parte ng kanyang katawan.

Isang nakakabaliw na tawa ang pinakawalan ni Savina.Nang-uuyam at mapang-asar.
"Try me, Matthew? Kaya kong ilayo si Maki saiyo ano mang oras kapag nakipag-relasyon ka sa babaeng iyan. We will fight for the costudy of the Maki in court. At sa batas natin sa ina mapupunta ang bata!"

Sa batas natin ay sa nanay talaga mapupunta ang bata at ang tatay suporta lang.At kung mapupunta man sa korte ang kaso nilang dalawa ay walang laban si Matthew.Maliban nalang kung may butas o ibensiya siya na matibay na hindi karapat-dapat si Savina na mag-alaga kay Maki dahil pabaya itong ina.Puwede rin na iniwan sila at nag-asawa itonng iba pero batas pa rin ang masusunod.

Tinanggal ni Matthew ang pagkakaakbay nang kamay nito sa balikat niya.Hinarap si Savina.
"Don't force me!" Nagirittan ang mga ipin nitong sabi.Hinawakan nang mahigpit ang braso ni Savina.
"Winawarningan na kita ngayon palang. Isampa mo 'yan sa korte at mauunang kang mawala dito sa mundo. Hindi kita tinatakot, Savina. Seryoso ako," ani Matthew saka winasik ang braso nang babae.

Nakakatakot ang anyo ni Matthew habang binabanggit ang salitang iyon.Nanlilisik ang kanyang mga mata.Parang tigre na animo sasakmal.Pagdating pala sa anak nito ay seryoso talaga siyang ipaglaban ito kahit pagdating pa sa patayan.Hindi ito papayag na mapunta si Maki kay Savina.At sa opinyon niya ay dapat lang naman.

Matthew was stable.Merong sariling kompanya.May pera at higit sa lahat he can afford Maki's need.Kayang-kaya niyang buhayin si Maki dahil may malaking income ito.At hindi lang 'yon kaya niyang palakihin si Maki sa tamang proseso.With love and care.Kaya naman bakit pa nangingialam si Savina sa buhay nila?Ibig niyang sabihin ay sa buhay ng mag-ama.

"Alam kong galit ka sa kin dahil sa pang-iwan ko sainyo ni Maki! At ginagantihan mo lang ako! Alam kong hindi mo pa ako pinapatawad sa ginawa ko sainyo! At alam ko rin na mahal mo pa rin ako!" Malakas ang boses na sabi ni Savina.

"Hindi na kita mahal, Savina," ani Matthew.Nakipagtitigan sa mata nito. "From that moment you step out from this house. Sinabi ko na hindi na kita kailangan. Hindi na!"

"Sinasabi mo lang 'yan ngayon. I know na magbabago pa ang isip mo."

"Hindi mo na mapapabago ang isip ko, Savina. Tapos na tayo!"

"Hindi mo na mababago dahil may ahas dito. May ahas na gustong pumulupot saiyo! Ahas na balak kang ahasin!" ani Savina sa kanya. "May balak kang nalandiin si Matthew, no? 'Yung totoo?"

Doon ay nagpantig na nang tuluyan ang tainga niya.Handa na siyang patulan ang babaeng ito.Akmang susugurin na niya ito ng awatin siya bigla ni Matthew.Kaya naman binara na lang niya ito ng salita.
"Kung aahasin ko man si Matthew wala ka nang pakialam doon! Kung ahas ako ikaw buyawa! Buwaya na handang sumakmal nang sapilitan!Nakakahiya ka! Pinagsisiksiknan mo ang sarili mo sa mag-ama kahit na itinatakwil ka na nila. Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha?"

Halos nanggigil talaga siya sa galit.Nanginginig ang buong katawan niya sa inis.Hindi niya alam kung ano ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon.Gusto niya talagang kalmutin ang mukha ni Savina kung maari lang kaso nakaharang sa kanya si Matthew.Pinoprotektaha siya nito.Na halos hindi niya mahulaan kung ano ang tumatakbo sa isipan nito.Ganoon ba talaga siya kahalaga?Bakit? naisaloob niya.

Next....

Single Dad meet NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon