Chapter Nineteen

2.4K 91 3
                                    

Kinabukasan ay na-shopping si Savina ng mga gamit ni Maki.Balak niya kasi itong dalhin sa bahay ng mag-ama.Kahit hiwalay na sila ni Mathew ang ama ng anak niya ay nakakaramdam parin siya ng pagkairita sa yaya ng anak ni Maki.Hindi pagkairita ang nararamdaman niya kundi selos.Oo, nagseselos siya sa Yaya ng anak nila ni Matthew.

Agad-agad na nagtungo si Savina sa condo ni Matthew.Pagdating doon ay agad siyang dumiretso sa bahay nito ngunit nakailang doorbell na siya ay wala pa ring na-bubukas sa kanya ng pintuan.Halos sirain na niya ang doorbell ng bahay ng lalaki para lang marinig ang tunog no'n ngunit wala talagang gustong ma-bukas ng pintuan sa kanya.

Nang mga sandaling iyon ay nag-jogging si Matthew sa may gym ng condo at sumama naman sina Summer sa binata para mag-stroll sa playground at para narin maarawan si Maki.Nagtambay sila Summer doon habang hinihintay si Matthew.Kaya maintain ng binata ang katawan nito ay dahil hindi nito pinapabayaan at araw-araw itong nag-e-ehersisyo-.

Tuwang-tuwa naman si Maki sa mga batang naglalaro sa playground.Pumapalakpak pa ito habang pinapanood ang mga batang nagtatakbuhan at naglulundagan.
"Grow up faster then you can run and jump too." ani Summer kay Maki.Nakaupo ito sa stroller nito.
Sumagot naman si Maki sa kanya ng baby talk.Napangisi siya.

"You understand me?" Ulit niya.Parang tanga lang at hindi  siya makapaniwala na naiintindihan siya ng alaga. "Ah,  whatever!" aniya. "Ang tagal ng Tatay mo mag-exercise ah? Time to take a bath kana?" aniya kay Maki sabay sulyap sa nakasuot na relo.It was almost 10:AM in the morning at medyo masakit na rin ang sikat nang araw na tumatagos sa mga sanga ng puno.

Nagdilang anghel naman siya ng mga sandaling iyon ng may biglang kumalabit sa kanya.Tapos na pala itong mag-jogging at lumabas na ito ng gym.Tumabi si Matthew sa bench na kinauupuan niya.Nginitian siya nito.Nailang naman siya sa kinikilos ng lalaki.Tuloy ay nablanko siya.
"Damn!" Kunwa'y mura niya para mabawasan ang pagka-distracted dahil nakakabaliw ang tuluang pawis na anyo ng binata.Lumitaw ang pagkamacho nito at ang matitigas nitong muscle na ang sarap pisilin at hawak-hawakan.

Hindi niya napigilan ang sarili.Kinuha niya ang nakasabit na mini towel sa leeg ng lalaki at nagkusa ang kanyang  mga kamay na pinunasan ang pawisang mukha ng binata.Pati ang isipan niya ay hindi tumutol.Pati rin ang puso niya ay natuwa sa ginawa.Ang eksenang iyon ang naabutan ni Savina sa may playground ng condo.Bumaba kasi ang babae nang maalalang every morning pala ay nagja-jogging si Matthew at hindi nga siya nagkamali. She was shocked  by that scene because  Matthew was holding Summer hand.

"What?" Gigil na sabi ni Savina.Walang alintanang sinugod niya ang mga ito. "Ano 'to?" Ano'ng drama ang pinaggagawa niyo?" Walang prenong tanong niya sa mga ito ng makarating siya sa kinaroroonan ng dalawa. "Naglalandian kayo sa harap ng anak natin?"

"Stop it Savina!" Saway ni Matthew sa babae. "Wala kaming masamang ginagawa ni Summer."

"Wala? Eh, ano sa tingin niyo 'yang ginagawa ninyo?"

"We don't have time to explain it to you, okay?" anito.Hindi pinansin ang pag-aalburuto ni Savina.Tumayo na si Matthew at hinawakan ang stroller ni Maki.Planong umalis na sa kinaroroonan nila.Agad namang tumalima si Summer at tumabi kay Matthew upang  sabayan ito sa paglalakad.Pagkainis naman ang nakita niya sa ekspresiyon ng mukha ni Savina.

Bigla ay binalingan siya ni Savina.
"Hey! You?" aniya sa kanya.

"Sinong, hey you? Ako ba?" ani Summer na sinadyang magpalinga-linga sa paligid sabay turo sa sarili.Nahinto tuloy siya sa paglalakad para harapin si Savina.

Single Dad meet NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon