Chapter Seven

4.1K 117 3
                                    

"Ninang, bakit nangyari 'to? Who's behind this accident?" Tanong ni Rain ng mapag-solo sila.Hindi rin kasi ito makapaniwala sa biglaang nangyaring aksidente sa ate Summer at Thunder niya.

"I'm not sure. Pero impossible rin na si Miya ang may pakana nang aksidenteng iyon o 'di naman kaya ang anak nito?" ani Jackie sa inaanak.

"Bakit naman nila gagawin 'yon?" ani Rain. "Hindi pa ba sila nakontento sa ginawa nila sa mommy Snow namin? Pati rin ba kami kasali?" Hindi makapaniwalang tanong ni Rain.

"Ang mga masasamang tao anak, kahit na balutin mo man ng magagarang damit kung demonyo pa rin ang ugali hindi ito magbabago. Gagawa at gagawa ito nang masama sa kapwa,"ani Jackie. "Kayo kayong apat, kailangan niyo laging mag-ingat. Bantayan niyo ang isa't-isa lalo na ngayong hindi natin alam kung sino ang inyong kalaban."

Nang makatakas si Miya sa kulungan ay buntis pala ito.Tatlong buwan na ang tiyan nito ng malaman nila.Ang ama ng pinagbubuntis nito ay walang iba kundi si Jeff Torres ang lalaking nais gumahasa noon kay Snow.Ngunit sa kabila ng lahat ay naging tahimik ang mundo nilang mag-aama dahil nasa kulungan naman si Miya.Doon ito nanganak ngunit ng maisalang nito ang kanyang anak ay binigay niya ito sa kanyang mga magulang upang sila ang mapalaki at mag-alaga dito.

"Why?" ani Rain.

"Huwag ka nang magtanong pa. Kailangan ni Summer ng bodyguard at kailangang ilihim natin ito sa kanya. Hindi niya ito dapat malaman, "ani Jackie.

"She got hired. Nag-apply raw siya ng trabaho," anito.

"Bakit niyo siya pinayagang magtrabaho? Alam niyong nasa panganib ang buhay niya?"bNag-aalalang sabi ni Jackie sa inaanak.

"Not me? It's not my opinion. Si Storm ang may pakana. Gusto niyang matuto si ate Summer na magtipid ng pera at huwag  puro lustay lang ang ginagawa."

"Bakit niya ginawa 'yon kay Summer? Gusto ba talaga niyang mapahamak ang ate niyo?" Galit na sambit ni Jackie.

Kahit na hindi nila kadugo si Ninang Jackie nila ay napakabait naman nito sa kanila.Dahil siguro sa kanilang ama't-ina kaya naman napaka-close nito sa kanilang apat.Sinubaybayan rin nito ang kanilang paglaki hanggang sa pagtatapos at mapasahanggang ngayon.

"Kasi ninang,matalino si Ate Summer. Hindi namin siya puwedeng ikulong panghabang-buhay. Tinggnan mo nga't natatakasan niya kami?Nakakahalata na siya kung bakit?Marami na siyang tinatanong sa amin."

"Then I will explain to her everything," ani Jackie kay Rain.Hindi nila napansin ang pagdating ni Summer.

"Explain what?" ani Summer mula sa kanilang likuran.

"Ninang..." Tutol ni Rain.Kinakabahan sa gagawin nito.

Nilapitan ni Jackie si Summer.Inakbayan.
"Do you really what freedom?"
Tanong niya kay Summer.

"Yes. I want too," aniya.

"Okay, here is the deal? Go to America and work over there," ani Jackie.

"Bakit ang layo naman, Ninang?" Hindi siya makapaniwalang sa ibang bansa pa siya puwedeng magtrabaho. "Bakit hindi ba puwede dito sa Pilipinas nalang?" Naguguluhan niyang tanong.

"Kasi ang future mo nasa America. Malay mo baka doon mo na rin matatagpuan ang ka-forever mo?" Pabiro pa nito.

"Ew!" ani Summer. "Ayaw ko doon. Pangit do'n!" Kontra niya.Pero ang totoo no'n ay ang nasa isipan niya ng mga sandaling iyon ay ang mag-ama.Wala namang masama kong mag-abroad siya pero bakit sumisingit sa utak niya ang Matthew na 'yon!Ano bang nakain niya bigla?

Single Dad meet NannyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon