Chapter 2

6.9K 150 2
                                    

Verdanah POV :

Lagi kung naiisip na yung magiging una kung halik ay especial, yung para bang maaalala ko parin kahit sa napaka habang panahon. Yun ang pangarap ko mula pagka bata.

But unfortunately hindi yon ang nangyari, as you see may isang taong bigla nalang nagnakaw ng suppose to be first kiss ko.

Kaya heto ako ngayon, nakaupo sa sofa namin at kumakain ng vanilla ice cream, at umiiyak. Kung iniisip nyo na yong mahal kung kaibigan ay dinadamayan ako.

Unfortunately mali kayo.

My so called best friend is sitting right in front of me laughing her ass out. Yes po tama po kayo ng basa, pinagtatawanan po ako ng magaling kung kaibigan. Na halos sumasakit na ang tyan nya sa katatawa, at with matching pagulong- gulong pa sa sahig.

Wala kayang nakakatawa! I hissed, pero ayon mas tinawanan pa ako ng bruha.

Seriously V.... Naiikot ko nalang ang mga mata ko.

Lexie binabalaan kita, kapag hindi ka pa tumigil sa kakatawa mo dyan ...  Pero hindi ko na, na tapos ang sinasabi ko kasi naman, hinila ako ng bruha sa sahig at sinimulang kilitiin.

Lexie tama na.... Please... Please tama na paki usap ko sa bruha habang patuloy akong tumatawa.

Ano ka ba naman V para halik lang, halos ipagluksa muna. Saad nya habang patayo na sya. At huminto na rin sa kaka kiliti sa akin.

Hoy, first kiss ko kaya yon pangangatwiran ko parin.

23 kana V, sa panahon ngayon bilang nalang ang virgin. Saad nya.

I just rolled my eyes on her.

Para kang bata dyan, tumigil ka na nga. Mabuti pa sabihin mo nalang saakin kung hot ba sya?

Pwede na..

Did you kiss him back?

Nope!

Why not? Ano bang Problema nitong bruha nato at, para pang hindi makapaniwala ang bruha na hindi nga ako nag kiss back dun sa tao.

Pwede ba iba nalang ang pag usapan natin? Bored kung saad sa kanya.

Alam mo bang, si Font Ash Lanes ay single na ulit. Masaya nyang balita.

Ok sino naman tong Font Ash Lanes? Naka taas ang kilay kung tanong.

She just stared at me, as if my dalawa akong ulo. Seryoso hindi mo kilala si Font Ash Lanes? Tanong nya na parang hindi makapaniwala.

I shook my head. She sight dramatically.

Sya lang naman po ang CEO at may ari ng Lanes International chains of hotel. At isa sa most eligible bachelor ng pilipinas. Dati na engage na sya sa model political daughter ng mga Serrano, ika kasal na nga dapat sila, pero may nangyari kaya hindi na natuloy ang kasal, at pag kalipas ng isang linggo nag break sila. Tuloy tuloy nyang kwento sa akin.

So gwapo ba naman, hot ba naman? Curious kung tanong.

He is the definition of the word HOT nangangarap nyang sagot. Naka masid lang ako habang may kung ano syang kinakalikot sa phone nya. Tapos na pansin kung nag ta type na sya ngayon.

Tingnan mo to. Mayamaya sabi nya sa akin sabay abot sa akin ng phone nya.

Hell no!!! Hindi pwedeng sya si Font Ash Lanes, gulat kung saad.

At bakit naman hindi? Naka taas ang kilay na tanong ni lexie.

Dahil sya lang naman yong lalaking nanghalik sa akin., laglag panga ang best friend ko sa sinabi ko sa kanya, tumagal din ng isang minuto hindi naka pag react ang bruha.

Lexie okay ka lang? Hinawakan ko pa ang balikat nya at niyogyog ang bruha Para matauhan hahahaha.

Hinalikan mo si Font Ash Lanes? She blurted out, trying to process the little piece information.

Sa tingin ko.

Oh my gosh! Ayokong maniwala, na si Font Ash Lanes hinalikan ka, pero hindi ka nag kiss back? Madamdamin nyang sabi.

I rolled my eyes. At wala akong pakialam kahit sino pa yang hinayupak na yan. Isa lang ang alam ko gago sya.

Hinampas ba naman ako ng unan ng magaling kung kaibigan dahil sa mga pinag sasabi ko tungkol sa asshole na yon.

Don't call him that! Sigaw pa nya. Gago naman talaga sya lexie tanggapin mo nalang. Lexie just rolled her eyes. Napaka imposible mo talaga.

Nang biglang nag ingay ang phone ko, indicating na may text. I checked the ID unknown number naman. Binuksan ko message at binasa ko ito ng paulit ulit, at paulit ulit para maka  sigurong tama ang binabasa ko. What the hell!!

Binigo mo ako sweet pea. Pano mo nakuhang mag pahalik sa ung'goy na yon. Pero Dahil ito ang kauna-unahan mong pag kakamali, patatawarin kita. Kaya wag muna itong uulitin sweet pea kasi baka hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo. Akin ka lang verdanah, at walang pwedeng humawak o umagaw sa pag-aari ko. Paalala lang sweet pea, I can always see you...

-R

Bigla akong nakaramdam ng takot sa nabasa ko. At sino naman tong R na to? Matagal tagal na rin naman akong nakakatangap ng ganitong text, siguro mga 2 months na din. And what have i done it?

Wala!

Ni hindi ko nga to nabangit kay lexie. Hindi dahil wala akong tiwala sa kanya, o ano paman. Ayoko lang na pati sya ay matakot. Ang dami na nga nyang iniisip dadagdag pa ba ako.

V Okey ka lang bah? Lexie interrupted my train of thought.

OK lang naman, pag si sinungaling ko. Pero dahil kilala nya ako kaya hindi sya naniwala sa sagot ko sa kanya.

Wag Kang magsisinungaling sa akin V. Alam kung may... hindi na nya na tapos pa ang sasabihin nya kasi biglang nag ring ang phone nya. Sinuri nya muna kung sino ang tumatawag, tapos bigla nalang nagliwanag ang mukha ni lexie na parang bombilya.

Si drake, masaya nyang imporma. Naikot ko nalang ang mga mata ko. Hi sagot ni lexie habang naglalakad sya papunta sa kwarto nya.

Si drake ang on in off boyfriend ng best friend ko. Napaka complikado ng relasyon nila. Halos every week silang nag be break, at mag babalikan din naman pagka tapos ng ilang araw.

Guess what? Niyaya ako ni drake mag dinner. Masaya nyang balita.

I rolled my eyes... So tingin ko hindi ka uuwi ngayong gabi? Sa condo ka niya matutulog?

Sana,.. Nakangiti nyang tugon. Mahal mo sya ano? Tanong ko..

Lexie just sighed. Hindi ko alam v, kasi hindi ko sya maintindihan, minsan napaka sweet nya,,, at minsan din asshole.

Asshole sya, I stated with a laugh..

Mag bibihis na muna ako. Baka mamaya lang nandito na yon. Yon lang iniwan na ako ng bruha dahil nagmamadali na syang umakyat sa kwarto nya.

Kaya naman umakyat narin ako sa room ko, mabuti pang matulog nalang ako. Medyo pagod din naman ako sa dami ng ginawa ko kanina sa office. Sana lang magiging maganda naman ang boung araw ko bukas.


Hello readers,

Sana na enjoy nyo ang chapter na to. Don't forget to comment and vote..

FLIRTING with the BILLIONAIRE  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon