Chapter 3

5.7K 125 0
                                    

Verdanah POV :

Beep... Beep... Beep

Ahmm.. Malakas kung ungol habang yakap yakap ko ang aking unan. Nag babaka sakaling  tumigil nalang bigla sa pag tunog ang alarm clock ko. Pero alam kung hindi mangyayari yon hangga't hindi mismong ako ang papatay.

Kaya naman kahit ayaw ko pang bumangon, kailangan na kasi baka ma late na naman ako. Dinampot ko ang phone sa bed side table, para tingnan kung anong oras na.

6:00 am

Good! At least may dalawang oras pa ako para maghanda. Dahan dahan akong bumaba sa kama, at naglakad pa puntang banyo. I had a long cold shower, pagka tapos ay nag bihis na ako para pumasok sa work.

Wala si lexie siguradong nasa condo yon ni Drake. Kaya kailangan kung mag taxi pa puntang trabaho. OK lang naman sa akin yon since maaga pa naman. Kaya nag handa na ako ng agahan ko, syempre may hot coffee dapat. I made hot coffee and some toast.

Kinuha ko na ang jacket at purse ko na nasa sofa at lumabas na ako, pagka tapos kung ma lock ang pinto. Tiningnan ko muna kung anong oras na, alas otso dyes palang pala, so may 20 minutes pa ako.

Habang papasok ako sa company, for some reason hindi ko maintindihan kung bakit ang mga empleyado nakatingin sa akin. At hindi lang basta naka tingin ha, may kasama pa yang bulungan.

Kaya naman pa simple kung tseneck ang sout ko. Sa tingin ko normal naman outfit ko today, eh bat sila nakatitig sa akin?

Hi verdanah, good morning. Isang hindi ko kilalang empleyado ang bumati pa talaga sa akin sabay ngiti ng peke.

Good morning. Sagot ko rin, as I walk past her.

Morning verdanah, ganda natin ngayon ah bati ni lucy ang receptionist namin, ng mapadaan ako sa reception desk. Nginitian ko naman sya, at binati na rin, morning din lucy.

Marami pang bumati sa akin, ang iba pa nga, nag ta try pa ng  small conversations. Naginhawaan naman ako ng marating ko ang floor ko. Wala kasing masyadong employees na nag wo work dito sa floor ko, kaya kahit papano naka hinga na ako.

Hindi kasi ako fan ng center of attraction. Sa totoo lang kinakabahan ako pag sakin nakatoon ang pansin ng mga tao, kaya naman naka pagtataka kung bakit kahit yong mga employees na dati namang walang pakialam sa akin ay binabati ako.

Para naman akong nagising sa aking sandaling pag kakawala sa sarili, nang may biglang tumikhim sa aking likuran. Miss Saavedra, pwede ba tayong mag usap? Dinig kung tanong ni Mr buenaflor mula sa likuran ko.

Dali-dali naman akong humarap sa kanya, and gave him my best fake smile. Opo naman boss, lagay ko lang muna tong jacket at bag ko sa table ko.
Tango lang sagot nya tapos yun nilayasan na ako. Kaya sumunod nalang ako pag katapos mailapag ang gamit ko sa mesa.

Kumatok muna ako sa opisina ng boss.. Come in... Sagot naman ng boss. Kaya dahan - dahan kung binuksan ang pinto saka tuloy tuloy na pumasok sa opisina nya.

Please have a sit miss Saavedra. Boss said.

Gusto mo akong kausapin Mr buenaflor? I asked..

He nodded. Na kausap ko ang board of directors tungkol sa promotion mo.
At sabi nila pag iisapan daw nila ito.

Nabulunan ata ako ng laway ko. Nananaginip ba ako? O baka naman sa kanluran na sumisikat ang araw? I mean, for the past one and half year hirap na hirap akong makuha ang promotion na yan, dahil ang lalaking nasa harap ko ngayon ay lagi nyang bina block ang promotion ko. Kesyo hindi pa daw ako handa o kulang pa raw efforts ko.

Pero ngayon out of the blue, sasabihin nya sa akin na kinausap nya ang board para sa promotion ko?

Pina prank ba ako nito?

FLIRTING with the BILLIONAIRE  (COMPLETED) Where stories live. Discover now