Chapter 22

3.8K 95 4
                                    

Verdanah POV :

Dinig ko ang mga yabag na nagmumula sa likuran ko, palakas ito ng palakas habang tumatakbo ako sa walang katao-taong pasilyo. Sa bawat pag hakbang ng mga paa ko pakiramdam ko hindi ko na kakayanin pa. At hindi ko alam kung gaano na ako katagal na tumatakbo, basta ang alam ko lang hindi ako pwedeng huminto.

Pagod na ako, bawat ugat sa katawan ko ay nais ng tumigil, kaya lang hindi pwede dahil kapag tumigil ako maabutan at mahahanap nya ako.

Bumaba ako uli sa isa pang hagdan na nakita ko, para lang makitang nasa isang walang katapusang korehidor na naman ako. Dinig na dinig ko na ang dagundong ng puso ko. Pabigat ng pabigat narin ang paghinga ko habang patuloy akong tumatakbo.

Sinusubukan ko naring tumawag ng tulong pero wala ring nangyayari. Marahil kasi wala rin namang tao ang buong gusali maliban sa akin at sa taong humahabol sa akin.

Nag tago ako sa likod ng kurtina, dinig ko parin ang mga yabag nya palakas ng palakas. Come out, come out sweet pea alam kung nandito ka lang. Dinig na dinig ko ang mapanganib nyang boses na tinatawag ako sa buong silid.

Mainipin akong tao sweet pea ang ayoko sa lahat ay ang pinaghihintay.

Naipikit ko nalang ang aking mga mata at tahimik na nag dasal, umaasang sana bumukas ang pader sa likuran ko,at ng makalabas na ako sa impiyernong butas na to.

Naramdaman ko ang pag tulo ng luha ko sa aking pisngi, habang patuloy na naghuhumiyaw sa isip ko na posibling dito na ako mamatay sa abandonadong gusali, o kung anuman itong lugar na kinasasadlakan ko ngayon.

I was so lost in my thoughts that i didn't even notice that he was getting really close to me.

Pinag-aralan kung mabuti ang kanyang hitsura, matangkad sya siguro nasa six feet o higit pa, at ang kanyang mukha ay hindi ko masyadong makita kasi nakasuot sya ng isang kulay itim na hoodie.

Huwag nating gawin itong mahirap para sa ating dalawa sweet pea. Galit na galit nyang sigaw.

Nagsimula na namang manginig ang katawan ko sa takot, habang dinig kung masyado ng malapit ang kanyang mga yabag, at bago pa ako magkaroon ng pagkakataong maka kilos. Biglang nahawi ang kurtina kung saan ako nakatago, kaya naman isang malakas at nakabibinging sigaw ang pinakawalan ko.

Nagising akong humihingal at nahahapo, basang basa narin ako ng pawis. God! buti nalang panaginip lang yon. Napasulyap ako kay font na nasa tabi ko i sights and relief. Salamat sa diyos buti nalang hindi nagising si font.

Mag-iisang lingo narin simula ng tumira ako dito sa bahay ni font, pero mas lumala pa ang nangyayari. Palaging nag papadala ng text messages sa akin si railey halos minu-minuto na nga, at hindi lang yon kama kailan lang naka tanggap rin ako ng mga bulaklak na may kasamang threat note at dalawang beses naring inatake si Font ng kung sino man.

Ginagawa naman ng mga kapulisan ang lahat para mahanap sya. Pero lahat ng pagsisikap nila ay nauuwi nalang lagi sa wala.

Nasabi rin ni Adam sa akin na nakakuha sila ng limampung hidden camera sa dati kung apartment. Anim ang nasa banyo at ang iba ay nakakalat sa buong silid ko at bahay.

Sa totoo lang, natakot talaga ako ng ipinaalam nila sa akin ang tungkol sa hidden camera. At sigurado akong nakita na ng lalaking yon ang lahat-lahat sa akin.

Nagising ako sa aking malalim na pag-iisip ng tumunog bigla ang tyan ko. God! Lately i have been eating a lot and I'm always hungry.

Napa buntonghininga nalang ako,bago bumaba sa kama at diretsong kusina para maghanap ng makakain.

Tiningnan ko ang loob ng ref, bigla akong napangiti ng makita ko ang hinahanap ko. My favorite chocolate fudge brownies. Yup I'm eating chocolate at one in the morning sue me.

FLIRTING with the BILLIONAIRE  (COMPLETED) Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu