Chapter 15

3.8K 80 0
                                    

Verdanah POV :

Nanginginig ang mga tuhod ko habang nakatayo, at nag hihintay ng susunod na utos ni raven. Ramdam ko kung gano kabilis ang tibok ng puso ko. Kaya ipinikit ko muna ang mga mata ko at nag usal ng tahimik na dasal, na sana hindi ko ipapahiya ang sarili ko.

Tiningnan ko uli ang sarili ko. Kaya napa kunot noo nalang ako.

Naka suot lang naman ako ng dilaw na bikini at hindi talaga ako sanay. Ibig kung sabihin hindi pa ako nakaka pag suot ng ganito kahit kailan. Pakiramdam ko kasi naka hubad ako pag ganito ang suot ko.

OK, alam kung oa ako masyado, pero kung kayo ang nasa lugar ko, tapos hindi kayo sanay na naka bikini, ano naman mararamdaman nyo aber.

Kaya ito ilang beses ko nang sinuri ang sarili ko sa tinted glass window. Kahit papano maganda naman.

Laging sinasabi sa akin ni lexie, na maganda daw ang katawan ko, na ni minsan hindi ko pinaniwalaan. Lagi kung iniisip na sinasabi nya lang yun, para hindi ako mapahiya. Pero ngayon alam kung tama sya.

Napatingin ako kay raven habang nag-uusap sila ni font. Sa hitsura palang ng mukha ni raven alam kung na pagsasabihan sya ng kanyang naka babatang kapatid.

Sa tingin ko wala sa mood si Font ngayon. Kasi naman kung pagbabasihan ko kung pano nya tingnan ngayon si raven, parang gusto nya na itong patayin.

Ibinaling ko naman ang tingin ko sa babaeng naka kandung kay font, habang pinaparaanan nya ng kanyang daliri ang hubad na dibdib ni font. Matinding pag pipigil ang ginagawa ko para wag sugurin ang haliparot na yon.

Nakahinga lang ako ng maluwag kasi kahit papano hindi pinapansin ni font ang babae. Mukhang busy kasi si Font sa kung ano man ang iniisip nya.

A loud splash made me tear my eyes on him. Nakita ko nalang si raven sa pool naka tayo at naka titig pa talaga sa akin with matching nganga pa.

Kaya naman parang bigla akong nag karoon ng kumpyansa sa sarili ko, dahil sa inakto ni raven. Kaya naman taas noo akong naglakad pa lapit sa pool kung nasaan si raven.

Mukhang natauhan narin naman si raven sa pag kakatulala, kasi napa ngisi na ang loko sabay kumpas nya na tingnan ko si font. Kaya naman ibinaling ko ang tingin sa direksyon ni font, it took me everything not to burst into laughter.

Kasi naman naka nganga lang naman sya, at parang na maligno narin hahaha. Nag salubong ang mga mata namin, at this time ako naman ang naka ngisi sa kanya, na parang naging dahilan pa ata para matauhan ang loko.

Sinadya kung kumaway kay raven, at nag flying kiss. At sinuklian naman ng lokoloko. At sa gilid ng mga mata ko napapansin ko kung pano mag-igting ang panga ni font sa galit.

Yes, gumagana.

My my my you look so hot! Komento ni raven habang lumalangoy sya papalapit sa akin.

Salamat. I replied with a smirk.

Marahan naman syang natawa. Now let's get to business. Habang marahan nya akong hinila palapit sa kanya.

Anong ginagawa mo? Mahina kung singhal sa kanya.

Sssshhhh.... Tingnan mo sya. From my peripheral vision nakikita ko si Font  galit na galit.

Diyos ko, nakakatawa talaga to.

Napaka dali lang naman palang galitin nang little brother ko. Natatawa nyang komento.

Ngayon, makinig ka sa akin ng mabuti, tumawa ka sa lahat ng sasabihin ko. At wag kang umurong kung sakaling hahawakan kita. Subukan mong wag ma-ilang sa akin, at subukan mo ring maging kaswal sa mga kilos mo. Turo nya at marahan nya akong inilapit sa dibdib nya.

FLIRTING with the BILLIONAIRE  (COMPLETED) Where stories live. Discover now