Chapter 19

3.6K 94 4
                                    

Verdanah POV :

Mag-iisang buwan narin simula ng makabalik ako ng pilipinas, and I couldn't be happier. Buti nalang nandiyan si lexie salamat sa kanya kasi hindi nya ako iniwan kahit kaylan. Umiiyak parin naman ako siguro kasi mahal ko na sya at masakit tanggapin na yon lang ang tingin nya sya akin, isang gold digger.

Yes, his been trying to contact me, simula ng makauwi ako. Pero binabaliwala ko nalang salamat nalang kay lexie for making sure he stayed away from me. I have blocked his call and text, at sinisigurado kung hindi na uli mag co-cross ang landas namin.

Nasabi na naman nya lahat ng kailangan nyang sabihin, at sure akong wala ng kailangan pang pag-usapan.

V nakikinig ka ba? Tanong ni lexie sa akin dahilan para magising ako sa aking pag-isip.

Ano yon? Tanong ko uli.

Kako si raven anong oras ang dating dala ang mga box's na kailangan ko. Niinip na nyang tanong.

Napa buga ako ng hangin . Kalma lang parating na yon. Sagot ko

Maya-maya lang nandito na si drake, pero hindi pa ako tapos mag impake,akalain mo yon.

Naiikot ko ang mga mata ko sa komento nya. Don't you think you are packing to much for the weekend? Tanong ko habang nakaturo sa dalawang maleta sa tabi nya.

Inikotan nya rin ako ng mata. Hindi kaya, kulang pa nga yan eh.

Seryoso ka? Halos na impake muna kalahati ng silid mo lexie. Sigurado ka bang mag babakasyon lang kayo, and not moving out?

Alam mo? I hate you na. Naka pout nyang tugon dahilan para matawa ako. Minsan talaga tong babaeng to drama queen din e.

Sasagotin ko pa sana sya ng may maramdaman na naman ako. The same nauseating feeling i have been getting for days. Napa higpit ang hawak ko sa dulo ng lamesa para dun kumuha ng suporta, at ang isang kamay ko naman ay nakahawak sa aking ulo.

Okay ka lang ba v? Dinig kung tanong ni lexie sa nag-aalalang boses, habang nag mamadaling lumapit sa akin. Yeah I'm fine. Sagot ko kahit alam ko sa sarili kung hindi ako okay.

Tinulungan nya akong sumampa sa kama nya, at pinahiga ako. Anong nangyayari sayo? Ilang araw ka ng ganyan ha. Nag-aalala nyang tanong.

Kung alam ko, e di sana wala ako dito. Wala sa sariling komento ko. At alam kung kahit nakapikit ako malamang umikot na naman ang mga mata ng kaibigan ko.

Dito ka lang muna at wag na wag mong tatangkaing umalis ha. Ikukuha lang kita ng maiinom. Para kahit papano magiging okay paki-ramdam mo. Tumango lang ako bilang sagot.

Nakahiga lang ako sa kama hinihintay na bumalik si lexie. Hanggang ngayon sya parin ang laman ng isipan ko. Diyos ko bat ba hindi sya mabura sa isipan ko?

O heto kunin mo, para kahit papano bubuti ang pakiramdam mo. Ang nag- aalalang boses ni lexie ang nag pabalik sa akin sa kasalukuyan.

Dahan-dahan akong umupo, at nag pasalamat sa kanya, bago ko inabot ang tubig na dala nya.

V sa tingin ko kai-— pero bigla syang natigil sa pagsasalita dahil may nag doorbell.

Sa tingin ko nandito na si raven. Wika nya.

Titingnan ko lang sabi ko at umahon na sa kama.

Hoy babae ka anong ginagawa mo? Singhal nya sa akin. Dito ka lang ako na ang titingin. Sagot nya at lumabas na ng silid nya.

WHY ARE YOU HERE? Dinig kung sigaw ni lexie mula sa baba. Nag madali akong bumangon at lumabas ng silid.

Nakita ko si lexie na may kasagutan, kahit likod lang ng taong kausap ni lexie ang nakikita ko, alam na alam ko kung sino sya.

FLIRTING with the BILLIONAIRE  (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon