T H I R D P E R S O N ' s
Nang matapos naman silang kumain ay nagdesisyon na silang mag-swimming.
"Love, tara naaaa!" Excited na sigaw ni Sejun habang hila-hila si Brianna.
"Reese! Taraaaa!" Yaya naman ni Josh kay Reese.
"Beshywap! Tara langoy langoy naaa!" Sabi naman ni Stell at hinila si Desiree.
"H-hindi ka magsu-swimming?" Tanong naman ni Ken sa tahimik na si Elliana.
"Hindi" simple lang na sabi ni Elliana kay Ken.
"Bakit?" Tanong ni Ken.
"Eh bat ba? Ayoko eh" inis na sabi ni Elliana kay Ken.
"Bakit ba galit na galit ka sakin?" Diretso ngunit walang emosyon na tanong ni Ken.
"W-wala" sabi ni Elliana at umiwas ng tingin.
"We used to go to beaches nila Sejun" kwento ni Ken kay Elliana but she even don't care about him.
"I like Seafoods. Diba ikaw din?" Tanong ni Ken kaya napatingin si Elliana sa kanya.
"How did you know?" That time, narealize ni Ken na nadulas siya.
"H-ha? K-kay Brianna. Sabi niya sa akin?" Ngayon lang kinakabahan ng ganito ulit si Ken. Simula nung itanong niya kay Elliana kung pwede ba siyang manligaw, hindi na siya ulit nakaramdam pa ulit nito.
Tumango lang si Elliana at tumingin sa ibang direksyon habang titig na titig sa kanya si Ken. He can't deny it, he really misses the old Elliana. That Elliana that he owns.
"I miss you, Elli" biglaang sabi ni Ken habang nakatitig kaya naman muling napatingin si Elliana.
"What?" Nakakunot ang noo nitong tanong kay Ken.
"Wala. Nevermind"
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay nakikinig sa kanila si Skye habang lumuluha ang mga mata nito.
"I guess Kuya Ken really loves Elliana" bigla namang singit ni Justin mula sa likod.
"T-teka, alam mo?" Tanong ni Skye.
"Yeah, kami pa nga unang nakaalam" natatawang sabi niya.
"Sinungaling yun si Ken. Sabi niya ako lang daw makakaalam" nakangusong sabi niya.
"Actually, si Elliana lang ang walang alam. Ayaw sabihin ni Kuya Ken eh. Ayaw niyang makitang nahihirapan si Elliana kaya nagdesisyon na lang siyang itago ang lahat ng nalalaman niya sa past relationship nila." Mas lalong tumulo ang luha ni Skye sa narinig niya
"Oh? Bat ikaw ang umiiyak dyan?" Natatawang sabi naman ni Justin.
"Wala, naaawa lang ako kay Ken. I thought that he was heartless and cold pero look at him, trying to be close with her again" sabi ni Skye habang pinapahiran ang mga luha niya
BINABASA MO ANG
❛Noona❜ ┇SB19's Justin✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Noona, ano yung porn?❞ ➳In which Justin de Dios didn't know that the girl he met instantly and the one he was calling 'Noona' is his childhood bestfriend ➤ Justin De Dios x Reader ♡𝐞𝐬𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐞𝐭𝐞𝐞𝐧 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1♡ [...