♡fifty-one

2.1K 97 6
                                    

T H I R D  P E R S O N ' s

Nagising si Skye dahil sa sobrang lakas ng pag-ring ng phone niya. Dahil sa sobrang bwisit nito ay marahas niyang kinuha ang cellphone niya mula sa sidetable para sagutin kung sino ang tumatawag.

"Hello?" Halata sa boses niya ang pagka-bwisit. Ayaw na ayaw niyang iniistorbo siya sa pag-tulog.

"Hoy langit!" Dahil sobrang antok ni Skye ay hindi niya malaman kung kaninong boses ito.

"Who the hell are you? At sino ka para tawagin akong ganyan, close ba tayo?" Masungit na tugon ni Skye sa caller.

"Aba! So sinusungitan ako ngayon?"

"Obvious ba? Sino ka bang damuho kang istorbo sa tulog ko?" Tanong niya.

"Cloud" para bang nabuhayan siya sa pangalang narinig niya.

"C-cloud? U-ulap?" Di makapaniwalang tanong nito sa kabilang linya.

"Exactly. How could you forget my beautiful voice? Tsk" walang ganang tugon naman ni Cloud.

"Insaaaaaannnn! Bakit di mo naman agad sinabi na ikaw yan? Nasungitan tuloy kita. Tsk!"

"For pete's sake, Skye Erinne! Alas-dos na ng tanghali tapos tulog ka pa din?!" Sigaw ni Cloud mula sa kabilang linya. Ayaw na ayaw kase ni Cloud ng nagigising siya ng tanghali lalo na pag nagpupuyat si Skye

"Kalmaaa! Wala ako sa bahay. Niyaya kami nung boyfriend ni Brianna mag-beach. Eh nagkayayaan kagabi kaya napuyat hehehe. Sorry na insan!"

"Oh really? Nasa beach din kami ngayooon! Enjoy ka dyan. By the way, nakabalik na ako kahapon" nanlaki naman ang mga mata ni Skye

"BAKIT HINDI KA NAGSABING DAMUHO KA! SUSUNDUIN NGA KITA EH! TSK!" sabi ni Skye at umirap

"Ayokooo! Uubusin mo na naman pera ko eh!" Sabi ni Cloud sa kanya at natawa.

"Psh! Sige, kita tayo pag-uwi ko. Byeeeee! Ingat ka dyan ulap!"

"Ingat ka dyan, langit!" Simula bata sila ay close na close talaga sila kaya't nagisip sila ng pinaka-unique na pwede nilang itawag nila sa isa't isa.

Binaba na ni Skye ang phone at pinuntahan ang mga kasama sa cottage. Nagtaka naman siya dahil si Justin lang ang nakita niyang nasa cottage.

"Morning" bati sa kanya ni Justin ngumiti.

"Good morning" tugon naman ni Skye.

"Mukhang good mood ka ah. Sus, nakita mo lang ako eh" napangiwi naman si Skye.

"Hindi 'no! Assumero ka dyan masyado tsk!" Sabi nito kay Justin at patagong ngumiti.

"Good morning, love birds!" Nakangising bati ni Elliana sa kanila.

"Oh? Bat di mo kasama si Ken?" Tanong ni Skye habang kumukuha ng plato dahil balak niya na sanang kumain para maka-gala naman siya mag-isa sa resort.

"Mukha ba akong lost and found?" Masungit na tanong ni Elliana.

"Bat ba ang init ng dugo mo kay Ken ha? Ang swerte mo nga sa kanya eh" napatingin naman siya kay Skye ng may pagtataka sa kanyang tingin.

"I-i mean swerte ka kase gwapo naman si Ken saka mabait. Di nga lang showy" makahulugang sabi ni Skye. Tinawanan lang siya ni Justin dahil mukhang nagets nito ang gustong sabihin ni Skye kay Elliana.

"Gwapo yun? Tsk! Ang sungit sungit. Ayoko sa ganun. Gwapo nga, arogante naman" inis na sabi ni Elliana.

"Alam mo, ewan ko sa inyo. Asan ba sila Reese?" Tanong ni Skye.

"Ayun, busy sa mga jowa nila tsk!" Sabi ni Elliana sabay irap. Napatawa na lang sila dahil sa kabitteran ni Elliana.

Nang matapos silang kumain ay tatayo na sana si Skye nang magsalita si Justin.

"Babybear! San ka pupunta?" Tanong nito.

"Wala, dyan lang" sabi ni Skye.

"Samahan na kita" pagvo-volunteer nito pero pinigilan niya si Justin.

"Hep! Dyan ka lang. Gagalain ko lang tong resort. Wag ka na masyadong mag-alala ok?" Sabi ni Skye sabay kumaripas ng takbo papalayo.

Sa paglalakad niya ay napangiti siya sa magandang tanawin na nasa harap niya. Halos ilang buwan na din ang nakakaraan nung huling pumunta sila ng resort kaya mas lalo siyang humanga sa ganda ng resort.

Habang naglalakad siya ay hindi niya maiwasang mapa-pikit dahil sa sobrang lamig at refreshing ng hangin na tumatama sa buong katawan niya.

"Langit? Ikaw ba yan?!" Napadilat siya agad nang marinig ang isang pamilyar na boses.

"Cloud?!" Sabi niya at tumakbo siya papalapit sa pinsan niya sabay yakap dito.

"Waaaahhh! Andito ka din palaaaa!" Masayang sigaw ni Skye sa sobrang saya.

"Namiss kita, Insan! Asan si Trina?" Tanong ni Skye at tinutukoy nito ang girlfriend ni Cloud. Napasimangot naman ito nang marinig ang pangalan ni Trina.

"Galit kase siya sakin ngayon eh. Akala niya kase may kikitain akong ibang babae dito tsk!" Sabi nito sabay nguso.

"Pfft. Kakausapin ko na lang si Trina. Ako bahala" sabi nito at tinapik ang balikat ni Cloud.

"Wag na. Mas lalong magagalit yun pag nalaman nun na nagsumbong ako sayo" napatawa naman ito.

"Edi gusto mo na magalit siya sayo forever?" Tanong ni Skye. Agad naman itong umiling.

"Akong bahala sa kanya, Cloud. Relax okay?" Ngumiti naman si Cloud at inakbayan si Skye.

"Salamat, langit!" Ngumiti lang si Skye.

Sa kabilang banda, nagdesisyon na si Justin na sundan si Skye dahil kahit resort ito ng tita ni Sejun ay wala parin siyang tiwala sa ibang bisita.

Hingal na hingal itong huminto sa may dalampasigan nang maaninag niya si Skye pero para bang tinusok ng napakaraming karayom ang puso niya nang makita si Skye kasama ang ibang lalaki.

Napangiti na lang siya ng peke habang hingal na hingal pa din. Tahimik niyang tinignan si Skye habang nakikipag-tawanan ito at inaakbayan ng lalaki. Napayukom na lang ang kamay niya sa sobrang inis.

"Kaya pala ayaw mo akong pasamahin, may iba ka pa lang kasama" sabi nito sa sarili at tumawa na para bang naiinis na sa sarili niya.

"Hoy Jah!" Tawag ni Josh sa kanya ngunit napatahimik ito nang tignan kung saan nakatingin si Justin.

"Uso kasing umamin na bro. Tignan mo oh, nauunahan ka na" sabi ni Josh at tumawa sabay tapik pa sa balikat ni Justin.

Kahit pa labag sa kalooban nito ay umalis na lang siya dala dala ang mabigat na pakiramdam nang makita niya si Skye.

Yes, he really felt jealous.

TO BE CONTINUED..

❛Noona❜ ┇SB19's Justin✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon