♡sixty-eight

1.9K 90 53
                                    

S K Y E ' s

5:30 na ng hapon at nagdadalawang isip ko kung ihahatid ko pa ba 'tong jacket niya. Natrauma ako dahil dun sa nangbastos sakin dati eh, buti na nga lang at andun si ano... Si Justin.

Pero nagsabi din kase ako na ihahatid ko 'to ngayon. Arghh! Kase naman!

Lumabas na lang ako at naramdaman kong sobrang lamig. July na pala, magsisimula na yung Ber months kaya pala ang lamig. Parang siya.. CHAROOOTTT! Lakas humugot wala namang lablayf hahahaha.

Nang makarating ako sa 7-eleven ay hinintay ko siya dahil wala pa naman siya kahit sa loob. Tangek ko talaga! Hindi man lang ako nag-dala ng jacket. Ang lamig lamig ngayon!

Tahimik lang ako naghihintay dito sa may labas ng 7-eleven kase may mga upuan naman sila sa labas. Ang tagal naman nun!

"I miss you" rinig kong sabi nung nagtakip sa mata ko. Mukhang kilala ko na kung sino yun.

"Hoy tigilan mo ko" mataray kong sabi kaya naman tinanggal niya yung kamay niya at nakangusong pumunta sa harap ko.

"Sungit mo naman. Namiss na nga kita eh" nakangusong sabi niya. Napabuntong hininga na lang ako dahil pinipigilan ko lang yung sarili king kurutin yung pisngi niya.

"Oh" sabi ko sabay bigay ng jacket sa kanya. Napacross arms na lang ako dahil nilalamig talaga ako at gusto ko ng umuwi.

"Teka lang, babybear" sabi niya sabay hila sa braso ko.

"Ano na namang kailangan mo?" Walang emosyon kong tanong.

"D-dito ka lang muna. Samahan mo lang ako. Ililibre muna kita" sabi niya at alanganing ngumiti

"Kung iniisip mong madadaan mo ako sa ganyan, tigilan mo ako" sabi ko lang.

"Wala akong ibang gusto, Skye. Gusto ko lang makasama ka kahit ngayon lang" sabi niya. Para namang tinusok yung puso ko dahil nakita ko kung gaano kalungkot yung mukha niya nung sinabi niya yun.

Hindi ako nagsalita at nauna na lang na pumasok sa convenience store.

"Ano bang gusto mo?" Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti na siya. This makes me feel better.

"Siopao na lang saka Slurpee" sabi ko lang.

"Oh sige, upo na lang muna dun sa may upuan dun sa likod" sabi niya sabay turo sa mga table sa likod

Sinunod ko lang siya at umupo. Iniwan ko kase yung phone ko sa pag-aakalang saglit lang ako.

Gusto ko na mag-sorry ngayon sa kanya kaso hindi ko alam kung paano, sa lahat ba naman ng sinabi ko sa kanya diba? Parang ang hirap na mag-salita. Pero bahala naaaa! Sa susunod na lang.

"Nakakapagod naman" nabalik ako sa alaala ko ng marinig ko ang boses niya. Napagod siya? Baka sa pag-order tsk!

"Sana sinabi mo na lang na ayaw mo mag—" naputol ang sasabihin ko ng sumingit naman siya.

"Pagod na akong tumakbo sa isip mo. Andito lang naman ako eh" nakangiti niyang sabi sabay abot ng pagkain ko. Inirapan ko lang siya at patagong ngumiti.

"Thank you nga pala sa pag-hatid ng jacket" sabi niya. Tumingin lang ako sa kanya at tumango.

Ang hirap pala ng ganito huhu. Hindi ako sanay sa treatment ko sa kanya.

"Kamusta ka na? Magaling ka na ba?" Tanong niya. Hinipo niya yung noo ko kaya hinayaan ko lang siya.

"Ayos lang ako" tangi ko lang sabi.

"Mabuti naman." Sabi niya at binalik ulit ang atensyon niya sa kinakain niya.

"Skye.." napatingin ako nang tawagin niya ako sa seryoso niyang boses. Tinignan ko lang siya at saktong pagtingin ko ay nakatingin din pala siya sakin. Shets!

"Sorry"

"Sorry kung iniwan kita 6 years ago. Hindi ko ginusto yun. Hindi nila sinabi sakin yung about kay Daddy that time. Nangako ako noon bago ako umalis, at gusto ko lang iparating sayo na dito lang ako sa tabi mo. Kahit ilang beses mo pa akong ipagtulakan palayo, hindi kita iiwan" sabi niya. Para namang nanlambot ako sa sinabi niya. Bakit sobrang yung epekto ng sinasabi niya sakin?

"A-ahh" tangi ko lang nasabi.

"Mahal kita" naririnig ko siyang bumulong pero hindi ko na lang yun inisip pa.

Nang matapos ko ang kinakain ko ay tumayo na ako.

"Salamat sa libre. Kailangan ko na kaseng umuwi eh, baka hinahanap na ako nila mama" sabi ko lang at lumabas na ng convenience store habang nakasunod lang siya.

"Skye" napatingin ulit ako at nakita ko lang na dala dala niya yung jacket na binalik ko.

"Bakit?" Tanong ko. Lumapit lang siya sa akin at pinatong ang jacket niya sa balikat ko.

"Next time na lalabas ka, mag-baon ka ng jacket. Baka lamigin ka at magkasakit ka ulit" napatingin lang ako sa kanya.

"Mag-iingat ka sa pag-uwi. Papakasalan pa kita" hinampas ko lang yung braso niya at tumawa.

"Uy! Tumawa ka" nakangiti niyang turo sa akin.

"Uwi na ako" sabi ko at muling tumalikod pero napatigil nanaman ako dahil hinila niya ulit ako paharap sa kanya at hinalikan ang pisngi ko. Siraulo 'to ah!

"H-hoy!" Sigaw ko dahil pagkatapos niyang halikan ang pisngi ko mabilis siyang naglakad palayo.

"Ingat ka ha!" Sigaw niya lang habang nakangiti at naglakad ulit.

Napatalikod na lang din ako at nagsimulang mag-lakad. Siraulo talaga. Pero heto naman ako at napangiti sa ginawa niya.

He never really fails to make me smile. Kaya siguro naiiba siya.

TO BE CONTINUED..

❛Noona❜ ┇SB19's Justin✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon