T H I R D P E R S O N ' s
Tatalon-talong pumunta si Skye sa cottage kaya naman napansin siya agad nila Reese.
"Oh? Mukhang good mood tayo ah?" Nakangising sabi ni Reese.
"Wala lang! Palagi naman akong good mood ah?" Natatawang tugon ni Skye sa kaniya.
Napaka-ingay ng cottage nila ngunit napansin niya bigla ang tahimik na si Justin. Naninibago siya dito kaya naman nilapitan niya ito at kinausap.
"Ayos ka lang? Bat ang tahimik mo?" Tanong ni Skye ngunit tinignan lang siya ni Justin in a cold way at saka umalis sa harap nito.
"Ouch! Saet lods!" Naiwang nakanganga si Skye habang tinitignan na maglakad palayo si Justin.
"Anong problema nun?" Tanong ni Skye kila Brianna ngunit nagkibit-balikat lang ito.
"Sundan mo para malaman mo" sabi naman ni Josh habang kumakain at sinusubuan pa si Reese.
"Pda niyo!" Sigaw ni Skye bago sundan si Justin
"Inggit ka lang! Wala kang lablayp! Bleh!" Sigaw ni Josh bago tuluyang maglaho si Skye sa paningin nila.
Nakita niya namang tahimik na nakatayo si Justin habang nakatingin ito sa malayo kaya dahan dahan niya itong nilapitan papunta sa kanya at balak nitong gulatin ito.
"Boo!" Gulat ni Skye habang hawak ang balikat ni Justin.
"Ayos ka lang ba, Jah?" Tanong ni Skye. Tinignan lang siya ulit nito ng may blankong ekspresyon at aalis na sana kaya lang agad siyang pinigilan siya ni Skye.
"May problema ka ba? Pwede ka namang mag-sabi sakin eh" sabi ni Skye. Sobrang naninibago siya kay Justin dahil tahimik at cold na ito nang hindi niya alam kung may nagawa ba siyang hindi nagustuhan nito.
"Jah naman" pakiusap ni Skye gamit ang nickname nito ngunit hindi parin ito gumagana.
"Sorry na, Justin. May nagawa ba ako? Ano bang problema?" Nag-aalalang sabi ni Skye habang hinihila parin papalapit si Justin pag magtatangka itong umalis.
"Wala" cold na sabi ni Justin.
"Anong wala? Justin naman!" Kung kanina ay kalmado ito, ngayon ay naiinis na siya dahil ayaw parin siyang kausapin ni Justin
"Wala akong problema" sabi nito at pilit na umiiwas ng tingin kay Skye.
"Justin De Dios! Ano ba talagang problema mo ha? Naiinis na ako sa totoo lang"
"Wala akong problema. Wag mo akong intindihin, hindi ko naman sinabi sayo na alamin mo yung problema ko diba?" Hindi na alam ni Skye ang gagawin niya dahil sobrang cold na talaga sa kanya ni Justin.
"Kausapin mo naman ako please" pakiusap ni Skye pero hindi parin ito nakikinig. Magtatangka pa ulit itong umalis ngunit nilakasan ni Skye ang pwersa niya at malakas niyang hinila si Justin papunta sa harap niya.
"PUCHA NAMAN, JUSTIN! ANO BANG GUSTO MONG GAWIN KO? ANO BA KASING PROBLEMA MO?!" Sigaw ni Skye kaya naman hingal na hingal siya pagkatapos niyang sigawan si Justin.
BINABASA MO ANG
❛Noona❜ ┇SB19's Justin✔️
Fanfiction[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Noona, ano yung porn?❞ ➳In which Justin de Dios didn't know that the girl he met instantly and the one he was calling 'Noona' is his childhood bestfriend ➤ Justin De Dios x Reader ♡𝐞𝐬𝐛𝐢𝐧𝐢𝐧𝐞𝐭𝐞𝐞𝐧 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 #1♡ [...