Chapter 1(First day of School)

1.3K 54 0
                                    

Alyssa's POV

Pag pasok ko sa isang malaking kwarto ay may nakita akong babae ng nakaupo sa malapit sa malaking table

Nakakatakot siya tignan,mukha siyang palaka HAHAHA

Pagkatapos ng maikling usapan nila nu papa ay agad na nagpaalam sa'kin si papa

"Anak alagaan mo sarili mo diyan ah wala kami ng mama mo diyan kaya maging independent ka tsaka wag ka munang mag jojowa ah" sabi ni papa

"Pa naman eh,wala ngang nanliligaw sa'kin eh jowa pa kaya" nakangusong sabi ko

"Basta anak mag iingat ka palagi diyan ah wag papababayaan ang sarili at huwag kang basta basta mag titiwala sa mga taong hindi mo pa gaanong kilala" sabi ni papa

"Opo pa,mag iingat din kayo ni mama ha" sabi ko sabay yakap

"Tara na Ms.Faton hahatid na kita sa dorm mo" sabi ni Mam palaka

Pagdating namin sa dorm ay namangha ako. Ang ganda at ang laki

"May ka roommate ka dito pero bukas pa ata siya uuwi,doon ang kama mo sa may bandang bintana" sabi niya at agad umalis

*Kinabukasan

Gumising ako ng maaga dahil may flag ceremony ngayon,nakakahiya naman siguro kung malalate ako sa unang araw ng klase

Natapos ko na sa pag ligo at pag kain kaya naman agad na kong umalis at hindi din nag tagal ay nag simula na ang flag ceremony

Nang matapos na ang flag ceremony ay dumaretso na ko sa room. Sinabi na kasi sa'kin yung room ko kahapon pa kaya alam ko na.

Pag pasok ko sa room nagulat ako ng makita lahat ng kaklase ko ay nakasalamin,mukha silang matatalino,lugi ako

Ewan ko ba kay papa bat dito ako pinasok na school amdami dami namang school dun sa amin

Dumating na ang amin first teacher or should I say adviser

"Good morning class" bati nito sa amin

"OK class introduce your self" daretsang sabi niya

'Ano ba yan di man lang ba siya magpapakilala'

"By the way I'm Evachez Salazar your adviser" narinig ata ako

Nagsimula na silang mag pakilala ang weird ng pangalan nila meron Aelaza na pag binaliktad mo ay Azalea at meron din Annyc basta weird puro binaliktad na pangalan pero may natandaan naman akong isa,si Cessi ang katabi ko

Pumunta na ko sa unahan ng matapos mag pakilala ng katabi ko

"Hi I'm Alyssa Faton" yun lang ang sinabi ko dahil di naman sila mukhang interesado eh.

Pagkatapos mag pakilala ng lahat ay magturo na ang teacher

Discuss

Discuss

Discusss

Riiinnnggggg.....

Sa wakas pagkatapos ng maraming discussion ay break time na

Aalis na sana ko ng naalala ko hindi ko nga pala alam kung saan ang Cafeteria dito.

Buti na lang nakita ko ang katabi kong si Cessi

"Cessi pumunta ka ba ng Cafeteria?Pwede pasabay bago pa lang kasi ako dito eh wala pa kong masyadong alam" nakangiting sabi ko sa kanya

"Ah sige tara na" nakangiting sabi niya

Nang makarating kami sa cafeteria ay agad kaming kumain at nag usap usap, hindi ko lang talaga inexpect na friendly si Cessi kasi mukha talagang siya seryoso. I wonder if ganon din yung iba naming kaklase

Bumalik na kami sa room at dahil kunti pa lang ang mga nandito ay naisipan ko munang makinig ng music samantala ang iba kong kaklase ay nag babasa

~•~•~•~•~

"Sino ba yung kalabit ng kalabit sa'kin natutulog yung tao eh!" Sigaw ko

"Ay sorry Miss Faton nagising ata kita" sabi ng isang babae pag dilat ko ng mata ay nakita ko ulit yung teacher na kausap ni Papa kahapon,so siya yung science teacher namin

"Ay sorry po mam" sabi ko

Kainis si Cessi di man lang ako ginising

Pagkatapos niyang mag sabi ng kung ano ano ay natapos na rin ang discussion

Pag uwi ko sa dorm ay nagulat ako dahil nandoon si Cessi

"Cessi bakit nandito ka?" tanong ko

"Dorm ko rin to duh" maarte niyang sabi

"Ah ikaw siguro yung sinasabi ni mam froglet na roommate ko" sabi ko

"Yeah ako nga at sinong froglet?" Tanong niya

"Secret walang clue" asar ko pa sa kanya

"Sino nga?" Inis na sabi niya

"Oh eto clue, pinagalitan niya ko kanina"

"Si Mam Pelaez? Yung science teacher natin? HAHAHAHA kakaiba ka talaga" natatawang sabi niya

'So ngayon ako pa ang kakaiba ah. Kayo nga tong may kakaibabang pangalan'

********

Sorry po kung maiksi lang

Thank for reading

Don't forget to vote, comment and follow my wattpad and other social media accounts

Hope you like it

Protecting The Mafia's Daughter (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum