Chapter 10 (Essylrahs Lee)

461 25 0
                                    

Alyssa's POV

Nandito na ko ngayon sa bago kong dorm. Kasing laki lang siya ng amin ni Cessi dati at simple lang din ito,kumpleto na din ang mga gamit at groceries

Inaayos ko na ang gamit ko habang hinihintay ang ka roomate ko.Hmm... Sino kaya siya? Sana mabait siya

Habang inaayos ko ang gamit ko ay bumukas ang pinto at niluwal ang napakagandang babae.Wow as in wow parang ang perfect niya,morena siya matangakad,matangos ang ilong at may mapupulang labi

"Hi" bati nito sa'kin kaya sa katinuan

"Hello,malamang ikaw yung bago kong roomate. Ang ganda mo siz" sabi ko dito

"Ah well thank you.You look so gorgeous too" sabi nito sabay ngiti

"By the way ano nga pala ang pangalan mo?" tanong ko

"Essylrahs Lee" sabi niya ko

Iww ang baho ng pangalan charott

"Hello Isilras? Tama ba? Im Alyssa Faton" Pakilala ko

"You're freshman? I am right?" Tanong niya

"Yes.How did you know?" tanong ko syempre kailangan English din sosyal tong kausap ko eh

"Uhm nahulaan ko lang" kibit balikat niyang sabi

Bakit ba ang dali nila malaman na freshman ako tuwing naririnig nila yung pangalan ko

"Sige na magpahinga ka na Alyssa mukhang pagod ka na,ako na bahala mag ayos dito"

"Sure ka ba? Baka pagod ka na din eh?"

"Hindi ok lang talaga"

"Osya sya sige na nga,thank you.Goodnight na lang" sabi ko dahil mukhang di ko siya mapipigilan

~•~•~•~•~•~•~

"Alyssa gising na diyan"

Nagising ako sa malambing na tawag pag mulat ng mata ko nakita ko si Essylrahs dahan dahan kong minulat ang mata ko at nakita sya ang ganda nya talaga bwesit 'Alyssa tumigil ka straight ka straight' sabi ko sa sarili ko at tumayo na

"Una na ko sa'yo pumasok ah may kailangan pa kasi ako gawin eh"

"Ah sige ingat ka" sabi ko at umalis na siya

Ngunit napabangon ako sa hinihigaan ko ng makita kong 5:00 palang.

'Ano naman gagawin niya dun?' tanong ko sa isip ko ngunit di ko na lang pinansin at tumayo na lang para maghanda para sa pag pasok

Essylrahs POV

Nag sinungaling ako kay Alyssa na may gagawin ako pero ang totoo at kaausapin daw ako ni Derfla

Dumaretso na ko sa sinabing lugar ni Derfla, sabi niya dun daw sa may abandonadong bahay

Nang makarating ako sa sinasabing lugar ni Derfla ay agad ko siyang binati

"Hello Derfla nice to see you" nakangiting sabi ko rito

"Hi.ko na patatagalin ang usapan natin,pinapunta kita rito para maging in charge ka ay Alyssa, ang iyong roommate" sabi nito sa 'kin

"A-ako?Baket ako?Sa pag kaka alam ko yung mga taong magagaleng lang ang ginagawang in charged" sabi ko dito

"Kung wala kang bilid sa sarili mo ay i-prapraktis kita araw araw. Nakikita mo yung dulong pinto?" sabi niya sabay turo sa isang pinto

"Oh?" Tanging sabi ko

"May babaeng nakatira diyan pumunta ka lang diyan kung kailan libre ang oras mo tutulungan ka niya sa pag eensayo" sabi niya

Dahil sa sinabi niya yun napa oo na lang ako. Medyo challenging siya para sa'kin pero kakatayanin basta para kay Alyssa

~•~•~•~•~•~

Alyssa's POV

Natapos na ang ilang subject at sa wakas break time na

Lalabas na sana ko ng bigla akong tawagin ni Essylrahs

"Alyssa sabay na tayo" sabi niya

"Ah sige lang" maikling sabi ko

"Baka may kasabay ka ha at makaistorbo ako" sabi niya

"Nako wala,wala nga kong gaanong kakilala dito eh" sabi ko sa kanya

"Ah ganon ba,sige tara na baka mawalan tayo ng upuan" yaya nya sa'kin at tyaka ako hinatak

"Ay wait lang mauna ka na pala muna mag c-cr lang ako" sabi ko at agad dumaretso sa cr sa ilalim ng hagdan ng building namin

Pagpasok ko sa loob ng cr may dalawang babaeng nag re-retouch di ko na lang sila pinansin at agad dumaretso sa isang cubicle

Habang umiihi ako narinig ko silang nag uusap

"Bess dalian mo naman diyan,antagal mo naman mag retouch"

"Sorry bess kailangan natin magpaganda eh baka makasalubong natin si fafa Derfla" pabebeng sabi ng isa

Tsk. Anlandi. Lalabas na sana ko ng marinig kung may pinag uusapan sila

"Nako bess wala yang beauty mo pag nakita natin yung multo namatay dito"

"My god bess wag mo kong tinatakot tara na nga"

Nang masigurado kong wala na sila ay lumabas na ko ng cubicle

Lalabas na sana ko ng biglang di ko mabuksan ang pinto pakshet nalockan ako

Pakshet dapat kasi di na ko nakinig sa usapan nila eh 'di sana nakalabas ako dito

Bigla kong naalala yung pinag uusapan nila na may multo dito. Wag naman sana

Sisigaw na sana ko ng tulong ng biglang may lumabas na babae sa isang cubicle maputi sya mahaba ang buhok sa gulat ko ay nagtitili ako

"Whaaaaaaa!!! Multoooo" sigaw ko at di na natandaan ang sunod na nangyare dahil bigla akong nawalan ng malay

*******

Thanks for reading

Don't forget to vote and follow my wattpad account and my others social media accounts

Hope you like my story

Happy New Year Everyone❤

Protecting The Mafia's Daughter (Completed)Where stories live. Discover now