Chapter 14 (Halloween Meeting)

398 22 0
                                    

Alyssa's POV

Simula ng naging in charged sa'kin si Sirrah ay halos wala na kong free time at halos wala na nga din akong privacy eh kasi lagi niya kong sinasamahan kung saan saan,nung una natutuwa ako kasi0 ginagampanan niya ng maayos ang trabaho niya para sa'kin pero nung huli hindi na kasi halos hindi na din kami nakapag usap ni Essylrahs kagaya ng mga dating pinag uusapan namin

Bwesit kasi tong si Derfla pinasa pa ko sa iba ay halos one month na din simula nung umalis siya at wala pa rin akong balita sa kanya,kasalanan niya din kung bakit ako nahihirapan sa Sirrah na yun. I wonder kong ano na kayang nang yayare sa kanya? Ano kayang mang yayare sa grade niya kung halos isang buwan na siyang wala. Hayts bahala na siya dun,bat ko pa ba iniisip yun, problema niya na yun

"Hi Assyla may meeting daw tayo sa court mamaya" sabi ni Sirrah

"Oo alam ko nabasa ko sa bulletin board at pinag uusapan na din dito sa campus" mataray na sabi ko

Sa totoo lang ayoko naman talagang mag taray kaso nakakabanas siya dahil halos gawin akong bata sa way ng pag trato niya sa 'kin

"Ah,sabay na tayo pumunta dun ha" sabi ni Sirrah

"Uhm wag na mauna ka na kasi may gagawin pa ko at baka di mo marinig yung ibang sasabihin kung mahuhuli ka" palusot ko

"Nako hindi yan,pwede naman din akong mag tanong sa iba kong kaklase" sabi niya

Ang kulit talaga gusto niya siya lagi panalo

"Matatagalan pa ko" walang ganang sabi ko

"Edi hihintayin kita" nakangiti netong sabi

Nakakainis na talaga siya eh parang nang aasar pa,sarap batukan

"Osya sya sige na nga" tanging sabi ko dahil wala na kong ibang maisip na palusot

Umu-oo na lang ako kahit ayoko siya makasama mamaya bahala siya sa buhay niya

~•~•~•~•~

Riinnnggg....

Sa wakas bell na. Dali dali kong kinuha ang bag ko at pinuntahan si Essylrahs

"Essylrahs tara na dalian mo baka dumating pa si Sirrah" sabi ko at hinatak siya

Hahatakin ko na sana siya papuntanf kanan pero bigla siyang nag salita

"Wag diyan dito tayo sa kaliwa natural diyan 'yan dadaan dahil mas malapit diyan" sabi niya at sinunod ko naman siya

Habang nag mamadali kaming mag lakad ay bigla namin nakasalubong si Sirrah

'Bwesit naman oh'

"Hi Assyla bat parang nagmamadali kayo may humahabol ba sa inyo?" inosenteng tanong neto sa amin

"U-uhm hindi kasi baka mahuli kami sa meeting at wala na kaming maupuan" sabi ko

"O-oo ta-tama tama" pag sang ayon ni Essylrahs

"Ah wag kayong mag alala madami namang upuan sa court kaya tara" sabi neto at nauna ng maglakad

"Essylrahs akala ko ba dun dadaan si Sirrah? Eh bat nakasalubong natin?" pagbulong ko sa kanya

"Ewan ko diyan" pagbulong din nito sa'kin

"Uhm Sirrah bat ka nga pala dito sa kaliwa dumaan eh diba mas malapit kung sa kanan ka dumaan" tanong ni Essylrahs

"Ah bakit masama ba? Sa inyo ba to?" Sabi ni Sirrah at huminto sa pag lalakad at tinaasan kami ng kilay

'Kung alam mo lang kung sino ang kausap mo ngayon baka kanina ka pa lumuhod sa 'kin. Tsk'

"A-ah hindi naman sa gano'n,ano kasi diba mas malapit dun sa kanan bakit dito ka sa kaliwa dumaan baka lang mapagod ka pa" pag sabat ko

"Wag kang mag alala di ako mabilis mapagod at tsaka inutusan ako kaya dito na ko dumaan" sabi neto at nag patuloy sa pag lalakad

Maya maya lang ay nakadating na kami sa court

"Good day everyone" bati ng Nasa stage

Naalala ko dati na tuwing may gantong meeting si Derfla lagi ang nasa stage para mag announce

"Oy miss niya na naman si Derfla" asar ni Essylrahs

'Speaking of the devil'

"Hindi ah,naalala ko lang siya"

Sasagot pa sana siya kaso biglang nag salita yung nasa stage

"Kaya kayo pinatawag dito dahil mag kakaroon tayo ng announcement tungkol sa dadating na buwan at yun ay November" sabi niya

Ibang iba siya kay Derfla,di man lang nagpakilala

"Magkakaroon tayo ng Halloween Party at ito ay gaganapin sa Gabi ng October 31"

"Daming alam tara na nga Essylrahs alis na tayo non sense lang naman yung pinagsasabi ng babaeng yan" sabi ko sabay hatak kay Essylrahs pero di siya umalis sa pwesto niya

"Wag ka ngang kj ngayon taon lang meron toh kaya interesado ang lahat makinig ka na lang sa sinasabi ng babae yan" sabi ni Essylrahs at wala na kong nagawa kundi makinig na lang din

"Mag makaroon din tayo ng Queen and King of the night at syempre mag kakaroon din ng best in costume kaya galingan niyo guys" yun lang ang sinabi niya at umalis

Mabuti naman at natapos din siya sa kakadada niya

"Assyla punta ka ha" sabi sa'kin ni Sirrah

"Bahala na" sabi ko na lang dito

"Bahala na means di ka sure?" tanong niya

"Basta oo,Ewan,Hindi" yun lang ang sabi ko at iniwan siya

*******

Thank for reading

Don't forget to vote, comment and follow my wattpad and other social media accounts

Hope you like it

Protecting The Mafia's Daughter (Completed)Where stories live. Discover now