Chapter 21 (Surprise)

342 23 0
                                    

Alyssa's POV

Dahil sa lahat ng nalaman ko sobra kong nasaktan hindi ko akalaing may gano'n siyang tinatagong sekreto sa 'kin

"Tama na ang drama. Alfred simulan mo na" sabi ni kalbo sabay abot kay Derfla ng baril

Kinuha ni Derfla ang baril at tinitigan itoha ako pa,taposin mo na yang buhay ni Faton para masubukan mo na yang baril" sabi ni kalbo

"Ayoko" daretsong sabi ni Derfla

Lahat kami ay nagulat sa sinabi niya lalo na si kalbo

"A-anong ayaw mo Alfred? Tinatalikodan mo na ba ang grupo natin? Pag katapos ng lahat tatalikodan mo lang ang plano?" medyo kabadong sabi ni kalbo

"BWHAHAAHAHA" umalingaw-ngaw ang tawa ni Derfla sa paligid

"Ang sakit ng tiyan ko sa 'yo Sir Ramos,alam mong di ko matatalikodan ang grupong ito" sabi ni Derfla

"Eh anong ibig mong sabihin sa ayaw mo?" Sabi niya na tila nabunutan ng tinik

"Ayokong ng barilin siya ng nakatali,dahil ang gusto ko nakatayo siya at pilit na iniiwasan ang mga balang sasalakay sa kanya" sabi ni Derfla

"Demonyo ka Derfla! Masahul ka pa sa hayop!" Sigaw ko dito

"Tsaka maganda ang baril n'yo pero mas gusto kong gamitin ang baril ko" sabi ni sabay tapon ng baril na binigay sa kanya ni kalbo at kinuha ang baril na nasa bulsa niya

Lumapit siya sa mukha ko at bumulong 'hindi pa ito ang katapusan' sabi niya habang tinatangal ang pag katali sa 'kin

Hindi ko alam pero parang nabuhayan ako nang loob sa sinabi niya,para itong may pinapahiwatig

Natangal na ang mga tali ko pero makikita pa din sa binti at kamay ko ang mga bakat ng lubid na pinantali sa 'kin

"Tayo" sabi niya kaya wala kong ibang nagawa kundi sundin siya

"Lumapit ka sa 'kin" lumapit ako sa kanya ng dalawang hakbang at tinutok ang baril sa puwesto ko ngunit hindi nakakatutok sa 'kin kundi sa likodan ko

Pag lingo ko sa likod ko nakita ko si Kalbo,masama ang tingin niya kay Derfla

"Derfla anong ibig sabihin neto?!" Galit na tanong ni Ramos

"Surprise!" Nakangising sabi ni Derfla

"Hayop ka Derfla! Patayin n'yo yang dalawang yan!" galit na sabi ni kalbo

Ginawa naman ng mga lalaki ang sinabi ni kalbo at tinutukan kami ni Derfla ng baril,hinigit din ako ni Derfla papalapit sa kanya

"D-derfla mamatay tayo" utal na sabi ko dahil sa takot

"Kagaya ng sinabi ko sa'yo kanina,hindi pa ito ang kataposan" sabi neto

"Iputok n'yo na!!!!" sigaw ni kalbo kaya napayakap ako kay Derfla pero nagulat ako nang wala man lang akong marinig na putok ng baril

Dahan dahan akong bumitaw sa pag kakayakap kay Derfla at nilingon sila,makikita mo ang galit at inis sa mukha ni kalbo

"Anong nangyare?!" Galit na sigaw ni Kalbo

"Boss hindi po gumagana ang mga bala" nag salita ang isa sa mga tauhan niya

"Gaya ng sinabi ko,surprise!!" Ngising sabi ni Derfla

Derfla's POV

*Flashback

Bago ako bumalik sa school ay kinausap muna ko ng papa ni Assyla

Protecting The Mafia's Daughter (Completed)Where stories live. Discover now