Chapter 18 (The Return of Alfred Adamson)

376 29 0
                                    

Derfla's POV

"Sir,siguro kailangan ko nang bumalik sa school,ok lang po ba?" sabi ko sa papa ni Assyla

"Oo naman matagal ka rin nawala dun tsaka napag usapan na naman natin ng maayos ang plano at sa tingin ko ito na din ang tamang oras para bumalik ka,ingatan mo ang anak ko ha protektahan mo siya,ikumusta mo na lang ako sa kanya at ipaliwanag mo lang din kung bakit di pa kami pwedeng mag kita" mahabang bilin ni Sir Faton

"Ako na po bahala sa anak niyo sir wag kayong mag alala,cause one of my mission is to protect her no matter what happen" nakangiti kong sabi dito

"Tito na lang,masyadong pormal ang sir Hahahaha" biro pa nito sa'kin

"Opo tito hahahaha" sabi ko dito at umalis na

Buwan din akong nawala dahil bumuo kami ng plano ni Sir Faton este tito, plinano namin ang lahat ng pwedeng mangyare kay Assyla at masaya ako na makikita ko na ulit siya,nabalitaan ko kasi ang mga nangyare sa kanya kabilang na dun ang pagtatangka sa buhay niya doon sa mall pati na rin yung pag tama sa kanya ng bola,lahat ay alam ko dahil pinasusubaybayan ko siya kay Cessi dahil alam kong wala pang sapat na lakas si Essylrahs para protektahan siya pero malaki ang tiwala ko kay Essylrahs dahil kitang kita ko na desidido siya na protektahan si Assyla kaya di ko mapigilan ngumiti at maisip na napamahal na agad siya kay Assyla sa mabilis na panahon

Walang pwedeng mangyari sa kanya habang nakatayo ako

'Im Alfred Adamson,my mission is to protect her,to protect The Mafia's Daughter'

Alyssa's POV

Pumasok ako kahit medyo masakit pa ang ulo ko pero nawala na din naman ang bukol kaya sa tingin ko ay ok na ko

Pag dating naming tatlo sa room madami nang gamit doon na pwedeng pandekorasyon at nakalagay ito sa box

Lahat ay nagulat nang biglang may mag salita

"Ok class walang tayong palitan ngayon dahil mag dedesenyo tayo ngayon ng field at stage at dahil pumasok kayo at makakatulong kayo sa pag design ng field ay may plus grade kayo sa'kin" Pag bungad agad ni Ms. De Leon

"Buti na lang pala pumasok tayo" bulong ko kay Essylrahs

"Oo nga eh" tanging sabi niya

"Ok class tara na sa field para makapag simula na tayo at maaga tayong matapos"

*at the field

May kanya kanyang ginagawa ang mga kaklase ko ang iba ay gumagawa ng mga nakakatakot na mukha ang iba naman ay na ca-calligraphy para idikit sa dingding ng stage

"Assyla paki dikit naman to dun sa taas oh,di ko kasi abot eh" utos sa'kin ng kaklase kong maliit

'Tsk.Kung mag hagdan ka kaya'

At syempre dahil dakila akong plastik ay sinunod ko na lang ito

Umaakyat ako ng hagdan para idikit tong kalabasa na may mukha,wala akong pake kong ano tawag dito

Dahan dahan akong umakyat sa hagdan para maidikit ito

"Dito ba?" Tanong ko sa kanya sabay turo ng isang parte

"Hindi diyan,taas mo pang kunti ipantay mo dun kagaya ng sa kabilang sulok" sabi nito

"Sino ba nag kabit sa kabila? Dat yun na lang din ang pinagkabit niyo dito eh" bulong ko sa sarili ko

Binanat ko ang kamay para madikit ko yung kung ano mang kalabasa pero di abot kaya tumingkayad pa ko,nang madikit ko na ito ay agad akong huminga ng malalalim pababa na sana ako ng bigla nadali ng kaklase ko ang hagdang inaapakan ko at na out of balance ako.

Protecting The Mafia's Daughter (Completed)Where stories live. Discover now