CHAPTER 14

5.2K 145 13
                                    

CHAPTER 14

Isang linggo na ang nakakalipas mula nang makabalik kami mula sa Guimaras at walang araw na hindi pumunta sa bahay si Ken. Tulad ng dati ay laro ang bonding namin, PS4 at basketball ang kadalasan, hindi naman kasi kami mahilig pareho sa mga online games.

“Two weeks na lang at magpapasukan na.”, sambit ni Ken habang naglalaro kami ng NBA2k15 sa PS4 ko.

“Oo nga no? Nga pala, balita ko e hindi na raw tutuloy si Aldrin papuntang ibang bansa. Tatapusin na lang daw niya muna yung studies niya rito.”, sambit ko naman.

“Narinig ko nga rin.”, tugon niya na parang hindi masyadong pinagtuunan ng pansin. “Nga pala, isang linggo na pero hindi pa rin nagpapakita sa atin si Ram a.”

Oo nga pala. Mula nung gabing iyon ay bigla na lang siyang naglahong parang bula, nang dalawin ko naman sa bahay ay wala raw siya doon at pumunta raw sa Mama niya na nasa Japan na, doon na kasi bumuo ng bagong pamilya.

“Hey. You okay?”, si Ken na nakahawak sa akin ngayon. Ngumiti lang ako sa kanya at ginulo ang buhok niya para sabihing ayos lang ako.

“Have you heard anything from him?”, tanong sa akin ni Ken.

“he went to Japan daw. Yun ang sabi sa akin nung lola niya.”, medyo balisa kong sambit.

“So alam mo na rin pala yun.”, si Ken na matamlay ang pagsabi.

“You know something?”

“Well, yeah. Ram withdrawn his files sa school and sa Japan niya na raw ipagpapatuloy yung studies niya. I don’t know what happened between the two of you that night pero gusto ko na lang isipin na mas kaya mo na akong mahalin dahil wala na siya.”

“What are you implying?”, pagmamaang-maangan ko.

“I am not stupid Aries, alam kong may gusto ka sa kanya. But now, you are mine and only mine dahil wala na siya.”, sambit ni Ken na suot ang ngiting punong-puno ng pang-aakit.

“Bakit ba kung makapagsalita ka e parang hindi natin kaibigan yung tao?”

“All I care for now is that you will be mine.”

“What? Hindi ganyan ang Ken na kilala ko.”, nafufrustrate ako sa sinasabi niya kaya ipinasya kong lumabas na lang muna ng kwarto para kumuha sana ng tubig pero bago pa ako makalabas ay niyakap niya ako mula sa likuran ko.

“Sorry. I know that you have been friends for so long kaya ganyan ka magtrato sa kanya pero hindi ko lang kasi maiwasang magselos lalo pa’t kasama kita ngayon pero alam kong tumatakbo pa rin siya sa isip mo.”, pagpapaliwanag sa akin ni Ken. Hindi pa rin mawala ang inis ko sa kanya pero siguro nga ay nagiging unfair na ako sa kanya.

“Pasensya ka na rin pero sige, kakalimutan ko muna ang kalagayan ni Ram para sa iyo ang focus ko pero sana wag mo akong madaliin na maging tayo kasi hindi ito madali para sa akin.”, pilit na ngiti ang binigay ko kay Ken kasabay ng pagsabi ng pangako sa kanya.

First day of my Last Year in College.

Hindi ko ineexpect na aabot ako dito na mayroong full academic scholarship at love life. Alam kong hindi pa kami official ni Ken pero with the rate that we are going e hindi naman malabo iyon kaya lang ang friendship ko kay Ram ang naging kapalit ng lahat ng ito. Namimiss ko na ang isang iyon sobra.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon