CHAPTER 15

5.4K 160 19
                                    

A/N


This chapter and the one that follows it will pose very very little conflict. Medyo ayoko kasi munang magpakabitter sa kwento ng ating mga bida dahil sa mga nakakastress na pangyayari sa personal kong buhay. :)

Nga pala, gusto ninyo ba ng "medyo" graphic description ng love scenes? 

Kapag walang may gusto ay hindi ko na gagawin at magpapakawholesome ako as usual. :-D

Hope you will enjoy this. :)

********************************************************************************************************

CHAPTER 15

“I’ll drive you home a.”, sambit sa akin ni Ken habang kumakain kami.

We have decided to get our meals in a nearby fastfood chain bago umuwi, namiss niya daw ako kaya sagarin na raw namin yung oras na magkasama kami. Napangiti naman ako kasi akala ko e nagbago na talaga siya ng pakikitungo sa akin.

“Thank you nga pala sa makapigil-hiningang pakulo mo kanina.”, nakangiting sabi ko kay Ken habang kumakain kami.

“Don’t mention it. Medyo palpak nga e, ang tapang mo naman kasi.”, natatawang sabi nito.

“E nag-taekwondo kasi ako nung bata ako kaya kung mga mano-manong away lang naman e pakiramdam ko ay may edge ako.”, pagmamayabang kong sambit. “But seriously, I appreaciated the effort though kailangan ko pang mag-adjust kung lagi kang may mga pakulong ganyan, naaawkwardan pa rin kasi ako e.”

“Ok lang kahit matagalan ang adjustment mo.”, at pinisil ni Ken ang ilong ko. I was reminded of Ram because of that gesture, siya lang kasi ang gumagawa sa akin ng ganon.

“Malalim na naman yata ang iniisip mo d’yan.”, pagkuha ng atensyon ko.

“Malalim ba? Naiisip ko lang kasi kung paano nangyari yung ganito. This for me is surreal.”

“That can’t be avoided. Ang gwapo nung kasama mong magdinner e.”, at humagalpak ng tawa ang kolokoy.

“Last mo na iyan a.”, at tumawa na rin ako.

“Bakit? Hindi ba ako gwapo?”, pagpapakyut ng loko.

Dahil sa tanong niya ay ininspeksyon ko ang kanyang itsura, asset niya talaga ay ang singkit niyang mata na halos di na makita sa tuwing ngingiti siya, ang kanyang buhok ay may pagkatayo, ang ilong ay hindi naman pango pero hindi ganoon katangos, mga labing maninipis at ang balat na ubod ng puti. I can say that he is really attractive, siguro nga maraming naiinggit sa akin na babae at bading pero I think they can say the same with him. Ang pogi ko kaya.

“Naiinlove ka na naman sa akin lalo.”, biro niya sa akin kahit na pansin sa mata niyang hindi natitinag sa pagtitig sa akin.

“Matunaw ako niyan.”, pang-aasar ko sa kanya.

“Feeling…”

“Pogi lang talaga ako kaya nga grabe ka makapagbakod e.”, natatawa kong sabi sa kanya. Mas lalo pa akong natawa dahil namula si loko.

“Kelan mo pa nasabing gusto mo ako?”, nacucurious kong tanong.

“Sa totoo lang, hindi ko rin alam. Basta may punto na lang na naiinis ako pag nakikita kita hanggang sa lagi na kitang gustong makita”, pag-amin niya.

Oo nga pala, there was this point na lagi siyang nakasinghal sa akin.

*FLASHBACK*

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon