CHAPTER 20

4.6K 144 7
                                    

CHAPTER 20

“So honey now, take me into your loving arms. Take me under the light of a thousand stars…”

Parusang mp3 player ito, sa dami ng kantang patutugtugin e ito pa ang piniling kanta sa dami ng pwedeng ishuffle. Ibato ko kaya ito sa lahat ng sweet na magsyota dito sa mall sabay sigaw ng ‘maghihiwalay din kayo!’. Lintik kong utak e ayaw pang tumino habang yung puso ko e nakaluksa pa rin.

May tatlong araw na rin simula nung makita ko ang mga bagay na hindi ko na sana nakita, mga eksenang nasa utak ko lang pero tang*** lang talaga e.

“Tao po!”, naririnig ko na naman ang pagtawag ng taong sobrang nanakit sa akin at sa pride ko. Walang araw na hindi siya pumunta rito sa bahay pero hindi ko pa kasi alam kung paano siya haharapin, ayoko namang sapakin siya ulit dahil sa tigas ng mukha niya e baka masaktan lang ang kamay ko.

“Aries!!! Hindi ako aalis dito hangga’t di ka lumalabas!”, ang putek na kumag na ito e sumigaw pa talaga? Nakakapuno ang tinapa.

Nagtakip ako ng tenga gamit ang unan ko para di ko marinig kung may sasabihin pa siya. Ilang saglit pa ay may kumakatok sa kwarto ko.

“Anak, pakibukas itong pinto mo.”, si Manang.

Binuksan ko naman ang pinto agad pero nagulat ako sa nakita, ang taong kanina lang ay sumisigaw sa labas ng bahay ay nasa puno na ng pintuan namin.

“Kung anumang pag-aaway ang meron kayong magkaibigan e dapat mapag-usapan ninyo na. Daig ninyo pa ang magsyota e, parang LQ lang.”, si Manang na tinugon ko lang ng tango ang sabi niya. Ayoko na lang kasing gumawa pa ng eksena sa harap ng yaya ko dahil baka atakehin pa kung malalaman niyang magsyota kami ni Ken…dati.

Pinatuloy ko si Ken sa kwarto ko at pinaupo sa kama.

“Bakit ka nandito?”, pagtatanong ko sa kanya. Wala akong emosyong gustong ipakita sa kanya dahil baka hindi masakop ng kahit alin man sa maipapakita kong ekspresyon ang pakiramdam ko ngayon.

“G-g-g-gusto ko lang humingi ng tawad.”, si Ken habang nakayuko.

“Dahil?”, wala pa rin akong emosyon sa tanong na ito.

“Dahil nasaktan kita?”

“Nagsisi ka ba na niloko mo ako o nagsosorry ka lang kasi nahuli kita?”, naiinis kong sambit.

Hindi siya kumibo pero alam ko na ang katahimikan niya ay dahil sa alam niyang kahit ano man ang sabihin niya ay may mahahanap akong butas, may mahahanap akong mali.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya, isang halik na marahas at kasabay nito ang pagmamadali ko sa pagtanggal ng kanyang pantalon. Pinigilan niya ako ng akmang ibababa ko na ang zipper niya. Nagawa niyang pigilan ang kamay ko pero ako, hindi ko napatigil ang pagpatak ng luha ko.

“Bakit Ken? Bakit mo yun ginawa?”, sumisikip ang dibdib ko dahil sa pagpigil ng luha habang nagtatanong sa kanya. Kuyom ang palad ko na para bang handang ibigwas sa kung ano at sino pero mali daw na gawin iyon sabi ng puso ko.

“Sorry Aries. Sorry talaga pero sana isipin mo lang na mahal na mahal kita.”, sa puntong iyon ko lang nakita na umiyak si Ken. Hindi siya iyakin at lalong hindi siya emosyonal pero ngayon habang hawak niya ang kamay ko ay alam kong ako pa rin ang nasa puso niya.

“Siya ba, mahal mo?”, tanong ko at narinig kong tumahimik ang buong paligid. Ultimo tibok ng puso naming dalawa ay rinig ko dahil sa katahimikang bumabalot sa amin.

“Hindi ko alam…”, sinasabunutan niya na ang buhok niya. Unti-unting nagsisink-in naman sa akin ang mga salita ni Ken na para bang sinasabing mahal niya rin si Aldrin. Ang sakit lang talaga nito.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon