CHAPTER 21

4.6K 144 5
                                    

"Good morning Ar!", bungad sa akin ni Ram na para bang ang presko ng itsura niya.

"Good morning din. Dito ka ba natulog kagabi?", tanong ko sa kanya dahil nung nagising ako ng madaling araw ay wala siya sa tabi ko.

"Hindi po. Umuwi ako kasi walang kasama si lola sa bahay kagabi.", paliwanag niya sa akin.

"I see. Nga pala, akala ko sa Japan ka na mag-aaral e anong ginagawa mo sa Pinas?", tanong ko sa kanya habang nag-iinat.

"Nagtransfer lang ako sa probinsya kasi nabasted ako pero hindi ko kayang hindi makita yung one and only ko kaya bumalik ako dito.",tapos ay nagpapacute si kumag. "Nga pala, lalabas tayo mamayanggabi a."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa langit.", at nakangisi si mokong. Ito rin yung parehong ngisi na binibigay sa akin ni Ken tuwing magyayaya siya ng... oh no!

"Huy! Anong balak mo? Hindi ako papayag!!!", pagmamaktol ko kasi una, wala ako sa mood at pangalawa, ahmm... ay! Wag na nga lang sabihin!

"Bakit ba sumisigaw ka d'yan? Umo-OA ka na naman a.", nakaflash na naman ang close-up smile niya. Pakainin ko kaya ito ng maraming chocolates para masira ang ngipin.

"Ano bang langit yung sinasabi mo?"

"Ano bang langit ang nasa isip mo?", unti-unting lumalapit ang mukha niya sa mukha ko pero sa puntong maglalapat na ang labi namin ay iniiwas ko ang mukha ko. Nakita ko kasi ang mukha ni Ken at sa tingin ko e si Ken pa rin ang hinahanap ng utak ko.

"Ayaw mo na ba talaga sa akin?"

"Hindi ko alam pero ang alam ko e hindi pa ako handa.", nakatitig ako sa mga mata niya at banaag ko ang lungkot sa mga ito.

"Ano ka ba? Ok lang sa akin. Ok na ok lang kaya wag kang mag-alala", at kinurot niya ang ilong ko at ngumiti.

Ngumiti na rin ako at napagpasyahan muna naming magbola sa may malapit na court at tulad ng dati e lampa pa rin ako, hindi ko nga alam kung bakit pa siya nagtitiyaga na kalaruin ako e hindi naman talaga ako shooter.

.

.

.

Pumatak ang alas-siete ng gabi at pinag-aayos na ako ni Ram para sa pagpunta namin sa kung saan man iyon. Mabilis lang ang naging pag-alis namin papunta sa hindi ko alam.

"Saan ba tayo pupunta?", tanong ko sa kanya.

"Sa lugar kung saan ka makakaganti.", nakangiti niyang sabi.

"What do you mean?"

"Nalaman ko na magkikita si Aldrin at Ken ngayong araw at sa lugar na iyon kaya pakatatag ka dyan.", nakita ko sa mata niya na parang mas excited pa siyang makaganti kesa sa akin.

"Bakit mo ginagawa ito?"

"Kasi kaibigan kita, kasi bago pa kita minahal o bago pa man maging kayo ni Ken e kaibigan kita."

"You don't have to do this.", sambit ko dahil gusto ko siyang idiscourage sa gagawin namin.

"You don't have to be so stubborn like that.", seryoso siya sa tugon niya.

Tumahimik na lang ako at hinayaan ko siya sa pagmamaneho niya pero paminsan-minsan ko rin siyang sinusulyapan para malaman ko kung ano ba ang tumatakbo sa isip niya. Tumapat kami sa isang bar, simpleng inuman place lang ito na mayroong live band pero ang alam ko e sikat ito dahil sa murang drinks at masarap na pagkain.

Pagpasok pa lang namin ay nakilala na agad ng waitress si Ram, mukhang madalas ito dito pero bakit hindi ako sinasama dati?

"Sa may bandang sulok kami.", sabi ni Ram sa waitress.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon