CHAPTER 23

4.7K 138 10
                                    

CHAPTER 23

Nagmadali akong sumugod sa ospital, ewan ko ba kung bakit ganito pero sobrang kabog ng dibdib ko. Ito yung tipo ng kabog na badtrip sa lakas at OA sa pagnginig sa kaluluwa. Amputek lang talaga.

“Miss, saan po yung kwarto ni Kennedy Romero?”, tanong ko sa hospital staff na nasa receptions.

“Uhmm…”, chinecheck nung nurse yung records nila at dahil sa kanya e naniwala ako sa forever, parang yun kasi ang kailangan kong hintayin para lang mahanap niya ang pangalan ni Ken.

“Sir, room 304 po.”, nakangiting sabi sa akin nung nurse.

Matapos kong marinig ang numero ng kwarto ni Ken ay agad akong sumugod para makita siya. Alam ko dapat galit ako pero may kung anong nagsasabi sa puso ko na dapat ko ng kalimutan ang lahat kesa mawala ng tuluyan sa akin ang taong mahal ko.

Nang makarating ako sa kwarto ay saka ko lang naalala na may kasama pala ako sa pagpunta dito, si Ram na ngayon e nakahawak sa kamay ko habang ako e nakahawak sa door knob.

“Napatawad mo na siya agad?”, may tunog ng pangongonsensya ang sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit parang pakiramdam ko ay sobrang nalulungkot siya, hindi ko lang rin kasi matantiya kung protective siya sa akin dahil kaibigan niya ako o dahil mahal niya ako.

“Hindi ko ba siya dapat patawarin?”, tanong ko na parang hindi nakatukoy kay Ram kung hindi sa sarili ko mismo. Hindi siya sumagot bagkus ay tumalikod siya sa akin at nagsabing magpapahangin lang siya. Sa puntong iyon e gusto ko siyang pigilan at sabihan na umalis na kami kung iyon ang gusto niya pero maging ang utak at puso ko e hindi sigurado kung matitiis ko bang hindi malaman kung anong nangyari kay Ken. Hinayaan ko na lang siyang umalis at tinuluyan ko ng buksan ang pinto ng kwarto kung saan nakaconfine si Ken.

.

.

.

“Buti naman dumating ka na. nakatulog na siya sa kakahintay sa iyo.”, nakangiting sabi sa akin ni Aldrin na halata sa mata ang pamamaga, hindi ko alam kung puyat ba ito o kagigising lang pero ang sigurado ko lang e maga ang mata niya. May tono rin ng lungkot ang tinig niya.

 

May sense of awkwardness sa pagitan naming dalawa dahil para sa akin e hindi ko matanto kung paano ba kakausapin ang taong nasa harap ko, gusto ko siyang sapakin ngayon lalo pa at  hindi pa ako nakakaganti sa kanya sa mga sinabi at ginawa niya sa akin. Tumalikod na lang ako at nagpaalam na babalik na lang ako kapag nagising na si Ken pero bago pa man ako tuluyang makalabas ng kwarto ay nagsalita si Aldrin…

 

“Pwede ba tayong mag-usap?”, nakatitig lang ako sa kanya habang sinasabi niya ang mga katagang ito. Gusto kong sabihing ayoko pero ayoko namang maging bastos o walang modo sa dati kong kaibigan.

 

“Alam kong ayaw mo pero saglit lang naman ito. Pumayag ka naman na sana.”, pahabol pa niyang sabi, nakita ko ang sinseridad sa mga mata niya kaya tumango na lang ako at sumama sa kanya papuntang smoking lounge ng ospital.

 

Uneasy pa rin ako sa presensya niya at parang hindi maganda talaga ang ideya na makipag-usap sa kanya ngayon.

 

Sinindihan niya ang yosi niya at inalok niya sa akin. Kumuha ako at nang sisindihan ko na ang yosi ko e parang ayaw pang magsindi ang lighter, hindi ko alam tuloy kung epekto ng hangin o sadyang nawawalan lang ako ng focus.

MULI (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon