chapter twelve

48 0 0
                                    

"Baby-Rj, pabili naman ng tubig sa cafeteria oh." Sabi ni Anjila sakin. Tubig? Di na coke? Inabot nya ang 500 peso bill nya sakin. Na bagong bago, parang kaka withdraw lang. Nasa porch ako, tambay lang, nagpapahinga ng kamay kaka take note. Kahapon pa ang mga teachers ganyan. Puro pa take notes! Ano pang silbi ng pagbili namin ng libro? Tsk..

"Walang sukli ang cafeteria." Tukoy ko sa pera nya. Pero gawa gawa ko lang yan. Alam ko maraming sukli ang cafeteria. Sadyang ayoko lang pumunta sa isinumpang lugar na yun. Baka malasin na naman ako for the third time.

"Meron yan! May sukli nga sila ng 1k kahapon e." Pagpupumilit nya. Napairap ako. Natalo ako. Nag-iisip na sya ngayon. May isip na sya!

"Sige naaaaaaa~ please?" Nag puppy eyesㅡ mali. Nag baboy eyes sya sakin. Gah, pasalamat sya naaabalidbaran ako sa kanya.

"Mahal ang fee ko." Ako sabay kuha ng pera sa palad nya, sounded defeated.

"YES! KAHIT MAGKANO! BASTA PUMUNTA KA LANG SA CAFETERIAㅡ Ayy, nauuhaw na ako. Pasok na ako sa room." Tumawa sya ng hilaw at kumaripas ng takbo papasok sa room. Iligtas nyo ang mga sarili ninyooooooo~ Eh? Ano yun? Tsaka bakit parang gusto nyang pumasok ako sa cafeteria?

Oh sya, bumaba na ako ng building namin para mabilhan na ng tubig ang Mahal na Prinsesa ng mga baboy. Ipa hire ko na kaya siya sa Angry Birds bilang baboy? Pero papalitan ko muna yung palamunin na King nila.

"I checked out my twitter last night!"

"And?"

"May nagma may-ari na ng puso ni Wangjanim Lit!"

"Oh mayy~ whose the lucky girl?"

"He twitted about RJF kagabi e."

Di sa chismosa ako ah, sadyang nahagip lang ng tenga ko ang voice waves nila. Ssarots. Wangjanim Lit? That's Lithium Castell Perez. He's called wangjanim [prince] sa school dahil sa talino nya. Maraming titles sa NVU-High. Prince ng katalinuhan, ng kalokohan, pagka gwapo- lahat na. Ano bang trip ng eskwelahan na itoh?

Pagdating ko sa cafeteria, konti lang ang mga students na nakita ko. Kunsabagay, class hours pa. Ewan ko lang sa mga students na ang palusot ay mag c-cr daw pero sa cafeteria pala talaga ang punta.

"Bottled water po." Sabi ko sa staff at binigay naman nya agad ang tubig na binili ko, at inasikaso ang ibang bumibili. Maki kita mo Anjila Sy, dapat maubos mo ang isang litrong distilled water na itoh!

"Bakit ka andito?" Tsk, ang dami ko atang naririnig ngayon. Mutant na ba akong matatawag? Binalewala ko nalang ang pamilyar na boses na narinig ko. At lumakad na sana paalis, kaya lang..

"Hoy babae, kinakausap kita." At dun ko lang na realize na ako pala ang kinakausap dahil hinawakan nya ako sa braso at pinilit na lingunin sya.

"Kamusta?" Awtomatikong tumaas ang kilay ko (lagi naman) sa tanong nya. Magkakilala ba kami? Wait, namumukhaan ko sya.

"Di ba kita napalaki ng maayos? May pagkukulang ba ako?"

"Asan na ba ang instant noodles?!"

"Sino yan?"

"Ano naman yang nabingwit mo, Rae? Basag-ulo!"

At parang pelikula lang nag flashback ang scene na yun. Ano nga ang pangalan nya? Tsk, patulong na ako kay Kecy sa pag memorize ng names.

"Matanong ko lang, Kelvin"

Behind Her SilenceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon