chapter thirty-one

27 1 0
                                    

Kinaumagahan..

Rae Jinri Ferrer

"So as a punishment, both of you will have disciplinary action." Drum rolls. Expel ba? Wala akong dinalang guardian sa D.O baka masapak pa ako ng wala sa oras. Napatingin ako sa kasama ko sa room. Chill lang sya, naka poker face kay Ms. Danak. Kung expel man, pano ko sasabihin sa mga kuya ko? At saan naman ako mag-aaral? Waaahhh~

"Detention for 1 month." Better na rin. Pero detention? Kasama si Martinez na manggagamit?

"And you'll have that every Saturday. Please proceed to Mr. Urbina every Saturdays to know your punishment." Halos mapahilata ako sa couch ng D.O. Okay, exagg. Kase naman ihhh! Apat na sabado yun! Kasama pa si Martinez. Marunong ba syang maglinis ng banyo? Ang flawless nga ng kutis nya e. Tapos de manicure at pedicure pa. Edi ako gagawa ng mga gawain?! Oh no.

"You may now proceed to your respective classrooms. AND! NO PDA. Okay?" PDA sya dyan. Nagpaalam na ako sa kanya at palabas na sana kaso, "Sorry if I can't control my feelings for her." Hu-wattt? Tumakbo na ako. Di ko kinaya yun, di ko ma take! Papunta na sana ako sa cafeteria kaso nabangga ako sa wall. Ang sakit ng forehead ko. Aish. T-teka, bakit— si Lithium.

"What happened?" He asked as he observe me massaging my forehead. Ah-eh. Ano bayan, di ko alam ang sasabihin. Alam nya naman ata na bumangga ako sa likod nya.

"About the other day—" I stopped. Teka bakit ako mag so-sorry? Kasalanan ko ba ang nangyari nung nakaraan? Ahh, nakita ko sya na malungkot nun. Tsk.

"I.. I decided to let you go." Napatingin ako sa kanya. Nakatingin sya sa sapatos nya. Did I heard it right?

"Di lahat ng pag-ibig ay nasusuklian." Dagdag nya. I saw a glint of sadness in his eyes. At alam ko na ako ang dahilan. Ang bigat naman sa pakiramdam, may nasaktan akong tao. I wanna console him but that will only make the situation worse.

"But that doesn't mean I'll stop my feelings for you. Even if it's one sided, you're still my Rae Jinri Ferrer." He leaned and kissed my forehead. Namilog ang mata ko.

"See you around, then?"  Napa nod ako unconsciously. He let me go? Hawak nya ba ako?

"Uyy, ano yun?" Biglang sulpot ni Kelvin kung saan. May dalang kape na galing atang Coffeebay at hawak ang phone. May phone pala toh? Bakit di nya parin ako binabayaran? I looked at his phone. Aba, pinicturan nya yung kanina.

"Ewan ko sayo." With that I left him. Hmmm, gusto kong kumain ng turon.

~*~

The day went well, di nag-iingay ang mga baboy which I find very unusual. Okay lang ba sila? But I didn't got to ask them dahil...

"Waaaaahhh~ ang pogi ng bago nating classmate!" Sigaw ng Class Mayor namin na si Masho pag umaga, Masha pag gabi, pagka pasok nya palang sa room. Nag hysterical naman ang iba naming classmate—lalo na ang mga baboy. They're back to their normal selves again. Nag simula na silang mag retouch at mas pina ikli ang mga skirts nila. Bakit kaya ganun? Legs lang ba ang gusto ng mga lalaki? Yung boys naman, ayun. Laro pa rin ng laro, mga pasaway parin. At ang katabi ko na si Fritz ay busy sa magazine nya. Ahh, break na pala sila nung jowa nya na taga SC. What's her name again? Aish, that girl's name isn't worth remembering kaya pabayaan na lang. Naalala ko na sya yung kasama ni Tyra. Tch.

"Tigilan mo na yan, Fritz. Baka mahuli ka pa."

"WAH!" Okay, gulat na gulat sya. Pfft. Gusto kong matawa sa reaction nya. I got my phone at pinicturan sya. Sabi nya na i-delete ko raw. But I don't have any plans posting it to social media kaya tumigil na sya. Sinabi ko nalang na remembrance. Tinignan nya pa ako ng masama pero nag sulat nalang sya sa notes nya ng kung anu-ano. With that, dumating sa picture ang homeroom teacher namin, kasama ang transferee.

Behind Her SilenceWhere stories live. Discover now