chapter twenty-nine

25 0 0
                                    

Kelvin Faber Perez


"Ibigay mo na kase, ang dami mong satsat." Naiinis kong sabi. Nakaka asar na toh ah.

"Ah.. eh.. b-bakit?" Bwesit. May speech defect ba tong ulupong na toh?

"Tanong pa, sasapakin na talaga kita." Banta ko. Nakakaasar.

"Kelvin?" Napalingon ako sa tumawag. Aba si Pareng Rollyn. Pinagpagan ko ang polo nitong kanina ko pa kausap. Ano nga bang pangalan nito? Binasa ko ang name plate nya.

"Sa susunod na mahuli pa kitang namboboso ulit, bubugbugin na talaga kita. Pasalamat ka at andyan si Rollyn. Tandaan mo yun, Fritz ah?" I smiled, an evil one. I gave him one last glare at yun, kumaripas na sya ng takbo. Nadapa pa sya. Tsk.

"Ano yun, Kelvin?" Tanong nya nung nakalapit na sya sakin. Napakamot ako ng batok. Deny lang Kelvin.

"May kailangan po ba kayo, Teacher Ferrer?"

"Uhh. Hinahanap ko si Bunso, di ko kase sya macontact. Kung makita mo sya, papuntahin mo sa homeroom ko  ah?" With that, he left. Ayun, lumakad nalang ako nang pasipol-sipol pa. Haayy, asan na ba yung babaeng yun? Ackㅡ  at bakit ko sya hinahanap? Ahh, pinapahanap nga pala sya sakin. Saan ba yun sumout? Di pa dinala yung phone nyang bulok. Napatigil ako nung napansin kong nasa harapan na ako ng sports complex ng school, sa swimming area.

"Huy, ikaw!" Tawag ko sa babaeng nakita ko na may dalang mga papel. She pointed herself sabay sabing 'ako?' Napakunot ang noo ko. Sino pa ba ang sa tingin nyang kausap ko? I motioned her to come. Kahit na nalilito ay lumapit naman sya.

"Pumasok ka dun." Sabay turo ko dun sa swimming pool. Napa 'eh?!' sya. Letsugas yan. Pareho sila nung babaeng yun. Tinulak ko sya sa loob. With that, nagpatuloy ako sa paglalakad. Kung pumasok nalang kaya ako sa klase ko? Ahh, ayoko na pala sa section ko.  Ang raming mga bakla dun.

~*~

Rae Jinri Ferrer

Tila binagsak sakin ang mga planeta sa solar system sa baba ng balikat ko. Samantalang itong kasama ko naman, ahh. Wala akong pakealam sa kanya. Kasalanan nya lahat ng toh. Binilisan ko ang lakad ko patungong library.

"Rae Jinri!" Tawag sakin ni Martinez. Pero di ko sya nilingon. Waaahhh~ ano nalang ang ipapalusot ko kay Rollyn?

"Tell your guardian to meet me tomorrow."  Teacher Ociones' words lingered to my thoughts. Pano na??

"Huy, babae." Isa lang ang alam kong tinatawag akong ganyan. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa nagsalita. Napa poker face ako.

"Huy, lalaki." I retorted. Isa pa toh. Tsk. Inirapan nya lang ako at biglang inakbayan.

"T-teka, san mo ako dadalhin?" Pero wala akong nakuhang sagot. Lage naman.

~*~

"TEACHER." Napa aga ata ang pagharap ko sa kanya. Napalunok ako. Ngumiti ako kay Rollyn. Sana naman di nya mahalata na pilit. At bakit andito pa sya sa homeroom nya?

"Nahanap ko na po sya. Pano ba yan, una na ako." Parang mas gusto kong dito nalang si Kelvin. Kahit na binabanas nya ako, okay lang. Wag nya lang akong iwan sa mga kamay ni Rollyn. Uwaaahhhh~ Humawak ako ng mahigpit sa manggas ng polo nya. Bigla naman nya akong nilingon na nakataas ang kilay. Binigyan ko sya ng pleading look. Ngayon ko lang toh ginawa sa tanang buhay ko. He suppressed himself to laugh. Augh, napa balik sa poker face ang peg ko. Kainis naman.

"Kelvin Faber Perez." Napa tigil kami sa staring contest na nagaganap at napatingin pareho kay Rollyn. Nag iba ang expression nya.

"Bakit ka nga pala naka akbay sa kapatid ko?" Nataranta naman kaming dalawa at lumayo sa isa't isa. Narinig ko pa ang kantsawan ng mga students ni Rollyn.

"The thing is.." Panimula ni Kelvin. Wait lang.. is it just me o talagang may nakatingin sakin? I suddenly feel the chills. Lumingon ako sa paligid. And there, si Lithium. He looks so sad and.. I felt guilty. Nag tagpo ang mga tingin namin at agad syang umiwas. He then walk away.

"Nakita ko sya na kasama si Martinez." He smirked. Doom's day.

"At kelan ka pa kumekerengkeng?!" Napapikit ako sa lakas ng boses ni Rollyn. Napalabas ng room ang class nya, samantalang si Kelvin naka upo lang sa desk ni Rollyn. Tsk.

"Luluhod ako sa asin pagdating natin sa bahay," I said.

"Kung di dahil kay Kelvin, I wouldn't know this!" Binigyan ko ng death glare ang gunggong. He just smirked instead. Tsk.

"Mula ngayon, sa kanya na kita ipapa bantay! Understood?" HUWAT?!

"UNDERSTOOD?!" Halos mapatalon ako sa gulat. I meet Rollyn's gaze, ayun may imaginary na umuusok ang ilong at tenga. Nag nod ako bilang sagot. I can't seem to find my voice. Leshe kasing measurement to eh. Sinabi ni Rollyn na bumalik na kami sa klase, which is sinunod naman namin. Habang naglalakad, di ko maiwasang tignan ng masama si Kelvin.

"Oh? Napo-pogian ka na ba sakin?" Napairap ako. Gago.

"Di ko alam na mahangin ka pala." I lazily retorted. Di nya pinansin ang sinabi ko. Tch. Nag stop kami sa room ko.

"Kung wag nalang kaya tayong pumasok?" Ano?! Eh kung bumagsak ako? Sinong mag-s-suffer?

"Punta tayong District 9." Sabi nya. Napataas ang kilay ko. District 9. Yung tambayan ng mga sugarol. Magsusugal kami? Wala akong pera.

"Mag-isa ka."

"Kung sa Eating District nalang kaya?" Augh, may naalala ako sa letsugas na Eating District na yan.

"At sino na naman ang mag babayad?" Napakamot sya sa ulo. Tsk.

"Edi dyan ka na lang!" Naiinis na sabi nya sabay tulak sakin papasok ng room. Tsk. Pikon ever.

~*~

Behind Her SilenceWhere stories live. Discover now