Chapter 2

872 26 0
                                    


~Black's POV

"...You what? Black, ano ulit 'yong sinabi mo?!" Summit shouted on the other line.

He can't believe what I just told him. Pero ako, naniniwala akong nakita ko talaga si Yrah sa grocery store kanina.

"I said, I think I saw Yrah...Summit she's back," mahinahon kong sabi pero sa kaloob-looban ko ay abot-abot ang hataw ng dibdib ko.

I bet my life, he won't dare believe me. Knowing that he knew what I've been through just to find Yrah again, iisip niyang nababaliw na ako.

"You think?! You really think?! Black, baka nagkakamali ka lang? Imagine this ah, we've been searching for her for almost eight fucking long years but we failed. Big time. Even Declan can't find her! Tapos bigla mong sasabihin na nakita mo siya? Dito? Buddy, magsabi ka nga, nag-aadik ka ba?"

At tama nga ako. He think I'm out of my mind. Napasapo na lang ako sa ulo ko't hindi alam kung paano siya kukumbinsihin.

"Hindi! Gago ka ba?! Bakit naman ako mag-aadik? Totoo kasi ang sinasabi ko, Summit. Try to believe me!"

"Oh, I wish I could. But Black, every words you say seem so hard to believe. Halos mabaliw tayo ng hanap sa kanya pero wala, and now, you'll tell me she's back," halatang naiinis na wika ni Summit sa kabilang linya.

"Summit..."

Wala naman siyang kwentang kausap eh. Bakit ba ayaw niyang maniwala? Is that so hard to believe?

"Hay naku buddy, malala na 'yang kalagayan mo. Patingin ka na sa doktor."

"What?! The hell, Summit?! I told you, she's really back! My eyes were not tricking me!" Iritadong sigaw ko. Sabihan ba naman  akong magpatingin sa doctor?

"Yeah, yeah. Whatever. Basta, payong kaibigan, mag pa-therapist ka na para matigil na 'yang kabaliwan mo sa kababata mo. Mahirap malunod sa nakaraan," sabi niya pa na parang tinatamad na akong kausap.

"Tsk, fuck off."

Pinatay ko na lang ang tawag at si Noriel naman ang tinawagan. This one is better than Summit. Mas matino 'to kausap.

Three rings and Noriel answered me.

"Black, what's the matter? Napatawag ka?"

I heaved deeply first before revealing the same truth that I revealed to Summit. Pero isang minutong katahimikan ang sinagot sa'kin ni Noriel bago niya ako pinatayan ng tawag.

Then he called after a couple of minutes. Pagkasagot ko, isang naghehestirikal na boses niya ang sumalubong sa'kin.

"What the hell did you say, Black?! Yrah's what?!"

Halos mabasag ang speaker ng cellphone ko sa lakas ng boses niyang parang galing sa ilalim ng lupa. Kulang na lang lumabas siya sa cellphone.

"I said, Yrah's back. Noriel, believe me. Alam kung medyo hindi makatotohanan pero——"

"Oh hell, buddy. Wait for me there! Nandiyan na ako!"

"Hah? Ano? Bakit?"

"Kasi baka ano na tinitira mo diyan! Anak ng tinapa, Black. Kung hindi mo mahanap, kalimutan mo na lang! H'wag ka namang tumira ng expired na katol!"

Nagmamadaling sabi niya sa kabilang linya at may narinig akong mga nabasag at nalaglag. Tila ba nag mamadali siya.

"A-Ano? What the hell?! The fuck are you talking about, Noriel?"

Ugh! When I said he's better than Summit, I was so wrong there, because he's worse than Summit! Expired na katol my ass!

"Black! Hello?"

Bachelor Series #1: Black Regoir (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon