Chapter 5

528 14 0
                                    


~Yrah's Pov

"Ang tigas-tigas talaga ng ulo mo, Yrah! Ginagawa mo ang lahat ng naiisip mo at hindi ka nakikinig sa iba! Paano kung nabisto ka at nahuli? Ha!?! Edi patay ka na ngayon! Palibhasa wala kang ibang goal sa buhay mo kung'di ang makaganti sa taong 'yon!"

Kanina pa talak ng talak si Hera dahil nalaman niya ang ginawa ko. Pero wala akong pinagsisihan.

In an attempt to find out who Resvales Alta Mercy is, iba ang nahanap ko. And I never expected that Resvales and that man is just the same. Iisa lang.

"Tapos na naman 'yon, Hera. I'm still alive and I finally found him. At last—"

"And you're proud?! Yrah! Are you insane?! The Alta Mercy isn't a joke! If you'd escaped today, the next time around, you'll be a dead bull. Alta Mercys aren't like the other criminals and drug pushers, drug dealers that you'd putted behind bars, they are definitely a different case. Dahil kilalang Mafia ang Alta Mercy at alam mo kung gaano sila kasama at kalupit."

Walang katapusang sermon ang natanggap ko sa pinsan ko mula nang dumating kami ni Cipher kanina.

"Hera, that's enough. It's also my fault. I didn't convince her enough," saklolo ni Cipher.

"No, don't defend her again, Nicolas. She has to learn. Di na natuto, eh!"

Hindi na lang ako sumagot sa usapan. Tumayo ako at dumiritso sa kwarto para magbihis. I can still hear their loud voices, arguing over my oh-so-called-wrong move, according to my cousin herself.

After I took a bath and changed, I lazily lay down on my bed. Then there's a soft knock. Bumukas ang pinto at pumasok si Nicolas. He smiled weakly.

"How are you feeling?"

"Never better, Nic."

"So, it's really him?"

"No doubt. I can still remember his fucking face, vividly. And my anger....." Hindi ko na tinuloy ang sasabihin ko.

Kasi bumabalik na naman ang sakit at galit na pilit kong binabaon. Halos walong taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ko, at ngayon na natagpuan ko na ang salarin, I won't waste it. I trained for this, I lived for this.

"I know how you feel, Yrah. We're in the same shoes, but Hera is right. You're risking your life. How can you get the justice that you'd been longing for years if you die?" Sabi niya at sumandal sa hamba ng pinto ng kwarto ko.

Dito na rin siya natutulog minsan at magkaibigan kami.

"I know. Don't worry, I won't do that again. I'm sorry for not listening anyway. Akala ko kasi makakababa ako sa labas pa lang ng bahay pero hindi pala."

"Yeah, right? If that was your plan, fifty percent failure ka," sabi pa niya at tumawa.

Umingos lang ako at umayos ng higa. Alam ko naman 'yon, ang tanga lang ng plano ko. Sinwerte lang ako kanina at nakalabas pa ako ng buhay sa kaharian ng mga Alta Mercy.

"Out, Nic. I'm sleeping."

"Pwedeng tumabi?" May nanunudyong ngisi na tanong niya.

"Naah. May kwarto ka diba? Doon ka."

"Oh? Pero gusto ko rito sa tabi mo, eh." Umingos siya kaya pinukol ko ng masamang tingin. Lalaking 'to talaga.

"No, get out. Pakipatay din ng ilaw," I ordered him.

"Aba, ang lakas ng loob mong utusan ako. Anong pinaglalaban mo?" Pabirong hamon niya pero agad ding pinatay ang switch ng ilaw at lumabas.

"G'night, babe."

Bachelor Series #1: Black Regoir (COMPLETED)Where stories live. Discover now