Chapter 4

356 21 4
                                    

Zara's

Napatingin ako sa restaurant kung saan kami madalas na kumakain ni Xyril ngayon.

"Namiss 'ko mag buffet! Finally." he smiled.

"Hindi ka ba nagbubuffet sa America?"

"Hindi, busy kasi lagi sa trabaho." he chuckled before holding my hand.

Napatingin ako sakaniya, but he just looked at me then winked. Napaiwas ako ng tingin.

"Madalas ba kayo rito ni Xina?" he asked.

"Hindi, ayoko na kasi kumain dito." I looked away.

"Bakit? Nagdadiet ka ba Zara?" he teased.

I just made a face. Hinampas 'ko rin ito sa braso dahil sa pangaasar. Bawal na ba ako mag diet? Napakabwisit ha.

"Diba favorite mo yung mga pagkain dito? Cheat day ka muna ngayon."

Napairap lang ako, hindi naman kasi ako nagdadiet. Ayoko lang talaga rito dahil namimiss 'ko lang siya! Simula college kasi hanggang makagraduate kami ay dito kami madalas. Ayaw naman namin ni Xina na mamiss siya kaya't hindi na kami rito kumakain.

"Diet ka ba talaga? Daig mo pa lalaki sa pag-kain mo e." Xyril laughed.

I glared at him before continuing eating. Ang sarap talaga ng mga pagkain dito! Walang kupas.

"How's your stay in Ameria?" I asked him.

He stopped eating and looked at me. "Nakakapanibago nung una." he smiled.

"But nasanay ka na at nagustuhan mo na?"

He just shrugged then continued eating. Napanguso naman ako at kumain na. Natahimik uli kami at naawkwardan ako kaya't nagisip ako ng maitatanong sakaniya.

"Marami bang gwapo sa America?"

He looked at me with his brows furrowed. "Why?"

Napakunot din naman ang noo 'ko, "Sa pagkakaalam 'ko ay ako ang nagtatanong?"

He just rolled his eyes, natawa naman ako. Even his eyes rolling looked hot. Ang gwapo pa ring tingnan! Napaiwas ako ng tingin at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

I want to ask him if marami bang magaganda sa America!!

"I don't know, hindi ako interesado. Mas gwapo naman ako sakanila."

"Ha?"

"I answered your question."

"Ahh, eh magaganda ba? M-meron?" I finally asked!

"Hm, yeah." he said as he continued eating. Napatahimik naman ako at kumain ng desserts. Nawalan ako ng gana, kaya dessert nalang ang kakakainin ko.

"Mga sexy siguro yung mga babae do'n no?"

"Yeah." he smiled as if he remembered something. Agad nanlaki ang butas ng ilong 'ko. What the heck Xyril?!

Tumayo ako at kinuha ang gamit 'ko.

"Hey." he called me but I didn't answer. Dumiretso ako palabas at pumunta sa may labas ng kotse niya. Natagalan ito dahil nagbayad pa pero agad din namang sumunod.

"What's wrong?" he asked.

"Wala, I want to go home."

He sighed, "You will not go back in the hospital?"

"No, nakisuyo naman ako kay Xina kaya ayos lang."

He nodded, "Okay."

---

"Goodmorning!!" I energetically said.

"Zara?"

Napatawa ako sa reaksyon ni dad nang makita ako. Today is my day off, kaya't napagdesisyunan 'kong bumisita rito sa bahay. Dad immediately went closer to me then hugged me tightly.

"I missed you, my daughter!" he happily said.

"I missed you too dad! Nasaan po si mom?"

"She's in the kitchen."

Tumango ako at dumiretso sa kusina. Napangiti ako ng malawak nang makita ang mga nakahanda sa dining table. Iba't ibang klase ng seafoods at pasta ang nasa lamesa.

"Zara!!" my mom excitedly shouted.

Napatakbo naman ako kay mom at agad itong niyakap. "Mom! I missed you po!"

"Nako anak! I missed you too."

"Teka mom, is this for me? Alam niyo po na dadating ako?" I laughed as I get a fork. Kukuha na sana ako ng calamares nang pigilan ako ni mom.

"Mamaya na anak! I have bisita, sabay sabay na tayong kumain."

"Maam Eliana, andito na po sila Maam Patrina."

Nanlaki ang mata 'ko sa narinig. "Sila tita Patrina po ang bisita niyo? Omg!"

Tuwang tuwa akong pumunta sa may sala at natawa nang marinig ang tili ni tita. She immediately hugged me. Tita Patrina is my second mom, she's my mom's bestfriend at siya ang nanay nila Xina. She's so kind to me, ganoon din si tito.

"I'm so glad to see you here Zara!" Tita happily said.

"Same tita!"

"Mabuti't kasama 'ko rin ang anak 'ko! You can hang out again like before. Aw I miss the old times." Tita laughed.

Sakto naman na pumasok ang sinasabi niyang anak at hindi nga ako nagkakamali, it's Xyril again!

"Omg Xyril!! Welcome back!" My mom excitingly said.

Nagkwentuhan sila mom sa may sala. Ako naman ay nakaramdam ng gutom, kelan ba sila matatapos kakachika? Dahil sa gutom ay palihim akong naglakad papuntang kusina at kumuha ng tinidor.

Isang calamares lang promise!!

Nang makakuha at makakain ay tuwang tuwa ako. I missed my mom's calamares. Dahil sa gutom ay tutusok pa sana ako nang,

"Takaw talaga."

Napahawak ako sa dibdib 'ko dahil sa gulat, "You!! Ginulat mo 'ko!"

"Ikaw din, ginulat ako ng katakawan mo." he teased.

This man! So annoying! Ba't nga ba uli kita nagustuhan?!

Into youTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang