Chapter 10

374 21 2
                                    

Zara's

"Mukhang napapadalas ang pagsasama niyo ni Zenon ah." Xina wiggled her brows.

I laughed, "Syempre! Magkapair kaya kami."

She slowly nodded, halatang hindi naniniwala sa'kin. Inirapan 'ko lang ito at tinawanan.

Kasalukuyan kaming naglalakad sa hallway papunta sa office 'ko. Paniguradong nando'n nanaman si Zenon at inuubos ang waffle deluxe 'ko! Weeks passed at mas lalo pa kaming naging close, at nakakainis minsan dahil sunod nang sunod sa'kin at palagi akong inaagawan ng pagkain.

Natapos din ang mga araw na hindi 'kp pinapansin si Xyril kahit tawagin ako nito. Do'n nalang siya sa Mika niya. Sakto namang nakita 'ko si Xyril na naglalakad at makakasalubong namin, kaya't agad akong kinabahan.

"Kuya!" Xina exclaimed and stopped infront of him. Napatigil din tuloy ako.

Xyril seriously glanced at me before looking and talking at Xina, "What?"

"Sungit naman neto! By the way, hindi ako makakasabay sainyong magdinner mamaya ha."

"Why?" Xyril raised his brow.

"Uhm, kakain ako sa labas."

"Aalis na bukas si dad for his business trip, you need to eat with us." supladong sabi nito kay Xina.

"Hala oo nga!" Xina said then looked at me, "Zara, oo nga pala! Sorry, nakalimutan 'ko. Kayo nalang ni Zenon ang kumain sa labas mamaya, hindi na ako makakasama sorry."

Napatango naman ako kay Xina, bago tumingin kay Xyril na madilim ang tingin sa'kin at walang pasabing umalis.

Weird niya.

---

"Hoy! Inubos mo nanaman ang waffle deluxe ni Zara! Wala kang awa." Xina scolded Zenon.

"Tss." Zenon ignored her. Namula namab si Xina dahil sa inis at hinampas si Zenon.

"Walanghiya ka! Ano ako? Kumakausap sa hangin?"

Napatawa naman ako sakanila. Kunwari pa si Zenon e, halatang type niya si Xina pero mas pinipiling sungitan ito. Sayang lang at hindi na makakasama si Xina sa dinner, balak ko pa sanang iwan silang dalawa. Pahamak talaga 'yang Xyril na 'yan.

Alam na rin pala ni Zenon na gusto 'ko si Xyril at naikwento 'ko na rin sakaniya ang pagkainis 'ko pero tinatawanan lang ako nito. So annoying!

Nang mag 6 na ay agad akong sumakay sa sasakyan 'ko para umuwi. Hindi na rin tuloy ang balak naming kumain sa labas dahil wala na rin naman si Xina. Dumaan lang ako sa mcdo para magdrive thru bago dumiretso sa bahay. Mas ayos pang magpahinga.

Binuksan 'ko ang tv at nagsimulang manood habang kumakain. Pagkakain ay naghalf bath lang ako at ginawa ang skin care routine 'ko. I even put some face mask into my face. Napatigil naman ako nang marinig ang doorbell. I shrugged before going to the door.

"Zara."

Nanlaki ang mga mata 'ko nang makita kung sino ang kumatok. It's Xyril! At amoy alak ito! Napatingin ako sa orasan, it's 9 na!

"A-anong ginagaw--"

"Let's talk."

Napatitig naman ako sa mata niya at napansin 'kong hindi naman siya lasing na lasing. Tipsy lang kumabaga.

"Hoy!" I said when he went inside my house and seated at the sofa. Napailing lang ako at kumuha ng tubig sa ref.

"Uminom ka." I said as I gave him the water. He smiled.

Tinitigan 'ko lang siya habang umiinom. Nilagay niya sa lamesa ang baso at tumingin sa'kin ng seryoso, napaiwas naman ako ng tingin.

"Is he your boyfriend?" he suddenly asked.

Napatingin ako sakaniya at napakunot ang noo, "That fucking Zenon!"

Nanlaki ang mga mata 'ko dahil sa pagmumura niya, "Huwag kang magmura!"

He sighed as he looked at me, "Paanong hindi ako magmumura! Inagaw ka niya sa'kin Zara."

"Huh?"

"I like you Zara. I fucking like you! To the point na gusto kitang ipagdamot! Hindi 'ko ba alam kung manhid ka o ano. College palang Zara, gustong gusto na kita. Tangina. "

Napatitig ako sa sinabi niya. Wait, am I hearing things right?

"P-pero--"

"Don't say anything Zara. I don't want to be rejected. I just want to say my thoughts to you." he bitterly laughed.

"Tangina lang e, akala 'ko gusto mo na rin ako. Pero nung hinalikan kita, parang diring diri ka. Shit lang, pero sorry hindi ako nagsisisi na ginawa 'ko y---"

I held the back of his head then kissed him. His eyes widened because of what I did. I laughed when I ended the kiss. His ears became red!

"Zara."

"Dami mo pang sinasabi. I like you too."

Into youWhere stories live. Discover now