Chapter 9

337 18 4
                                    


Zara's

"Mukhang wala ka sa mood ngayon ha." Xina laughed.

Inirapan 'ko siya. Paano ba naman 'yang kapatid mo, nakikipagdate sa iba! Pwede namang sa'kin nalang diba? Hinalikan niya nga ako e!

We are currently walking to the meeting room. Pinatawag kami ng head ng ospital dahil may iaannounce daw. Napanguso ako, kung kelan talaga iniiwasan 'ko si Xyril tsaka may nangyayaring ganito e.

Pagkabukas ng pinto ay napahinto ako, many doctors are here. Ngumiti ako sakanila at tumango. Napatingin naman ako kay Xyril na nakatingin lang sa phone niya. Unprofessional! Nakikipagtext!

Napasimangot ako ng bahagya bago umupo sa may upuan. Siniko naman ako ni Xina pero hindi 'ko ito tiningnan. Kairita talaga yang Mika na 'yan. Mas maganda naman ako do'n!

"Hoy, nagaway ba kayo ni kuya?" Xina whispered. Hindi 'ko ito pinansin.

Naramdaman 'kong mangungulit pa si Xina nang mapahinto ito dahil sa biglang pagbukasn ng pinto. Tumayo kami bilang pagbibigay respeto sa heads. Sinenyasan kami nito na umupo.

"Good day. I'm here to say that the representatives from the hospital in Europe are here." panimula ng head.

Napatango naman kami. Sumenyas naman ang head sa may pinto at agad na binuksan ng isang lalaki ang pintuan at pumasok ang grupo ng doktor. They smiled at us and slightly nod as they went inside. Ngumiti rin naman kami, nawala lang ang ngiti 'ko nang makita ang pamilyar na lalaki.

Wow, doktor din pala yung nakabungguan 'ko kahapon?

"Nakasulat sa papel na ito ang pairings. Pinair 'ko kayo sakanila for you to be partners. Nakapaskil na rin ito sa bulletin board. Dismiss."

Nagsitayuan kami at nakipagkamayan sa mga doktor. Isa isa kaming nakipagkamayan sakanila, at napatagal lang ako sa pakikipagkamayan dahil sa lalaking nakabanggaan 'ko kahapon. Ayaw niya bitawan ang kamay 'ko! Sinamaan 'ko ito ng tingin pero mas hinigpitan ang hawak sa kamay 'ko.

"Aba, nangangamoy pag-ibig yata ito ha?"

Napabitaw kami sa isa't isa dahil kay Xina. The guy smirked at me, I just glared at him at hinila na palabas si Xina.

"Aruy! Ano 'yon ha?" Xina teased.

"Ewan 'ko do'n. Paepal."

She laughed. "Sige, may pasyente pa ako. Mauna ka na sa office mo. Bye!"

Tumango naman ako sakaniya at ngumiti. Dumiresto ako sa may bulletin board para tingnan ang pangalan ng makakapair 'ko.

Zenon? So lalaki ang makakapair 'ko?

I just shrugged and went to my office, napahinto lang ako nang makita nanaman yung nakabungguan 'ko kahapon na seating pretty sa sofa ng office 'ko. He smirked at me when he saw me again.

"Anong ginagawa mo rito?" I raised a brow.

"We're partners. Zara right?"

Napabuntong hininga ako, "Ah, you're Zenon." walang ganang sabi 'ko bago umupo sa swivel chair 'ko.

"Sorry nga pala for what happened yesterday. I hope we can be friends though." he sincerely said as he seated properly in the sofa.

I smiled, "Apology accepted. Sorry din dahil kulang ng isa yung number na nilagay ko sa notes mo."

He laughed, "Tsk! I knew it!"

Natawa naman ako.

"Ba't ba kasi sa notes ka pa nagpasulat sa'kin ng number. Pwede namang sa contacts."

"Eh nagpanic ako! Hindi 'ko naman alam na papayag ka, I thought susungutan mo ako!" he chuckled.

Mabilis na gumaan ang loob 'ko kay Zenon. He's fun to be with at magaan lang siyang kausap. Nakwento niya rin na dito siya lumaki pero do'n nagcollege sa ibang bansa kaya't do'n na rin niya naisipang magtrabaho. Nang magutom ay nag aya ito sa mcdo, pumayag naman ako.

"So, you have a boyfriend?" he asked.

Napatigil naman ako. Naalala 'ko nanaman ang paghalik sa'kin ni Xyril nung nakaraan! Gosh.

"Wala."

He looked at me with his amused look, "Weh?" he joked.

Napailing lang ako. He opened the door for me kaya't nginitian 'ko ito. Nawala bigla ang ngiti 'ko nang makita si Xyril.

He's eating with Mika.

Into youWhere stories live. Discover now