Prologue

51 4 4
                                    

PROLOGUE.

Sabi nila, kapag daw namatay ang isang tao, it’s either sa langit o sa ilalim ng lupa sila didiretso.

I can say that it is true.

Sabi pa nila, ’yung iba raw na multo na nags-stay pa sa mundo ay may unfinished mission pa kaya nagmumulto pa rin sila.

Again, I will say that this is true. I would definitely agree with it.

Pero sa totoo lang, hanggang pag-agree lang naman ako eh. I don’t believe in ghosts. May kasabihan tayong to see is to believe, kaya ito ang isinasaalang-alang ko pagdating sa ganito. Hindi naman kasi ako nakakakita ng mga ’yan.

I don’t have this so-called fifth sense.

In simpler words, I don’t have a third eye.

Okay lang naman sa akin ang wala noon kasi sino ba naman ang humihiling na magkaroon ng third eye? Oo, siguro nga ganun ’yung hinihiling ng mga taong humihiling pa na makita muli ’yung mga namayapa na nilang mahal sa buhay, pero hindi ako isa sa kanila. Sa kanila na ’yon.

Ang tahimik kaya ng buhay ko para lang guluhin ng mga hindi nakikitang nilalang.

Sa sobrang tahimik, nakakabingi na.

But until this annoying lady came.

Sobrang ingay niya! At ang malala pa d’yan, hindi niya ako tinatantanan! Pakshet lang ’tong babaeng ’to. Sarap bigwasan sa leeg. Kung pwede nga lang...

Kaso hindi pwede.

Dahil...

MULTO SIYA.

’Cause she is THE GHOST WHO GHOSTING AWAY.

Kaya humanda nang matakot, tumawa, kiligin, umiyak, at maiwan o ma-ghosting nang LITERAL.

Dahil siya lang ang nagpadama sa akin ng tunay na kahulugan at pakiramdam ng ma-ghost.

••••••••••

Isang dalagita ang natagpuang sugatan sa gitna ng hacienda ng mga Puerrovierde na pagmamay-ari ng mayor ng bayan ng Sta. Vista na si Mayor Talos kahapon. Ang sabi ng nakakitang si Kiko—isang magsasaka sa hacienda, ay nakita niya raw ito sa bandang taniman ng mangga ng mga Puerrovierde. Iniimbestigahan pa ang nangyaring insidente.

“Grabe talaga Klynne ’no? Kahit pa mismong opisyal ng gobyerno, kayang pumatay ng mga walang kapangyarihan. I’m sure ’yung mga Puerrovierde ang may kasalanan d’yan.”

Tumango na lang ako at ipinagpatuloy ang paghihiwa ng sibuyas.

Narinig kong tumunog ang sofa na inuupuan ni Jae na mukhang humarap sa kinaroroonan ko.

“Hoy Klynne, Kinakausap kita!” sigaw nito sa akin kaya tiningnan ko na siya.

“Oo naririnig kita. At pwede ba, ’wag kang maingay. Apartment ko kaya ’to. Nakakahiya naman sa'yo eh ’no?” sarkastiko kong sabi bago ibinalik ang tingin sa mga sibuyas na hinihiwa ko.

The Ghost Who Ghosting Away (under editing)Where stories live. Discover now