Chapter 3

22 1 0
                                    


Chapter 3.

[Klynne are you sure that you’re okay?]

“Oo nga ’ma. Sinat lang ’to,” sagot ko. Ang kulit kasi eh.

[Sinat?! Klynne sinat ba sayo yung 38° na init mo? Eh kung ganyan nga  kataas ang temperatura eh marami ng nagrereklamo at sinasabing para na silang nasa impyerno? Eh ikaw para sayo sinat lang ’yan?! Ano ka, balat-kalabaw?! Ano bang nangyayari sayo?]

Napapikit ako ng mata ko. Bakit ba kasi ang lame ng excuse na ’yon? Nabungangaan pa tuloy ako. “Okay fine, mataas nga lagnat ko kaya wag niyo na ’kong bungangaan pa. Baka lalo pa ’tong tumaas eh.”

[Aba’t ang batang ’to! Ah basta! Uminom ka pa rin ng gamot!] sigaw niya sa kabilang linya. Aray naman! Ang sakit sa tenga. [Ano ba kasing nangyayari sayo anak? Kagagaling mo lang sa aksidente, tsaka narinig ko pa kila Xhal na nahulugan ka pa sa ulo ng party popper! Tapos ngayon nilalagnat ka naman! May nangyari ba?]

Napakamot na lang ako ng ulo ko. “Basta ’ma magpapagaling ako. Ayoko munang magpaliwanag ngayon,” baka hindi lang kayo maniwala “matutulog na muna ako. Antok na talaga ako eh. At ’wag na kayong mag-alala, pupunta naman dito ’yung dalawang ugok na ’yun eh.”

[Pupunta pa sila pagkatapos ka nilang bagsakan ng party popper? Eh baka nga kaya ka nilalagnat dahil d’yan sa bukol sa noo mo eh!]

“Hindi nga ’ma—ANO? Pano niyo nalaman na may bukol ako sa noo?!” Napapikit na lang ako at napasampal sa noo kaso wrong move ’yun dahil nakalimutan kong may bukol pa nga pala ako dun. Leche!

[Hindi ko sasabihin na si Xhal ang nagsabi sa ’kin dahil hindi na ’yon mahalaga! Ang mahalaga dito ay ikaw!] Lalo na lang akong napapoker face nang sabihin rin ni mama na si Xhal ang nagsabi nun. [’Wag mo na papuntahin ’yung dalawang ’yun! Naku! Baka mabato ko silang dalawang party popper ’pag nakita ko ’yang dalawang ’yan!]

“Aish, basta papapuntahin ko sila dito,” kesa naman wala akong kasama, baka lalo lang akong lagnatin. “Sige na ’ma, tulog na ’ko.”

[Teka Klynne—] pinatayan ko na si mama. Hayaan na siya. Putak nang putak eh.

Umayos na lang ako ng higa sa sofa at muli ng nanood ng tv. I hate this day. Second day of class pa lang, absent na ako. Hindi na ’ko aasang ni isang subject ay mape-perfect attendance ko, hay. Kungsabagay, kahapon nga hindi ko na tinapos lahat ng klase ko at umuwi na ’ko eh. Asa ka pa Klynne.

Pano ba naman kasi, after nung nangyari sa third class ko—na pinalabas ako ng prof dahil pinagpilitan niyang baka raw nakainom ako or nagda-drugs ako kaya pinalabas niya ako kaya natulala na lang talaga ako nang palabasin niya dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko—kaya naman dumiretso na ako ng uwi kahit pa may limang subjects pa ako.

Ni hindi ko nga alam kung anong iisipin ko sa nangyari eh. Kung dala lang ba ’yon ng pagkakabukol ko nung umaga kaya kung ano-anong nakikita ko, o nagha-hallucinate lang ako at imagination ko nga lang ’yun, o baka... O nga baka multo siya.

But I can’t stand the latter. Pero kasi sa maraming anggulo, parang pinapatunayan lang na multo ’yung babaeng ’yon. Kasi naalala ko na madalas ko pala siyang nakikita at hindi siya nagbabago ng damit. It’s always been her pink dress. Pero ayoko naman paniwalaan dahil hindi talaga ako naniniwala sa multo. Wala naman kasi akong third eye para makakita nun. Kaya ayokong paniwalaan.

At ayun na nga, that night hindi ako makatulog at kinabukasan nga ay nilagnat ako which is ngayon. Ang duwag lang dahil nilagnat ako dahil sa nerbyos.

At gaya nga ng sinabi ko kay mama ay dadalawin ako nila Kent at Xhal ngayon pero pagkatapos pa ng klase nila. Si Xhal kasi ngayon siya papasok eh. Like what I’ve said, nagca-cutting lang ’yun tuwing first day of school, at sa next day pa nun dun siya papasok. Gusto niya raw kasing masurpresa pa ’yung mga kaklase niya sa kanya. Baka nga merong may pake sa kanya ’di ba? Ang bida-bida lang ng idea ni Xhal. Pero bahala siya d’yan, siya naman ’yon eh. Ang mahalaga ay magkakaroon ako ng kasama rito mamayang gabi. Hindi ko kasi ata kayang mag-isa ngayong gabi at baka lalo pa ’kong lagnatin.

The Ghost Who Ghosting Away (under editing)Where stories live. Discover now