Chapter 1

17 2 3
                                    

Chapter 1.

“Anytime around magigising na po siya. Medyo naka-recover naman na po kasi ang katawan niya sa aksidente.”

“’Yan din ang sinabi niyo sa akin kahapon at noong mga nakaraang araw, pero bakit hindi pa rin siya gumigising?!

Calm down, Kaela. She’s just a nurse, not a fortune teller.

Matatawa na sana ako sa narinig ko kaso masakit pa ang katawan ko kaya hindi ko magawa.

Sorry po ma'am, pero tama naman po ang asawa niyo.

Aba’t! I heard the old woman paused for a while Kinunsinti mo pa kasi itong nurse na ’to at sa kanya ka pa kumampi kaya pabalang na ring sumagot sa akin! Parang ’di ako ang asawa mo!

Kaela naman kasi, ang init ng ulo. Akala mo naman hot—aray! Kaela sumusobra ka na ha! Hindi naman kita pinalo ah? Isa pang palo hahalikan na kita d’ya—aray, Kaela!

“D’yan ka magaling eh ’no? Itong matandang ’to!

Siguro kung hindi masakit ang katawan ko, tumawa na ako sa naririnig ko. Their voices are familiar but I can’t remember who they are.

Are they important to me?

Kasi mukhang kaclose ko sila eh. I have this feeling na parang masaya ako dahil naririnig ko ang boses nila.

Who are they?

Kating-kati na talaga akong imulat ang mga mata ko para makita ko na sila. I’m sure makikilala ko sila kapag minulat ko na ang mga mata ko eh.

Kaso hindi sumusunod ang mga mata ko. Parang sobrang bigat ng talukap ng mata ko.

I tried to open my eyes but it ended up to a headache. Mata ang binuksan pero ulo ang sumakit. Seriously?

Pero seryoso nga, sumakit talaga ang ulo ko.

“Ang saya naman nila”

Kung nakakakilos lang siguro ako, baka bigla na lang akong mapadilat at manlaki ang mata dahil sa narinig kong iyon.

I know that voice isn’t from one of the three persons talking in front of me in this room. Iba ’yung boses eh.

Familiar, yet scary.

Para kasing narinig ko lang sa kung saan ’yung boses na ’yon kaya hindi ko alam kung kanino ba ’yon.

Pero nakakapanindig-balahibo sa hindi ko malamang dahilan.

“Sana ganyan din ang pamilya ko,” rinig ko pang sabi nung pamilyar na boses sabay buntong-hininga nito.

Calm yourself, Klynne. Baka nagha-hallucinate ka lang. Tama. Gaya nga ng sabi nung nurse kanina, galing ako sa isang aksidente.

Just rest, baka panaginip lang ’to.

Right.

----------

Tamad na tamad kong minulat ang mga mata ko nang may marinig akong malakas na paghilik.

Pero ang tumambad sa akin pagkamulat ko ay puting kisame.

Bigla akong napaupo na nagdulot ng pagkirot ng ulo ko kaya napahawak ako dito pero hindi ko naigalaw ang kaliwang braso ko dahil parang may nakabalot dito. What happened? Bakit ang sakit ng ulo ko? And wait, does my head have a bandage? Ano bang nangyari?

The Ghost Who Ghosting Away (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon