Chapter 2

15 1 0
                                    


Chapter 2.

“Klynne, gising na! Aayusin mo pa ang mga gamit mo!”

Mabilis kong binuksan ang pinto nang marinig ko si mama. Nagulat naman siya dahil dun.

“Eh? Gising ka na pala Klynne,” sabi niya na parang nagtataka pero maya-maya lang ay nawala na ’yon at napalitan ng pagngisi, “Excited ka na sigurong bumalik sa apartment mo ’no?”

Napailing na lang ako kaya tumawa siya, halakhak pa nga. Sinaraduhan ko na lang siya. Ang ingay eh. Ayoko pa naman na umagang-umaga eh sasalubungin ako ng ingay.

Ngayon ang araw ng pagbalik ko sa apartment. Two weeks na mula nang mag-stay ako dito sa bahay at next week ay may pasok na ulit ako kaya kailangan ko nang maghanda at bumalik sa apartment. Kaya nga maaga pa lang ay naghanda at nag-ayos na ako. Na-miss ko kaya ang apartment ko. I’ve been there since I was high school. Yep. Siguro iniisip niyo nang napaka-independent ko pala, well, partly but not really.

Pinag-apartment lang talaga ako nila mama noong magha-high school na ako dahil masyado akong dependent sa kanila. Hindi ako marunong sa lahat ng bagay. Ang routine ko lang kasi noon ay kain, laro ng computer games, tulog, then paulit-ulit na ’yon. Kaya pinag-apartment nila ako para daw matuto ako. At first, ayoko talaga pero marami akong natutunan nang nagka-apartment ako. And I already loved that place because of the memories there. Doon ako nagkaisip at nagising sa totoong mundo. And that’s the reason why I’d love to be there now.

Kaya rin ’wag na kayong magtaka na para yatang sobrang excited ko at maaga pa lang ay nag-ayos na ako.

Tinapos ko lang ang pag-aayos ng gamit ko na patapos na talaga mula kanina pa at ibinaba na ito. Naabutan ko naman sila mama at papa na nag-aayos na rin.

“Mami-miss na naman kita sa bahay na ’to, ’nak," sabi ni papa na nakatingin sa akin at sa maleta ko.

“Sus! Mami-miss raw, eh parang nung nakaraang linggo lang eh pinag-tripan mo pa ’yang anak mo at ginawang utusan sa office niyo,” bulyaw ni mama.

“Eh sinabihan ko na ’yan nung umaga nun na hindi ko siya pwedeng abutang gising pa kapag gabi na eh. Eh makulit ’tong batang ’to, akala siguro biro ko lang ’yun. Edi ’wag siyang magpahinga at magpakapagod pa siya,” sagot ni papa atsaka tumawa pa. Sinuntok tuloy siya ni mama sa braso kaya napahimas siya dito. Mahina na lang akong napatawa.

Bigla ko tuloy naalala nung araw na ’yon. Noong muntik na akong mabangga pero may nagligtas sa akin, kaso nga lang bigla naman siyang nawala. Naabutan ako noon ni papa na gising pa dahil hindi ako matahimik nung gabing ’yon dahil sa nangyaring kababalaghan sa akin. Kaya ayun, ginawa nga ni papa ang sinabi niyang isasama niya ako kinabukasan sa office nila at gagawin akong utusan doon. Sumakit pa nga ang kaliwang braso ko nun eh pero tinawanan lang ako ng turimaw kong tatay. Tsk.

And speaking of, siguro by next week magaling na rin ’tong bali ko. Magaling na rin pala ang ulo ko at ito na lang kaliwang braso ko ang problema. Kaya okay na okay na rin ako.

Umalis na rin kami at naging mabilis lang ang byahe dahil Sabado ngayon kaya hindi traffic. Sasamahan muna ako ni mama sa apartment hanggang bukas at bukas ay susunduin siya ni papa. Ayaw kasi ni mama na pumayag na mag-isa agad ako doon. Alam niyo naman ang mga nanay natin, masyadong mapag-alala, kaya pumayag na lang ako.

Nang dumating kami sa apartment ay si mama ang unang pumasok. Akala mo siya ang may ari eh.

Umalis na rin agad si papa at naiwan na lang kami ni mama doon.

Nagluto lang si mama habang ako naman ay inikot ang buong apartment ko. Wala lang. Gusto ko lang makita ulit ang lahat ng bahagi ng apartment.

Mula living room, dining area, kitchen—kung saan nagluluto ngayon si mama, bathroom, bedroom, at ang stock room ko. Napansin kong masyado na palang maalikabok ang stock room at kailangan ko nang linisan. Kahit pa stock room ’yan ay para sa akin ay kailangan pa ring malinis.

The Ghost Who Ghosting Away (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon