Chapter 4

5 0 0
                                    

Chapter 4.

“Klynne?”

In just one snap, parang biglang nagbago ang paligid at lumitaw na lang sa gilid ko si Kent na takang takang nakatingin sa 'kin na mukhang naalimpungatan. Dun din ako natauhan na nakatayo na lang ako rito sa kusina. What the hell did just happened?! At nasan na 'yung babaeng multong humalik sa 'kin kanina? Is that just my imagination? If it is, then that's a big bullsht!

"Klynne okay ka lang ba?" Natauhan ulit ako nang magsalita si Kent na nasa harap ko na pala.

"Uh, yeah. Hindi lang ako makatulog kaya nagtimpla ako ng gatas," I just said. "Teka bakit pala nagising ka?"

Kainis talaga, parang naging lutang ako sa pangyayari kanina kaya parang natanga ako ngayon. Hanggang ngayon din kasi nangangatog pa rin ako sa takot. The fck, I'm so lame! Tsk.

Pero baka imagination ko lang 'yon. O baka nanaginip lang ako ng gising dahil sa antok ko kahit pa hindi ako makatulog sa kama kanina. Oo baka nga. Medyo nakahinga naman ako nang maluwag don at nabawasan 'yung pangangatog ko.

"Bigla kasing sumakit yung tyan ko, nasobrahan ata sa kinain natin kagabi," sabi niya habang hawak ang tyan. Matatawa na sana ako dahil mukhang naimpatcho ata siya sa dami ng kinain niyang sopas na niluto ko kagabi kaso nagsalita ulit siya, "Tsaka narinig din kasi kitang sumigaw," nagulat ako sa sinabi niyang 'yun kaya nareverse na naman 'yung nasa isip ko at bumalik 'yung takot ko.

"T-talaga?" 'yun na lang ang naisagot ko, trying to stop myself from overthinking again.

"Oo nga! Akala ko nga kung napano ka na eh," sabi niya habang nagkakamot ng mata. "Pero teka nga, sure ka bang okay ka lang? At ikaw ba talaga 'yung narinig kong sumigaw? Kasi nakatulala ka na lang d'yan ngayon eh."

"H-hindi ako 'yun 'no. Bakit naman ako sisigaw sa kalagitnaan ng gabi? Baka guni-guni mo lang 'yun o nananaginip ka pa nun," pagmamaang-maangan ko. I can't tell him what happened to me just now because that lady might appear again if she really appeared here a while ago. And I can't let that happen, especially that Kent is here.

Mukha namang nakumbinsi siya sa sinabi ko bago siya nagsalita ulit, "Siguro nga. Sige inom ka na d'yan, natatae na talaga 'ko eh." Kahit pa gusto ko siyang tawanan dahil sa biglang pagbabago ng itsura niya eh hindi ko magawa dahil binalot na naman ako ng takot.

Pagkatalikod niya sa 'kin ay napaupo agad ako sa upuan sa mesa dahil sa sobrang ngatog ng tuhod ko. Fck it! What bullsht is just happening to me?!

To lessen my nervousness, I decided to continue making milk. I really need to get distracted.

Medyo kumalma naman na ako nang makapagtimpla na ako ng gatas. Pero halos maibuga ko 'yung gatas na iniinom ko nang biglang lumitaw sa tabi ko 'yung babaeng multo. Agad akong napalayo at nagbalik na naman yung takot sa 'kin. So what happened a while ago is truly real? I knew it. Pinapaniwala ko lang talaga ang sarili ko na panaginip lang 'yon kahit alam ko naman talaga sa loob-loob ko na totoo 'yun. Ang duwag ko, kainis.

Tinitigan ko 'yung babae kahit pa natatakot ako. Hey, I'm still shocked okay? She just disappeared like a bubble a minute ago and now, she suddenly appeared beside me? Sino ba namang hindi magugulat dun?! At nakakatakot kaya dahil marerealize mo rin na multo 'yung nakikita mo! Argh!

Naka-pout siya na nakakunot ang noo habang nakatingin sa 'kin. Okay, what's her problem? Bakit parang siya pa ang naagrabyado rito sa itsura niya ngayon?

"What?!" mahinang bulong ko, baka kasi marinig ni Kent na nasa cr pa rin eh. Teka, bakit nga ba ang tagal nun lumabas? Oh fck it Klynne, nagawa mo pang mag-isip ng ibang bagay habang may multo sa harapan mo?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Ghost Who Ghosting Away (under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon