Chapter 03 // Fire Guy

84 12 0
                                    

Austria's POV

I can hear it. Ginagawa niya na naman ba ang pagkontrol sa apoy? Paano niya ba 'yon nagagawa? Ano 'yon, may power siya?

"He's doing it again."

"Sino?"

"Anong ginagawa?"

"Iyong lalaki, naririnig ko," I answered the twin.

"You mean, he's controlling the fire again?" tanong ni Dale kaya tumango ako.

"Huh? Wala naman akong marinig," sabi ni Louise habang naka-focus pa para marinig ang naririnig ko. "Ang lakas naman ng pandinig mo," dagdag niya pa.

Naririnig naman kasi talaga, ang lakas pa nga sa akin. Ewan ko ba kung bakit wala silang marinig. Madali lang naman talagang marinig kapag may nasusunog 'di ba? Like something is sizzling.

Napatingin kaming apat nang biglang bumukas ang porthole ng kulungan niya. Nakakagulat siya.

"He's really creepy," Louise muttered which is enough for us to hear.

"You're talking about me?" The guy said and I was confused. Did he heard us? Pero ang hina naming mag-usap.

We were just looking at each other's eyes and is it just me or there is something with the way he looks at me. Parang may sinasabi ang mga mata niya sa akin pero hindi ko alam kung ano o baka naman guniguni ko lang 'to.

"I know you."

Freak! Ano 'yon? I heard a voice. Ang sakit sa ulo. Parang hinahati ang ulo ko.

"Austria, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Louise na nakahawak sa braso ko. Napahawak pala ako sa ulo ko dahil sa sakit. Geez. Who owns that voice?

"Yeah. Sumakit lang ang ulo ko," sagot ko sa kaniya.

Nang maka-recover ako sa sakit ay binalik ko ang tingin ko sa lalaki at nakangisi na siya sa akin. Siya ba 'yon? He owns that voice? Is he trying to talk with me using his mind? He can do telepathy?

"Hey. You told her that you know her, right?" tanong ni Dale kaya napatingin sa kaniya 'yong lalaki.

"Yes. Does that something has to do with you?"

"No, but how is that?" tanong niya ulit.

"You don't need to know." He smirked. Sino ba siya? Ano bang mga pinagsasabi niya? Ginugulo niya ang isip ko.

"Welcome back."

I heard his voice in my head again. Can't he stop doing it? Hindi ba niya nakikitang nasasaktan ako sa ginagawa niya? Sobrang sakit sa ulo. Argh!

"Austria, ano bang nangyayari sa 'yo?" muling tanong sa akin ni Louise. She really looks worried.

"Ang sakit ng ulo ko," sagot ko dahil mas masakit na ngayon ang ulo ko kaysa sa kanina. Gusto kong magpahinga dahil nauubusan ako ng lakas dahil sa sakit.

Lumapit naman sa akin si Dale at inalalayan ako para umupo sa sahig at sumandal sa pader. Nakasapo ang kamay ko sa ulo ko at hinihimas ang sentido. Parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Nanghihina talaga ako. Ngayon ko lang naranasan ang ganitong klase ng sakit ng ulo.

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang sinabi ng lalaki kanina. What does he mean by those words? I am confused. He knows me and he's welcoming me? I don't even know this place. So how come can he say those?

"Magpahinga ka na lang muna," Cliff suggested and I nodded.

Pinagdikit ko ang mga tuhod ko at pinatong doon ang braso 'tsaka ipinatong ang ulo ko. Ayoko namang mahiga sa sahig kaya ganito na lang. Ilang segundo lang ay nakaramdam na ako ng antok pero bago ako tuluyang makatulog ay naramdaman ko pa ang pag-upo ni Dale sa tabi ko at ang pag-akay niya sa ulo ko para isandal sa balikat niya.

Merveille Academy (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon