Chapter 04 // The Escape

89 11 6
                                    

 Austria's POV

"Tara," Mahinang sabi ni Cliff kaya sumunod kami sa kaniya.

Gabi na ngayon at tatakas na kami. Gaya ng sabi ng lalaki kanina, siya na ang bahala kung paano kami makakalabas sa kulungan namin. Hindi namin alam kung paano niya nagawa 'yon pero wala ng lock ang kulungan namin kanina kaya nakalabas kami.

Bago kami makaalis ay nagpasalamat ako sa kaniya dahil tinulungan niya kami. Tinanong ko rin siya kung siya ba talaga ang may-ari ng boses na naririnig namin nina Cliff at Louise kahit na alam kong siya 'yon. I just need his confirmation.

Kahit papaano ay nabawasan ang iisipin ko pero kainis dahil hindi ko natanong sa kaniya kung paano niya ba nagagawang kontrolin ang apoy at kung totoo ba ang powers and abilities sa lugar na 'to.

"Stop," Mahinang sambit ni Dale kaya napahinto kami at napatingin sa kaniya. "Somebody is coming." Nag-focus naman ako dahil sa sinabi niya at narinig ko ngang meron.

"I think they're three."

"Sure ka?" tanong sa akin ni Louise at tumango ako.

"Paano 'to?" Iritang tanong naman ni Cliff. Dalawa na lang kasi ang kulungan na kailangan naming lampasan para makapunta sa manhole na tinutukoy ni Louise. Tamang-tama naman ang timing nitong mga kawal na 'to. Kainis!

"Austria, you know what to do," saad ni Dale at nakuha ko naman agad ang ibig niyang sabihin.

Noong mga bata kami ay na-train na kami sa martial arts para sa self-defense. Tinuruan din kami ng iba't ibang bagay para alam namin ang gagawin kapag may nangyaring masama sa isa sa amin. Kaya rin siguro nasundan nila ako rito dahil kay Dale. I'm excited dahil first time kong magagamit ang natutunan ko.

Tahimik lang kaming nakasandal sa pader at nang tumapat ang tatlong kawal sa amin ay lumabas ako bigla at sinuntok ang isa sa ilong. Sa sobrang lakas ng force na pinakawalan ko ay nakatulog siya at may dugo pang lumabas sa ilong. Binalian naman ni Dale ng buto 'yong dalawa at pinatulog din. After that nag high-five kami.

Gulat naman ang naging reaction ng kambal dahil sa ginawa namin pero nagpatuloy na kami sa paglalakad papunta sa manhole. Dahan-dahan itong binuksan ni Dale para hindi gumawa ng ingay at maayos naman niya itong nabuksan.

Naunang bumaba si Louise at sumunod ang kambal niya, pagkatapos nila ay sumunod kami ni Dale. Mabuti na lang at may mga torch dito kaya nakikita namin ang dinadaanan namin. Hindi ito ordinaryong tunnel gaya ng mga nakikita ko sa mga palabas. Hindi madumi rito at walang mabahong amoy. I wonder what's in here.

"Oh my gosh..." Mahinang sabi ni Louise pero sapat na 'yon para marinig namin.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sumunod na nangyari. Now I know why she said that. May limang kawal ang sumalubong sa amin. What the freak?! Bakit hindi niya agad sinabi?!

"Run!" sigaw ni Cliff kaya nag-unahan na kaming tumakbo. Oh my! Dito yata ang camp ng mga kawal dito sa castle. May limang kawal na naman ang pasalubong sa amin!

Agad kaming lumiko sa kanan at todo takbo talaga kami para hindi kami mahabol. Ngayon, sampu na sila na humahabol sa amin at sana hindi na madagdagan pa. This is literally a suicide. Tumakas kami sa kulungan para lang mapunta rito sa tunnel na camp pala ng mga kawal.

"Geez!" sigaw ni Louise at lumiko sa kaliwa at sumunod naman kami sa kaniya. Nagulat na lang ako na may panibagong lima na naman pala ang humahabol sa amin. Fifteen na sila!

Takbo lang kami nang takbo hanggang sa hindi na namin makita ang mga kawal na humahabol sa amin pero naririnig pa rin ang tunog ng mga kasuotan nila. Pagod na ako at alam kong gano'n din sila dahil napansin kong bumagal sila sa pagtakbo. Nang may makita akong maliit na pasilyo ay agad akong pumunta roon at sumunod sila sa akin. Dumiretso lang kami roon hanggang sa makakita kami ng pinto sa dulo. Finally!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 13, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Merveille Academy (Book 1)Where stories live. Discover now